A/N: First book ko po na Mystery-thriller. Sana ay susuportahan ninyo.
----------
Sa ilalim ng malaking punong mangga, sa ulap na tila galit na galit sa sanlibutan dahil sa malalakas na ulan at sa mga tinig ng iba't ibang nakakatakot na nilalang.
Makikita niyo ang isang babaeng naka upo sa damuhan na labis ang pag-iyak, iyak na hindi mo gustong marinig dahil sa pagdadalamhati nito. Puti ang kaniyang pang itaas na kasuotan, pula naman ang kaniyang pang ibaba, may puro itim at mahaba siyang buhok, puti't makinis naman ang kaniyang kutis ngunit wala siyang suot na tsinelas dahil sa pagtakbo. Tumakbo siya upang makatakas.
Makatakas sa bingit ng kamatayan.
Nagdadalamhati ang babae ngayon sapagkat nasilayan niya na kung paano nawalan ng buhay ang kaniyang magulang pati narin ang kaniyang nag-iisang kapatid sa kamay ng taong mga mahahalang ang sikmura. Walang awa nilang pinatay ang kaniyang mahal sa buhay sa hindi alam na dahilan at nasilayan niya iyun.
Nakita niya na kung paano lumuhod at lubos nagmamakaawa ang ama nito sa mga maskuladong lalaki. Mukhang naawa naman sila at lumayo ng iilang metro ngunit makalaunan ay tinakbuhan at walang awa nitong ginilitan ng leeg ang kaniyang ama.
Nakita niya din kung paano binastos, pinagsasampal-sampal at hinalay ang kaniyang ina kaya ito binawian ng buhay. At nakita rin niya kung paano binugbug ng maskuladong tao at inari sa pwet ang kaniyang gwapong nakakatandang kapatid.
Nanlumo siya sa pangyayaring iyun at hindi nagsalita ni kahit isang letra at humayo palayo sa tinitirahang bahay hanggang sa marating niya ang malaking punong ito. Nakikita sa kaniyang mata ang punong ito ay tila nakakatakot na nilalang, tila isa itong matanda na puno ng balbas ang mukha.
Mas lalong nanginig ang babae subalit pinalipas niya ang takot at nagtago sa punong ito. Nagtago siya upang makasigurong hindi siya makita ng mga lalaking iyun. Ang mga kasuklam suklam na lalaki at hindi lang iyun, may nakita din siyang matandang lalaki, isang gwapong lalaki at nagagandahang mga babae na kung titigan ay tatlong taon lang ang layo ng edad nila.
Galit ang kaniyang nararamdaman sa oras na ito dahil sa nasaksikhan na karudumal-dumal na krimen. Mabuti nalang nang siya'y 'di nakita ng mga taong iyun kasi tiyak, matutulad siya sa mahal niya sa buhay na ngayon ay natutulog na hinding hindi babangon kailanman.
Mas lalo napahagulgol ang babae sa iyak ng maalala niya muli ang kaninang pangyayari. Gusto niyang kalimutan ito subalit batid niya ding hindi ito madali, hindi iyun madali sapagkat kanina palang ito nangyari.
At lalong hindi niya ito madaling makalimutan ng kaniyang puso't isipan dahil napag-isipan niyang pagbabayarin niya ang mga taong iyun. Mga taong kumitil sa mahal niya sa buhay, mga taong nagpaulila sa kanya sa edad ng labing walong gulang.
Kilalang kilala ng babae ang mga taong pumatay sa mama at papa niya at na isip niyang isa isahin niya ang mga ito gamit ang kaniyang sariling mga kamay.
"Magbabayad kayo sa ginawa niyo! Mamatay kayo katulad ng pagpatay ninyo sa magulang at kapatid ko! Ay hindi lang pala kayo! Pati din mga anak niyo! Damay damay na!"
Matapos sabihin ang katagang iyun ay pinahiran niya ang kaniyang luha at gumawa ng isang ngiti sa kaniyang labi. Isang ngiti na 'di pangkaraniwan sa lahat, isang ngiti na tila galit ang nararamdaman ng puso't isipan at isang ngiti na kung tatawagin ay paghihiganti.
"Mamatay ang dapat mamatay at pagsisihan niyo ang inyong ginawa. Ihahatid ko kayo sa tinatawag niyong impyerno!"
Naglakad siya palayo sa punong mangga at humayo patungo sa kanilang bahay. Na isip niya kasi na baka wala na ang mga taong iyun kaya siya bumalik.
Habang papalapit sa kanilang bahay na hindi malaki at hindi din maliit, kunbaga sakto lang ang laki. Nag uunahan namang naglakad pababa ang tubig galing sa kaniyang mga mata. Umiiyak siya dahil nabuksan muli ang kaninang sugat ng kaniyang nararamdaman at naitanim ang tinatawag na poot at galit sa puso't isipan.
"Makikita at makilala ninyo kung sino ako! At ako!..." Tumawa ang dalaga at pumasok sa bahay nila.
"Ako ang magiging bangungot ninyo. Isang napakasamang bangungot na kailanman ay hindi niyo matatakasan!"
Pinahiran niya ang kaniyang luha at umupo sa isang silya. Huminga siya ng malalim at pumikit upang magpahinga. Bago paman siya makatulog ay nagbigkas siya ng mga kakakilabot na salita.
"The play of my wrath will be begun in the near future. And fully taste it!"
Katulad ng sabi ng babae. Maghahasik siya ng lagim sa hinaharap kaya dapat ng maghanda kung sinuman ang pumatay sa kaniyang magulang at kapatid. Kasi hindi nila magugustuhan ang gagawin ng isang babaeng naapi.
Buhay ng magulang at kapatid ko ang nawala. Kaya dapat buhay din ng pamilya nila ang magpaparaya.
Masisilayan nila iyun sa aking mga hakbang na gagawin. At kahit magmakaawa pa sila sa aking harapan ay hindi nila ako mapipigilan.
That even God-the creator can't stop me, Because for me,
"Every mistake , in return is death."
So don't you dare to bung up my hole in cruelty.
I'm an evil.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Black Statue
Mistério / Suspense"Every mistake , in return is death." Masisilayan nila iyun sa aking mga hakbang na gagawin. At kahit magmakaawa pa sila sa aking harapan ay hindi nila ako mapipigilan. That even God-the creator can't stop me. So don't you dare to bung up my hole i...
