One Nigth Stand - 10

1.1K 28 0
                                    

Nang pabalik na kami sa classroom ay halata ang pananahimik ni Maurin pero naroon pa rin ang matatalas niyang tingin sa 'kin sa tuwing mahuhuli ko siyang sumusulyap sa 'kin.                                                                                                       

"Served you well," bulong ko pa sa kanya bago kami tuluyang makapasok ng classroom. OA na pinaikot niya ang eyeballs niya at saka dumiretso sa upuan niya.

  

Ako naman ay nakangiting umupo na rin sa upuan ko. Ganado ako sa buong araw na 'yon. For the first time ay naramdaman kong hindi ako kawawa.

  

Kaya naman nang sumapit ang hapon at oras na ng uwian ay hindi na ako masyadong nagtaka na makita ko si tita Rochel na naghihintay sa labas ng gate kasama ang dalawa niyang anak na masama ang tingin sa akin. For sure, nakapagsumbong na si Maurin kaninang lunch break. Hindi ko kasabay si Sam dahil bago mag last period ay nag-cutting na siya kasama ang ilang boys naming kaklase. For sure maglalaro na naman ng dota.

Sa halip na ipagpatuloy ang paglalakad ay huminto ako sa tapat ng guard house na isang dipa na lang yata ang layo sa mismong gate ng school. I know better. Hindi ako lalabas ng gate na 'to at alam kung kukuyugin ako ng magnanay.

  

Humalukipkip lang ako at nakipagtitigan kay Tita Rochel. Sa huli ay hindi na siya nakatiis pa at siya na mismo ang pumasok sa loob ng gate.

Now, I'm safe.

"Umuwi ka na sa bahay. Doon tayo mag-usap."

Sarcastic na tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Sa pagkakaalam ko po ay pinalayas niyo na ako. So bakit babalik pa ako sa inyo, Tita?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya.

"Nag-aalala lang ako sa 'yo kaya umuwi ka na sa bahay."

Bullshit! This fat middle-age lady is obviously lying. Ang kapal ng mukha! Alam ko naman ang totoong rason kung bakit niya ako gustong umuwi ng bahay nila. Wala na siyang mautusan. Hindi naman niya pwedeng utusan ang dalawa niyang anak dahil parehong walang alam sa mga gawaing bahay si Eden at Maurin. Ngayong wala na ako sa kanila, I can just imagine kung gaano siya ka-aligaga sa mga gawaing bahay.

  

Plastik na ngumiti ako kay tita Rochel . "Thank you for the concern, Tita Rochel . Pero hindi na po ako babalik sa bahay niyo. Huwag po kayong mag-alala at kaya ko naman ang sarili ko."

  

Dahil sa sinabi ko ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni tita Rochel . Kung kanina ay mukhang siyang tupa na maamo ang ngayon naman ay parang siyang tigre na handa akong lamunin ng buo.

"Ingrata! Walang utang na loob! Pagkatapos kitang pakainin, patirahin sa bahay ko at pag-aralin ay bigla mo na lang kaming lalayasan?"

  

Napatingin sa amin ang security guard na nakatalaga sa guard house.

  

"Correction, Tita. Hindi ako 'lumayas'. Pinalayas mo ako. At para lang maaalala niyo, simula nang dumating ako sa bahay niyo ay pinagtrabahuan ko ang pagpapatira at pagkakaing ginawa niyo sa akin. Kung tutuusin ay sobra-sobra pa ang paglilingkod na ginawa ko sa inyo. At ano lang naman ba ang pinapakain niyo sa akin? Tira-tirang pagkain? Oh, please."

Nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni tita na halatang nagtitimpi lang ng galit. Pero may karapatan nga ba siyang magalit gayong ako naman ang nasa tama? There's no way that I'm going back to their house. Never.

  

Naunang nag walk-out si Tita Rochel saka sumunod sa kanya ang dalawa niyang anak./ Narinig ko pa si Eden na nagrereklamo sa mommy nila. "Pero Mom! Wala nang mamalantsa ng mga damit namin! At nakita mo naman 'yong sinaing ni Jade kanina, sunog! Kailangang umuwi ni Amber sa bahay."

Pero wala ring nagawa ang pangungulit na iyon nina Eden. Tapos na ang mga araw ng pang-aalila nila sa 'kin. Isang buwan na lang at ga-graduate na kami. Makakalayo na ako ng tutluyan sa bayan na 'to at magbabagong buhay ako. Para pagdating ng araw ay makapaghiganti ako sa mga taong nagpahirap sa akin.

  

Nginitian ko ang guard ang bago ako lumabas ng gate. Lalong nadagdagan ang self-confidence ko dahil sa ginawa ko kanina.

Pagkauwi ko ng bahay nina Sam ay nagulat pa ako nang madatnan ko ang ilan sa mga kaklase naming lalaki na naonood sa sala. Pero bago pa man ako makapasok ay mabilis na dinampot ng isa ang remote at saka pinatay ang TV. Pero alam ko ang ginagawa nila. They're watching porn.

  

Bukod sa mga apat na lalaking kaklase ko ay may dalawa pang babae na hindi ko kilala. Pero base sa uniform na suot nila ay alam kong hindi sila sa school namin nag-aaral.

"Where's Sam?" tanong ko sa kanilang lahat. At bakit wala si Nana Berlin at ang isa pang katulong na si KC?

Walang sumagot sa anim pero nasagot rin ang tanong ko nang bigla na lang bumukas ang isang pinto ng kwarto kung saan unang may nangyari sa amin ni Sam noong nalasing ako dahil sa lintik na Christian.

  

Nakita ko si Sam na lumalabas kasunod ang isang babae na kapareho ng uniform ng dalawa pang babae. Walang damit pang-itaas si Sam at naka boxer shorts lang siya kaya hindi mahirap hulaan kung ano ang ginawa nila ng babaeng 'yon na hindi naman kagandahan sa loob ng kwartong 'yon.

Gulat ang nakita kong reaksiyon sa mukha ni Sam nang makita niya ako. "What? Nakalimutan mong darating ako?" taas noong tanong ko kay Sam habang palapit sa kanila ng babae. "At ikaw naman babae..." ang babaeng medyo mahaba ang baba naman hinarap ko. "Masarap ba si Sam?" nang-uuyam na tanong ko. "Oh, well, you really don't have to answer. Alam ko naman ang sagot."

Nang makita ko ang pumumtla ng babae ay tinalikuran ko na silang lahat at tuloy-tuloy na pumunta ng hagdan at wala na 'kong pakialam kung nandoon man ang ilan sa mga kaklase namin ni Sam. Alam kong bukas na bukas ay laman na naman ako ng tsismis dahil nalaman nilang dito na pala ako kanila Sam nakatira.

  

Oh, well... I don't fucking give a damn.

Pero nang nasa loob na ako ng kwarto ko ay saka ko lang hinayaang humulagpos ang totoong nararamdaman ko. Sumandal ako sa nakasarang pinto at saka dahan-dahang napadausdos sa sahig habang pinipigilan ng kamay ko ang pagkawala ng impit kong pag-iyak.

Masakit palang makita si Sam na may kasamang ibang babae...

  

________________

AUTHOR'S NOTE: Please leave a comment guys! Are you still enjoying the story? Please VOTE, too. Thanks! :)

 ________________

A/N: THIS STORY IS NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM. I ADDED SPECIAL CHAPTERS WHICH IS NOT POSTED HERE ON WATTPAD. HOPE YOU GUYS COULD GRAB A COPY OF ONE NIGHTS STAND. LOVE YOU ALL! ^_^

one night standDove le storie prendono vita. Scoprilo ora