One Nigth Stand - 3

1.8K 39 2
                                    

SABADO. Maaga akong ipinagising ng tita ko kay maurin. Wala pa yatang alas-singko dahil medyo madilim pa nang lumabas ako para pumunta sa malaking bahay.

"Irish, aalis kami ngayon dahil birthday ng kapatid ko na taga-Ormoc. Ikaw na ang bahala dito sa bahay. At huwag mo ring kakalimutang diligan ang mga alaga kong orchids." May inabot na dalawang daan si tita sa akin. "Pangkain mo habang wala kami. Magtipid ka. Baka sa Monday ng umaga na kami makauwi dahil diretso reunion na rin daw ang birthday ng kapatid ko." 

"Okay po, tita."

Nang makaalis ang buong mag-anak ay nakaramdam ako ng tuwa. Bihirang-bihira ang mga ganitong pagkakataon na nakakapagsolo ako sa malaking bahay. Dahil wala naman akong gagawin at wala ang mga 'amo' ko, naisipan kong matulog ulit. Naka-lock ang lahat ng kwarto. Pero dahil alam ko na ang lahat ng sekreto ng bahay na 'to, nagawa kong buksan ang kwarto ni maurin. 

Binuhay ko ang aircon at ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama at nang lumamig na ang kwarto ay unti-unti na kong tinangay ng antok.

Lagpas tanghali na nang magising ako. Kumakalam na ang sikmura ko. Nang maalala ko ang cellphone ko ay mabilis na pumunta muna ko saglit para i-check kung nag text si Sam. At may text nga. 

Good morning. Don't forget to eat your breakfast." Kaninang seven pa pala ang text na 'yon.

Hindi ko muna siya nireply-an. Bumalik ako sa malaking bahay at nagsaing ng kanin. Dahil may mga de-lata pa naman ay nagpasya akong huwag nang galawin ang pera. Itatago ko na lang 'yon para maipandagdag 'don sa ipon ko. Lingid sa kaalaman ng mga nakatira sa bahay na 'to, iniipon ko lahat ng pera na dumadaan sa kamay ko 

Nag-open ako ng bank account sa SAKURA Bank of Abuyog at doon ay dini-deposito ko ang baon na naiipon ko tuwing linggo. Kapag may nakukuha akong pera sa mga labahang damit nina Eden, hindi ko na rin 'yon sinosoli. Inilalagay ko na lang sa bangko 

  

Pangarap ko kasing makalayas sa lugar na 'to kapag naka-graduate na ako. Hindi ako makakapayag na habang-buhay na lang nila akong alilain. Kaya ultimo piso ay tinatabi ko para sakaling kailangan ko nang umalis, may pera akong magagamit para sa paglayo ko.

  

Bandang hapon ay nakatanggap ulit ako ng text from Sam. Well, siya lang naman talaga ang ka-text ko. 

"May handaan mamaya sa bahay, punta ka," basa ko sa text niya. 

  

  

Mabagal na nagreply ako ng, "Sige, sunduin mo na lang ako mamaya."

Bandang alas-sais ng gabi ay sinundo nga ako ni Sam. Hindi ko maiwasang matulala sa ka-gwapuhan ni Sam nang itigil niya ang motor na dina-drive niya sa mismong harap ko. 

"Sakay na," nakangiting sabi niya sa akin. 

  

Sumampa ako sa motor at humawak sa balikat niya. Sakto lang ang bilis ng pagpapatakbo ni Sam sa motor. Mula sa likod ay naamoy ko ang pabango niya na humalo sa natural niyang amoy. Hindi ko napigilan singhut-singhutin siya. Talagang mabango. 

  

Wala pang sampung minuto ay nasa harap na kami ng malaking bahay nina Sam. Hindi na niya ipinasok ang motor sa loob ng gate. 

Nagtaka pa ako nang makitang parang wala namang party na nagaganap. "Akala ko ba may handaan?" Ang ine-expect ko ay maraming tao. Hindi ba't magarbo magpa-party ang mga mayayaman?

one night standWhere stories live. Discover now