Chapter 10: Daddy Chronicles

2.9K 39 8
                                    

Nung dumating si Billy sa bahay ni Gabo, tahimik na at wala nang tao. Sinabihan siya ng isang kasambahay na pinatulog na ni Gabo sa guest room ang mga bata at tinuro na rin sa kanya kung saan yung kwarto. Ang laki laki naman kasi ng bahay na 'to. Tapos mag-isa lang siyang nakatira dito. Nakwento na rin kasi ni Gabo na day off ang mga house help kapag Sabado at Linggo. Madalas daw, Friday pa lang ng gabi, umaalis na sila.

Billy slowly opened the door. Tulog na tulog na si Gavin katabi ni Jethro. Sa kabilang kama naman, yakap-yakap ni Gabo si Brielle. She inched closer and heard Gabo singing a lullaby to the little girl.

Nakangiti, tahimik siyang lumabas sa kwarto at bumalik sa living room.

About thirty minutes later, dumating si Gabo. Natawa si Billy sa itsura nito. Mukhang nakaidlip na rin sa tabi ng anak, base sa magulo niyang buhok. "Hey. Nakabalik ka na pala," he said and joined her on the sofa, although he kept his distance.

"I saw you and Brielle. Di ko na kayo inistorbo," Billy answered. "I hope they didn't give you too much trouble."

"Hindi naman. Napagod na din siguro. Brielle just had a nightmare kaya pinatahan ko muna. Saka nagpatulong pala ako kay Ate Dana bihisan yung kambal. Para kasing ayaw nilang magpabihis sa'kin," Gabo said. "But that's okay. Sanay sa'yo eh."

Billy laughed. "Actually, kahit naman kina Sputnik ayaw na nilang nagpapabihis. Minsan kahit sa'kin. Big kids na daw kasi sila," sabi niya.

The moment she said Sputnik's name, parang nagbago ang mood ni Gabo. Hindi na lang nagcomment si Billy pero halata naman sa mukha niya. "That's cute..." Gabo seemed so distracted.

Billy decided to test the waters. "Speaking of Sputnik..." Ayun nga. Biglang nairita! "Can they come here tomorrow? Nakwento ko kasi yung nangyari sa bakeshop kaya gusto nilang malaman what happened dun sa meeting ko sa supplier. Saka miss na daw nila yung dalawa. Or pwede namang ilabas ko na lang yung mga bata tapos isama ko na silang kitain sina Sputnik," she said.

Ano namang kinalaman nung dalawa sa bakeshop?! Nagbe-bake na ba ang mga lawyer at doctor ngayon?! "No, okay lang na dito. Around what time? I'll have food delivered para di ka na mapagod magluto," Gabo said, gritting his teeth.

"Around lunch. Are you sure? Baka istorbo kami dito ha." Billy studied his face.

Sila, istorbo. Kayo ng mga bata, never. "Billy, okay lang nga," Gabo replied, trying to smile.

"Thank you, Gabo," Billy said. "And dun sa lunch, ako na bahalang magluto. I like cooking for the kids whenever it's possible. Minsan kasi masyado akong busy sa bakeshop kaya si Mikael na yung nagluluto. Pag kay Sputnik naman naiiwan, ayun puro delivery rin."

Gabo nodded, pero malayo na ang tingin niya. "Can I help?"

"Ha?"

He smiled at Billy. "Can I help you cook tomorrow?" he clarified. "Gusto ko rin silang lutuan. Since it'll be the first time. Is that okay?"

"Ah. Sure! Pero uutusan kita ha. Okay lang?" Billy teased to make the mood lighter.

Gabo laughed a bit. "Yes boss," he said with a little salute at humilig sa sandalan ng sofa. "Ay oo nga pala. Naturo na ba ni Ate Dana yung guest room mo?"

Tumango si Billy. "Yeah, yung sa tabi nung sa mga bata, di ba?"

"Oo. I was thinking you'd want to be near the kids. Just in case maulit yung kanina," Gabo said. "Does Brielle have many nightmares?"

Billy chuckled. "Not really. Usually kapag may pinapanood kaming nakakatakot or kapag namamahay siya. Maybe she's just scared na di siya familiar sa place," she said. "Don't worry. Sabi naman ni Mikael normal lang yan sa bata. Basta hindi madalas, it's okay."

Make It Without YouWhere stories live. Discover now