Chapter 25

9.6K 185 7
                                    

Alex P.O.V.

NANG maka-uwi kami sa bahay ay malalim na rin ang gabi. Halata na ang pagod kay Jake habang pinapanood ko siyang maglakad papanik sa hagdan. Almost midnight na rin kasi. Lumakad ako papuntang kusina para mag-check kung may pwede ba kaming gawing midnight snack.

Binuksan ko ang ref at mabilis na naghanap ng makakain. Wala na pala kaming stocks. Kaylangan ko ng mag-grocery. Naglabas ako ng egg at hotdog even a chicken. I will ffry them so we can have our dinner. But it looks like I don't have a talent at cooking dahil nasunog ko lang ang mga ito. Sumimangot ako. Nilagay ko ang pan sa may gilid ng lababo at sabay kuha ng cellphone ko.

Nag-dial ako ng number, isang fast food chain ang tinawagan ko na pinakamalapit dito sa bahay. Hindi ko super type ang mga pagkain sa fancy restaurant dahil mahal and minsan hindi naman masarap. Mas gusto ko pa ang fast food lalo na kapag chicken , fries at ice cream!!

"Hey, can I order one bucket of chicken. Half spicy and the rest is not. Two large coke, sundae . . . and pakidagdagan na ng extra gravy. Large din," ani ko.

"Okay, ma'am just tell us your location so we can deliver your order," anito. Tulad ng nais niya ay sinabi ko ang location namin pagkatapos pinatay ko ang tawag at umupo sa may sink.

Habang naghihintay ay nag-facebook muna ako. Binuksan ko ang account ko't nag-scroll up and down. Actually minsan ko lang talaga mabisita ang account na 'to, mas madali akong i-approach using my contact number. May friend request akong nakita kaya pinuntahan ko 'yon.

Jake Anderson

Accept – Decline

Napangiti ako. Kaylan pa kaya 'to? And 'di ko alam na may facebook account pala siya. Syempre, I accepted his request. Binago ko na rin ang apilido ko sa account. Imbis Villafuerte ay Anderson na. Alexandra Crystal Villafuerte – Anderson, napatingin ako sa kaliwanag kamay ko.

There is my ring. Proof that he owns me. Mas lalo akong napangiti.

Muntik na akong mahulog mula sa pagkaka-upo sa sink nang may biglang magsalita sa harapan. Hinanap ng mga mata ko ang lapastangan.

"What are you thinking, wife?" tanong ni Jake na nasa tabi ng pintuan ng ref. Napalunok ako. He is not wearing a shirt. Jusko. Wala pa yung kanin pero bakit nandito na ang ulam?!

Mas lalo akong napalunok nang tumama ang liwanag sa six pack abs ni Jake. Kuminang iyon na para bang may langis siyang ipinahid sa katawan niya.

Cat got your tongue, wife?" panunudyong tanong ni Jake habang umiinom ng tubig.

Isang beses pa kong lumunok bago siya sagutin. "A-ano bang sinasabi mo, ha?!"

Ngumisi siya at lumakad palapit sa 'kin. Ihinarang niya ang magkabila niyang braso sa gilid ko't niyuko ako. Tiningnan niya ako sa mga mata. Kitang-kita ko tuloy ang mga ugat sa braso niya. Ang hotty, babe! Wala bang aircon? Bakit uminit sa paligid?!

"Ano ka ko ang iniisip mo? Di mo namalayang nakapasok na ako dito sa sobrang lalim," malambing niyang tanong. Gamit ang isang kamay ay inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang piraso ng buhok na nakatabing sa mukha ko.

"Wala naman. Nagce-cellphone kasi ako," sabot ko bago ipinalibot ang braso sa batok niya. Mas lalo tuloy na nagdikit ang katawan namin.

Tumango siya kahit mukhang hindi siya naniniwala. Hinalikan niya ko sa noo pagkatapos noon. Sabay kaming napatinguin sa sink na punong-puno ng kalderong sunog.

"Are you trying to cook?"

I pouted my lips. "Yeah . . . I tried pero mukhang ayaw sa 'kin ng mga pagkain. Yung hotdog nga nasunog." Sumiksik ako sa leeg ng lalaki.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere kaya ipinalibot ko ang mga binti ko sa bewang ni Jake. Yumakap din naman si Jake sa bewang ko. I just let myself chill habang binubuhat niya ako. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin, pabayaan na nga.

Kumunot ang noo ko ng huminto kami. Inangat ko ang ulo ko't inilibot ang tingin sa paligid. Nag-adjust pa nga sandali ang mga mata ko dahil sa liwanag.

"Where are we?" bulong kong tanong.

Bumigat ang hininga ni Jake, and that's make my frown hardened. Para kasi siyang nahihirapan na ewan.

"Are you okay? May mali ba akong nagawa?" mahina kong tanong at tiningnan ko siya sa mga mata.

Napalunok ako. He is so handsome. Ilang beses ko na bang nasabi 'yon? At yung puso ko . . . yung puso ko na kumakabog na naman ito ng mabilis. Nakatitig lang naman ako sa pinakamagandang mga mata na nakita ko. Asul na asul ito katulad ng malamig at malawak na karagatan. Nakakalunod.

Nalulunod ako sa mga titig niya.

"Ayan ka na naman. Saan ka ba nagpupunta, ha?" mahinang tanong ni Jake ng ibaba niya ako.

Tumayo ako ng tuwid. Nilingon ko ang paligid. Nasa garden pala kami. Napangiti ako. Mas gumanda ito ngayon dahil may mga ilaw-ilaw na na mas nagbibigay liwanag dito.

Namangha ako sa aking nakita. Nahulog ang mga labi ko. May isang pa-heart shaped na bed sa gitna. Meron ring mga unan. Madami ring nakapalibot na kandila sa paligid. Kinikilig akong lumingon sa kanya.

"You did this?" manghang tanong ko habang tinuturo ang kama. He nods at hinila ako papunta sa may kama. Pina-upo niya ko sa gilid habang siya ay nakatayo sa harapan ko. "W-when?! Eh, magkasama tayo buong araw."

Hinawakan niya ang isang kamay ko't hindi binitawan. "I talk to someone to arrange this because I want this night to be memorable for us," he explained.

Dinamba ko siya ng isang mahigpit na yakap. God. I really love this guy! He is so sweet! Gumanti ng yakap si Jake at tiningnan ako sa mga mata. Akmang ilalapit ko ang mukha ko sa kanya. Bago pa man magkadikit an gaming mga labi ay biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng doorbell.

Para kaming binuhusan ng malamig na tubig at naglayo. I pouted my lips at tumayo. Nagbuntonghininga ako. Lumakad na ako papunta sa main gate.

"Nakaka-inis naman, eh! Ayon na, eh! Kaunti na lang tapos biglang may darating! Jusko. Sa lahat ba talaga ng pagkakataong magkakasarili kami ni Jake ay may darating at iistorbo sa 'ming dalawa? Hindi ba pwedeng mahalikan ko ang asawa ko na walang eepal?!" insi kong tanong sa hangin.

Binuksan ko ang gate. Sumalubong sa 'kin ang delivery guy. Nakangiti siya't itinaas ang ang dalang plastic na may lamang order ko.

"Good evening, ma'am. Here's your order po. One thousand and two hundred pesos po lahat," anito. Tumango ako.

"Wait me here, kuya. Kukuha lang ako ng money." Akma akong tatalikod ngunit nauntog ako sa isang matigas na bagay. Napahawak ako sa 'king noo. Tumingala ako para tingnan kung sino 'yon. It's Jake, may dalang wallet.

Inabot niya sa 'kin ang wallet niya at ngumiti. Tumalikod naman ako at nagbigay ng bayad sa delivery man. "Here," ani ko. Kinuha ni Jake ang pagkain at sinarado ko ang pinto. Sabay kaming pumasok sa kabahayan. 

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now