IIWY 30

4.9K 81 9
                                    

Vic's Pov

Bakit ganun? Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Bakit kailangan niyang sabihin yun.

Wala din akong maalala na ginawa ko para sabihin niya yun sakin.

"Hugs kamusta? Kanina ka pa ba?" Yes. Si Nicole. Ang bestfriend ko. Nakauwi na din siya ng Pinas.

"Di naman. Halos kararating ko lang din." Sagot ko sakanya. Dito ko na siya pinatuloy sa condo ko. Since wala naman siyang matutuluyan dito.

"Ano ba yang mukhang yan Vic? Bakit ganyan? Para kang pinag bagsakan ng langit at lupa." Saka ako nagbuntong hininga sakanya.

Di ko alam ang isasagot ko sakanya. Di ko din naman kasi alam ang sasabihin. Kung bakit ako ganito diba.

Hay naku naman. Nagbuntong hininga ako ulit.

"Ayaw na daw niya ako makita. Ayaw na din daw niya ako makasama." Sabi ko na lang sakanya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya sakin. Paano ko ba sasabihin to?

Di ko alam eh. Ang sakit ng mga sinabi niya sakin. Ang sakit sakit lang.

"Hays. Ewan ko sakanya. Wala eh. Wala naman akong maalalang ginawang masama sakanya eh." At nagbuntong hininga ako ulit.

Niyakap na lang ako ni Nicole. Saka ko naramdaman na napaluha na pala ako. Pinunasan ko yun habang nakayakap siya sakin.

"Mag pahinga ka na. Bukas maaga ka pa. Start ka na bukas diba." Ti-nap niya ang likod ko.

"Salamat hugs ah." Saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Pumunta na ako ng kwarto ko. Si hugs kasi di na nagpasundo sakin kanina. Deretso siya ng hotel. Saka siya nagtext nung nasa isang resto siya at nagpapasundo.

Hanggang sa sinamahan ko siya sa mall. Pero sandali lang din kami dun. Saka ko naisipan puntahan si Bang. Ewan ko bigla ko na lang naisipang puntahan si Bang.

==========

Maaga ako nagising. Since ngayon na yung mangyayari. Yung ipapakilala ako.

Im here now sa resto. Dito gusto mag breakfast ni lolo. Walang kapaguran din tong matandang to eh. Panay trabaho lang.

"Lo bakit di niyo pa kinakain yang pagkain niyo?" Tanong ko sakanya. Halos walang galaw yung pagkain niya.

"Handa ka na ba Ara?" Yeah. Ara. Siya lang ang tumatawag sakin na Ara. Since parang pagirly daw yung name. Wala naman akong mahanap na pagirly dun.

"As always lolo." Sagot ko sakanya.

"Ok then. Let's go." Teka. Di pa nga siya kumakain eh.

"Di ako tatayo hanggat di niyo kinakain yang pagkain niyong yan." Utos yun. Kunot noo siyang nakatingin sakin.

"Sino ka para sabihan ako ng ganyan?" Ay. Parang ano naman tong si lolo. Tumayo ako saka ko siya nilapitan.

"Lo kailangan mong kumain. Wala ka pang breakfast. Ang haba ng byahe mo kanina." Sabi ko na lang yun ng mahinahon.

Kahit naman papano napapasunod ko tong lolo ko. Kahit sa ganito lang.

"Alright." Sagot niya saka siya umupo ulit at nag umpisang kumain.

Nang matapos kaming kumain sa private lane kami dumaan. May secret way tong building na to.

Dumiretso kami ng office ni lolo. Sakanya to. Since ibibigay na niya yung position niya sakin. Ako na ngayon ang mag ooffice dito.

"Let's go Ara." Saka ako tumayo kasunod ng lolo ko. Di naman ako kinakabahan. Kasi napaghandaan ko to. Matagal ko ng napaghandaan to.

Pagpasok namin ng kwarto nagsipag tayuan ang mga taong nasa loob. Nilibot ko ang mata ko. I saw Bang and Mela. Halata sakanila ang pagkagulat.

"Goodmorning everyone." Pagbati ng lolo ko. Sabay-sabay din silang bumati.

Nang maituro samin ang uupuan namin nagpaiwang nakatayo ang lolo ko. Look's like tired pero kailangan niyang sabihin ang dapat sabihin.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. My time is limited. Marami pa akong dapat asikasuhin. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking apo. Ang bagong CEO ng Salas Group of Company. My grand daughter. Victonara Salas Galang." Saka niya ako itunuro.

Tumayo ako saka humarap sakanila. Nilibot ko ang paningin ko. Halata pa din sa dalawa ang pagkagulat nila.

"Goodmorning everyone. Im Victonara Salas Galang grand daughter of Alfredo Salas Sr. Glad to meet you guys." Ayun lang ang sinabi ko. Saka sila nag isa isang lumapit sakin.

Isa isa din silang nagpakilala. Hanggang sa dalawang tao na nasa harapan ko.

"FO ay Boss pala. Congrats and welcome." Saka niya ako niyakap at nagbeso.

"Huy Bang ikaw na." Siko niya kay Bang na hanggang ngayon tulala pa din.

"Hi. Vic Galang." Pagpapakilala ko sakanya. Nilahad ko ang kamay ko pero tiningnan niya lang yun.

"Ok. Maiwan ko na kayo. Vic follow me." Saka ako lumingon sa papaalis na si lolo.

"Sige. Nice to meet you guys." Saka ako lumabas at sinundan si lolo. Nagtungo ako sa kwarto kung saan kami kanina galing.

"Is that Jep's girl?" Tanong sakin ni lolo. Hindi naman ako mabibigla. Dahil alam ko pinapasundan yan ni lolo.

"Yes lo." Sagot ko sakanya.

"And also your girl?" Napalaki naman ang mata ko dun.

"No lo. Kay Jep siya." Sagot ko sakanya.

"Wag mo na akong lokohin Ara. Alam ko na yan." Tama siya. Alam niya bawat galaw ko. Pero thankful pa din ako dahil hindi niya ako pinigilan sa mga bagay na ganito.

"Okay lo. You win." Sa totoo lang. Si lolo hanggat maaari ayaw niya akong may gf. I mean yung magiging distraction ko sa trabaho.

Si Nicole pasalamat ako at nakuha niya ang loob ng lolo ko. Kundi. Naku lang.

"Malaki ka na Ara. Alam mo na ang tama at mali." Ganyan naman lagi niyang sinasabi eh. Na malaki na ako. Na dapat sa bawat gagawin ko perpekto. Walang mali.

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kundi sundin ang lolo ko. Ganito niya ako patakbuhin sa mga kamay niya.

Hawak niya ako sa leeg. Siya halos nagpapatakbo ng buhay ko. Siya nagko control.

Pasalamat ako dahil yung hiningi kong bakasyon sakanya hindi niya ginulo. Pasalamat ako dahil sa bakasyon na yun nakilala ko si Bang.

Pasalamat ako dahil kay Bang natutunan ko ang ilang bagay na di ko natutunan simula nung bata pa ako.

Lumabas na ng kwarto si lolo. Ako nanatili lang dito sa kwartong ito. Eto na. Magsisimula na ang buhay ko. Ang totoong buhay ko. Ang reyalidad ko.

—————

Sorry. Di ako marunong about offices.

Im Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon