67

4.5K 89 18
                                    

Vic's Pov

Nag umpisa na ang pag constract sa itatayong hotel dito sa lupain nila Denden. Nakabalik na si Bang sa Manila at babalik na din siya some other day dito. Napabuntong hininga na lang ako. Namimiss ko siya. Namiss ko siya. At araw-araw kong siyang namimiss.

Wala naman sigurong mawawala kung namiss ko siya diba. Ang akin lang naman kasi. From that day I met her here at sa laging nagkakatagpo ang landas namin gustong gusto ko siya na lagi nasa tabi ko. Pero sa di malamang pagkakataon at dahilan hindi ko magawa. Minsan kasi may mga kasama siya.

Yeah. You read it right. Hindi ko magawa. Not because of Denden. Natatakot kasi ako na malaman niya ang totoo. Okay. Ako na ang nagsinungaling. Ako na naman ang may sala. Ako na naman ang may kasalanan.

And that day na nakita namin ang isa't isa. Oo nagulat ako. Pero wala akong magagawa kung bakit mas kailangan kong magpanggap na nakalimot ako. Na nawala ang memorya ko. Na ultimo siya di ko maalala.

Kahit na ang alam niya ay ako si Ton at di si Vic nagpapasalamat pa din ako dun.

Mabilis lumipas ang bawat araw sa buhay ko. At ngayon nandito na ako sa site. Im the one who take care of this imbis na si Denden. Hindi naman pwede si Denden at mapapagod lang siya.

Mula dito sa kina uupuan ko. Dito kung saan tanaw na tanaw ko si Bang. Yes. Si Bang na nakabalik na galing Manila.

How I missed her. The way she walked. The way she smiled. The way she looked at me. Her smiles. Na may lumalabas na maliliit na dimples sa magkabilang gilid ng pisngi niya. Ang mga mata niya. Ang ilong niya. Ang mukha niya. Sobrang miss na miss ko na siya. Lalong lalo na ang labi niya. Na gustong gusto kong halikan.

"I told you bumalik ka na sakanya diba?" Boses ng isang tao na alam na alam ko. Nilingon ko siya na naka upo sa wheelchair niya. Habang si Nanay Rose naman ang nagtutulak sakanya.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa ah. Babalikan na lang kita Den." Si Nanay Rose.

"Sige po Nay." SI Den.

"Alam mo naman diba." Sagot ko sakanya.

"Kesa yung ganyan ka. Lagi kang tanaw. Laging kang pasulyap. Any moment pwedeng pwede mo na siyang lapitan."

"No Den. Alam mo ang dahilan ko." Yes. Si Denden nga. Si Denden ang kaharap ko.

"Vic nandiyan naman sina nanay Rose eh. Nandiyan naman ang mga trabahador para makasama ko." Nakita kong nalungkot ang mga mata niya. Ayokong ganito ang mga mata ni Denden. At alam kong nasasaktan siya.

Dont get me wrong guys. Wala siyang feelings para sakin. Wala siyang nararamdaman. Plain friendship lang kami. Yes. Kasal nga kami. Sa papel. Sa papel lang kami kasal at sa ibang bansa lang yun.

"No. I'll take care of you." Sabay hawak ko sa kamay niya. At magkatitig lang kaming dalawa. Okay. Nagsisinungaling ako. May nararamdaman siya sakin. May feelings siya sakin. Mahal niya ako. Oo na. Mahal ko din siya. Pero alam niya talaga kung sino ang tinitibok ng puso ko. At hindi niya ako hinahawakan sa leeg dahil nasa poder niya ako.

She know everything. At dahil alam niya ang lahat. Hindi siya nag take advantage para lang sa mga bagay na alam niyang masasaktan lang siya.

"Ehem." Dun kami napabalik sa wisyo. Paglingon namin isang Bang na may sakit akong nakikita sakanyang mga mata. Sakit dahil sa nakita niya samin ni Denden.

"Hi Bang." Pagkakamusta ni Denden sakanya. "Dinalaw ko lang si Hon kasi di siya nag breakfast kanina. Kaya dinalhan ko na din siya. Ikaw kumain ka na ba?" Tanong ni Denden sakanya. Lumingon naman siya sakin. At ako naman alanganin ang pagkakangiti.

Im Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon