Chapter 22.1

267 4 0
                                    

Grabe ang tagal ko na rin hindi nakapag-update. Sobrang busy this year malapit na kasi magcollege one year to go. Kaya, habang free mag-uupdate ako :)))

Merry Christmas nga pala and a Happy NEW YEAR!!! :)))

_____________________________________________________________________

Angel☻

Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ni Adrian sa airport na 'to!! 

" Kailan ka pa umalis?! " tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang parking.

" Nung Sophies night. " mahinahon niyang sagot

" Walang hiya ka rin noh! Iniwan mo ako sa ere nun para  akong tanga naghihintay sa wala! "

" Kung mag-react ka naman kala mo girlfriend kita! "

SHET!! Yan lang ang masasabi ko! E kahit nanay mo paghintayin mo sa wala, magagalit din yun e!

" Pumunta ka lang kung saan-saan, kumapal ata yang mukha mo! " sabi ko

" Bakit?! " sabay hinto at nilapit ang mukha niya sa akin. Parang estimated na 2 inches ang lapit niya sa mukha ko at sinabing.... " Namiss mo ba ang mukhang 'to ng sobra-sobra?! "

" SHUT UP! Edi sana kanina pa kita niyakap yakap diyan! "

" Hmmm... ito naman, halata namang namiss mo ako e. Kanina mo pa ako inaaway! "

" Ah!! Bwiset!! " at tumakbo ako papunta kay Mr. Rolly na naghihintay sa may kotse.

Makalipas ang ilang minuto nakasakay na kaming 3 sa kotse. Oo tatlo kami magpapahatid lang naman si Adrian sa bahay nila.

" Ano bang ginagawa mo sa airport? " tanong ni Adrian sa akin.

" May pinapadala kasing package para kay Michael, e ako ang nautusan dahil hindi daw macontact yung lalaking yun! "

" WOW~ Kailan pa kayo naging close ni Michael. "

Biglang nanlaki yung mga mata ko. Baka mamaya madulas ako, gaya nung nakausap ko si Red. Anong sasabihin ko sa kanya.?? Isip Angel, ISIP!

" Ah.... kasi diba class rep ako, e lahat kasi ng student council busy, ako lang ang hindi kaya ako ang inutusan. "

" Ah, utusan kana pala ngayon. "

Talaga naman oh!!! Nambabara nanaman e!! 

" Ito naman nagtatampo agad! " sabay pinch sa cheek ko. 

" Ito oh, para mawala na ang galit mo sa akin. Especially made for you yan kaya ingatan mo! "

Inabot niya sa akin ang isang cute na expensive-looking na bote. Pagtingin ko sa pangalan ng bote, ito ay isang " Gladiolus- Vanilla Perfume". 

" Pinagawa ko talaga yan sa lolo ko. Syempre, ikaw ang inuna ko sa lahat. Ikaw kasi ang una sa listahan na bibigyan ko e. Tsaka, alam ko naman na gusto mo yan diba! "

Bakit?! Bakit ba sobrang bait mo sa akin? Pwede bang itigil mo na, kasi nahuhulog ang loob ko e. Lagi na lang ako nato-touch sa mga ginagawa mo. First time ko lang makakita ng taong toughtful at concerned sa akin..... kahit na ganito ang ugali ko...

" Nag-abala ka pa. Pero... thank you ^_^ " mahinahon kong sabi

" Sobrang namiss ko ang matamis mong ngiti... "

" E... ang mapait kong sapak, namiss mo rin ba!!? "

" Syempre naman! Walang gustong sumapak sa akin sa ibang bansa e! "

" Tss~ baliw! "

" Uhm. Sir Adrian, andito na pa tayo. "

" Thanks Rolls!! Bye Angel "  at agad- agad na humalik sa lips ko pa!!! Nakakadalawang smack na 'tong mokong na 'to ah!! 

____________________________________________

" Maam, hindi naman po sa nagingialam ako. Pero, delikado ang ginagawa mo. " sabi ni Mr. Rolly sa akin.

" Sorry. Siya kasi eh!! AHHHHHHHHHHHH!!!!!! "

" Maam sorry na po maam ,sorry na po! "

" BWISET!! SANA KASI SINABI KO NA SA BUONG TAO NA GUSTO KO SI ADRIAN DATI PA!! EDI SANA HINDI NA AKO HUMANTONG SA ARRANGED MARRIAGE!!! "

" Kung ganun maam... "

" Oo, Rolly, asawa ko si Michael. Contract lang naman ang kasal nami for 5 years ata! Hindi ko pa nga alam kung peke o totoo yung contratang yun e!! Quiet ka na lang na sinabi ko lhat sayo! I trust you Mr. Rolly!"

" Makakaasa po kayo maam! "

Bigla kong nakita yung package at yung nahulog na mini envelope. Tinignan ko yung nakasulat...

To: Michael ♥

From: BiB♥

" Sino si BiB? "

" Ah.. maam, si Bianca po yan! BIanca Baby ang ibig sabihin niyan. "

" Ang oa and corney and weird and pangit naman!! " pabulong kong sabi.

_______________________________

Natraffic nanaman kami. Pagtingin ko 9:00p.m na!!!

" Tumawag na po kayo sa inyo Maam. "

" HA?! Kung kailan namatay yung cellphone ko, doon gagamitin!! Wala ka ba diyan?! "

" Wala po e "

" Hindi naman siguro sila mag-aalala. Si Michael pa! Never ko siyang nakitang mag-alala."

_____________________________________________________

After 2 hours nakarating na kami sa bahay. Umalis na Mr. Rolly. Sobrang dilim na sa bahay. Lahat siguro tulog na! Anu bayan!?! Nauuhaw naman ako! Pupunta muna ako sa kitchen house.  Paghakbang ko sa entrance ng kitchen house biglang may humablot ng kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

" Bakit ngayon ka lang? "

" Mi-Michael? "

" Alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala! Saan ka ba nagpunta!! "

" May pinakuha sa aking package para daw sayo! "

" Sa susunod, magsasabi ka saakin. Hindi yung aalis ka na wala man lang pasabi. Hindi ako makatulog pag wala ka sa bahay! "

0/////0

Totoo ba 'to?! Panaginip lang ba 'to?!!!

dug..dug...

HEARTBEAT KO!!!

" Ah.. ganun ba? Sorry may package kasi para sayo "

" PWEDE BA!!! OO ALAM KO MAY PACKAGE AKO!!! Pero ilang hours kang wala sa tabi ko, ALAM MO BA ANG PAKIRAMDAM NA WALA ANG MAHALAGANG TAO SA TABI MO?! "

" Huh?! Lasing ka ba?! "

" Akin na nga yan! " sabay hablot ng package.

Hindi ko siya maitindihan?! Nakakatakot rin pala siya pag nag-aalala siya!!! *sigh* Makainom na nga ng tubig! 

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now