IIWY 25

6.1K 90 4
                                    

Bang's Pov

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginagawa sakin ni Vic. Ang dami na niyang nagawa sakin. Mga sweet moments.

Di ito ginagawa ni Jep pero kasi alam mo yun. Iba kasi eh. Eto ngayon. Nagulat ako paglabas ko ng banyo may makikita kang petals. Tapos sa likod mo may makikita kang Vic na may hawak na bulaklak tapos nakangiti pa.

Aaminin ko. Na nadisappoint ako nung pag gising ko wala si Vic sa tabi ko. Walang nanggising sakin. Tapos yun pala paglabas mo lang ng banyo. Ayun. May supresa. Sarap mo magmahal Vic. Hay. Sana ikaw na lang. Sana mas maaga kang dumating kesa kay Jep.

"Mahal ko." Napabalik ako sa wisyo ko nung hinawakan ni Vic ang kamay ko. Tapos ayan pa. Tatawagin ka pa niyang mahal ko. In a sweet voice. In calm voice.

"Hmmm." Sagot ko sakanya. Halata sakanya ang pagtataka. Hay Vic. Bakit ba kasi ganyan ka kagwapo. Kahit anong itsura mo. Kahit anong facial reaction mo. Hindi ko maiiwasan na humanga sayo.

"Kako baka pwede bukas na tayo umuwi." Hmmm. Bakit naman kaya?

"Bakit?"

"Ayan. Di kasi nakikinig eh. Space out ka na lang dyan." Halata sakanya ang pagtatampo.

"Ano nga kasi yun." Seryoso kong sabi sakanya.

"Wala yun. Sus." Kita mo tong isang to.

"Vic ano nga yun?" Tanong ko ulit sakanya. This time ako na ang nakahawak sa kamay niya.

Eto yung mahirap kapag naka harap mo si Vic eh. Yung pigilan yung kilig mo. Pumangalumbaba ba naman habang naka tingin sakin.

"Kako mahal kita." Seryoso. As in seryoso ang mukha niya. Seryoso siya sa pagkakasabi niyang yun. Ni hindi man lang kumurap ang mata niya habang nakatitig ako sakanya.

Ni hindi man lang gumalaw yung mata niya.

"Manahimik ka nga dyan Vic." Yun na lang nasabi ko. Kasi naman. Ang hirap eh. Ang hirap hirap pigilan ng kilig.

"Di joke lang mahal ko." Ayun na eh. Okay na sana eh. Nandun na ako eh. Sobra na yung kilig ko eh. Lalabas na nga yung puso ko eh. Tapos biglang bawi? Tingnan lang natin ngayon Vic. Makakabawi din ako sayo.

"Ah okay." Sagot ko na lang. Ganun pa din ang posisyon niya. Kaya naman ang ginawa ko niligpit ko na lang yung mga pinagkainan namin.

"Oh ako na dyan mahal ko." Inagaw niya sakin ang mga plato pero agad ko din binawi.

"Ako na. Dyan ka na lang." Minadali ko ang pagligpit ko.

"Sungit mo naman dyan. Akala mo naman maganda ka." Nanlaki ang mata ko sakanya.

"Anong sabi mo Vic?"

"Akala mo naman kako maganda ka para magsungit ka."

"Bakit? Alam kong maganda ako no." Overconfident kaya to.

"Sino nagsabi?"

"Ikaw. Diba yan ang sabi mo nung umaga na natagalan ka sakin na naghuhugas ako ng plato."

"Sinabi ko yun?"

"Oo no. Sinabi mo yun."

"Dala lang yun ng sakit ko. Kaya wag kang maniwala."

"Ah ganun? Oh di sige. Mamaya mag isa ka na lang umuwi ng manila ah."

"Bakit naman?"

"Di tayo sabay."

"Bakit di tayo?"

"Ayokong kasabay ka umuwi ng manila."

"Bakit tingin mo gusto kita kasabay pauwi sa manila?"

Im Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon