One Nigth Stand - 2

2.5K 54 1
                                    

One month earlier...

Isang hapon ng Linggo ay pumasok ako sa loob ng kwarto ni Eden para maglinis. Yes, pati paglilinis ng kwarto nila ay ako pa ang gumagawa. Pinagdadampot ko ang mga damit niya na basta na lang niyang hinubad at inihagis kung saan-saan. Nilagay ko lahat ng labahan niya sa laundry basket na nakalagay malapit sa pinto ng cr niya. 

 Sunod naman na pinagdiskitahan ko ay ang kama niya. Pinagpag ko ang comforter ng kama niya limang kilo yata ang timbang dahil sa sobrang bigat. At nang abutin ko ang unan na nasa gawing kaliwa ng kama para sana ayusin ang punda ay may nakita akong picture sa ilalim.

Nang tignan ko ang picture ay nagulat pa ako nang makita kong kaninong picture 'yon. It was Sam—classmate namin nina Eden  at kilala siya sa buong school namin. Gwapo at mayaman ang pamilya nina Sam.

Tinignan ko ang likod ng picture at nakita kong may nakasulat doon. "I love you, Sam. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan."


Natawa ako sa nabasa ko. "Eeew. So baduy!" Nang tignan ko ulit ang picture ay may nabuong ideya sa isip ko. Ngayong nalaman ko nang crush pala ni Edem ang kaklase naming si Sam, I guess it's time na makaganti man lang ako sa lahat ng pang-aapi sa akin ni Eden at ng pamilya niya.


Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay sinadya kong dumaan sa row kung saan nakaupo si Sam. Pagtapat ko sa kanya ay pasimple kong binitawan ang hawak kong ballpen. So siyempre, huminto ako para pulutin ang nahulog kong ballpen na nasa ilalim ng chair ni Sam. Yumuko at kunwari'y nahihirapang inabot ang ballpen. Sa ginawa kong pagyuko ay alam kong nakikita ni Sam ang cleavage ko dahil bukas ang unang butones ng uniform ko.

Nang tumuwid na ko ng tayo ay nakita kong sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. Pumunta na ako sa row kung saan naroon ang assigned chair ko. At nang makaupo na ako sa upuan ko ay nilingon ko pa si Sam. At nakita kong nakatingin siya sa akin. Matamis na nginitian ko siya.

Alam kong matagal na akong crush ni Sam. Hindi ko lang pinapansin ang mga pagpapalipad hangin niya dahil sa tingin ko ay wala akong panahon na mag-entertain ng mga lalaki. Pero noon pa man ay madalas ko na siyang nahuhuling nakatingin sa dibdib ko. At dahil nga transferee ako sa school nila ay mainit ako sa mga mata ng mga boys, hindi lang kay Sam.


Pagsapit ng uwian nang hapon na ay nakita ko si Sam  na naghihintay sa labas ng room. At nang makita niyang palabas na ako ay mabilis na lumapit siya sa 'kin.

"Irish, pwede ba kitang sabayan na umuwi?" tanong niya sa 'kin.

Nginitian ko siya ng matamis. "Sure." 

At hinatid nga niya ako sa bahay. Saktong pagdating namin sa harap ng bahay ng tita ko ay palabas naman si Eden na nakapambahay na. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Eden nang makita niyang kausap ko si Sam sa harap ng bahay nila.

"Irish, kanina ka pa hinahanap ni mama! Magsaing ka na raw at lutuin mo 'yong isda na nabili ni papa."


Tumingin ako kay Sam. "So paano, hanggang dito ka na lang. Marami pa akong gagawin."

"Pwede ba kitang dalawin mamaya?" 


Napailing ako dahil sa tanong niya. "Marami kasi talaga akong gagawin mamaya. Tapos magre-review pa 'ko kasi may quiz tayo sa Physics bukas."

"Ganun? Kunin ko na lang number mo para ma-text o 'di kaya ay matawagan kita mamaya bago ako matulog," hirit pa ni Sam.

"Wala akong celphone."

one night standWhere stories live. Discover now