IIWY 26

6.6K 82 3
                                    

Vic's Pov

Last quarter na. Pero wala pa din si Bang. Akala ko ba susunod siya. Akala ko tatapusin niya lang yung paglilinis niya? Bakit hanggang ngayon wala pa din siya.

"Vic tambak tayo. Paano yan?" Tanong sakin ni Alms. Halata sakanya ang pag aalala. Halata sakanya na gusto niya talaga manalo.

Tiningnan ko ang oras. May limang minuto pa. Ang score namin 56-60 lamang ng apat. Paano tambak? Sus. Apat lang. Pero kasi wala si Bang eh.

Nagbuzzer na at tapos na ang time out. Bola ng kalaban. Pero kasi wala talaga si Bang eh. Kanina ko pa nililibot ang mata ko eh.

"Vic please kailangan natin manalo dito." Halos magmakaawa si Alms sa pagkakasabi niyang yun. Bahala na. Bahala na ang favorite ko si Batman.

56-62 na ang score. May tatlong minuto pa kami. Bola namin. Bahala na talaga. Nag fakemove ako saka ako tumira ng pa 3points. And shoot. Bola ng kalaban. 59-62 na ang score. 3points na lang. Na steal ni Alms ang bola at nag fast break saka pinasa sa isa naming kakampi.

Then shoot. 61-62. Pero isa na lang. May 1minute na lang.

"Ugh." Naramdaman kong nasiko ako. Nakita ko kung sino ang gumawa. Nag smirk siya sakin.

"Viiicc." Napalingon ako sa tumawag sakin. Nandyan na siya. This time. This is it. Nakangiti siya sakin. Pero halata mo sakanya na nag aalala siya. Siguro nakita niyang siniko ako. Oo walang foul yun. Di ata nakita ng referee.

Ok na. Nandyan na ang lakas ko. Na steal ulit ng kakampi ko ang bola. Saka ipinasa sakin. May 30secs na lang. Sakin nagbabantay ang sumiko sakin. Matindi ang pagbabantay niya. Halos di ako maka abante.

Nagfake move ako. Saka ako naka abante malapit sa ring. And saka ko shinoot. Panalo kami. Alam ko panalo kami. Kasi nakita kong nagshoot ang bola.

"Viiiccc." Isang boses na pamilyar na pamilyar sakin. Isang boses na kina iinlaban ko. Isang boses na siya lang ang nagpapatibok ng puso ko ngayon.

"Vic. Gising ka Vic." Pag tapik niya sa pisngi ko. Hanggang sa unti-unti akong nawalan ng malay.

Naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko. Sa buhok ko. Pinakiramdaman ko muna yun. Hindi siya nagsasalita. Haplos niya lang ang ulo ko.

"Vic. Kamusta na pakiramdam mo? Kamusta ulo mo? Sa katawan mo anong masakit?" Tanong niya sakin ng idilat ko ang mga mata ko. Ganito pala mag alala si Bang. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya. Babangon na sana ako.

"Oh Vic. Bakit kasi babangon ka pa. Ayan tuloy." Masakit ang ulo ko. Parang binagsakan ng bato.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. Halata ang pag aalala niya sa mga mata niya.

"Bumagsak ka. Mali yung pagkakabagsak mo after mo mashoot yung bola." Oo naalala ko yung pagshoot ko ng bola. Nagkamali pala ako ng pagbagsak ko.

"Sorry." Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Halata sa mga mata niya ang pag aalala.

"Sorry saan" tanong niya sakin.

"Sorry. Kasi for the second time pinag alala na naman kita."

"Ako dapat ang magsorry sayo. Kung di ako ginising ni mama malamang di talaga ako naka abot sa game niyo." Ayun. Nakatulog pala.

"Diba sabi ko sayo wag ka masyado magpapakapagod."

"Eh dapat talaga magpapahinga lang ako nun. Tapos ayun na. Nakatulog na ako. Sorry na."

Im Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon