One Nigth Stand - 5

1.4K 32 1
                                    

Present....

Nagpatuloy ang ginagawa namin ni Sam na walang nakakaalam. At aaminin kong nae-enjoy ko ang kung ano mang mayroon kami ngayon. Ours was the perfect relationship. Friends with benefits. No pressure. No strings attached. Just fun.

Isang gabi, habang naghahapunan ang buong mag-anak ni tita Rochel ay kinausap niya ako habang nasa isang sulok lang ako ng kusina at naghihintay na tawagin ako ng kahit sino sa kanila kung may iuutos sila. Ganoon lagi ang role ko kapag oras ng kainan. Hindi ako sasabay sa kanila kasi hihintayin ko muna silang matapos. At kung ano lang ang matira sa akin, 'yon ang kakainin ko.

"Irish, nagpasya kami ng tito Roldan mo na huwag ka nang pasalihin sa JS Prom tutal ay dagdag gastos lang 'yan. Dumito ka na lang sa bahay," sabi ni tita Rochel.

Nakaramdama ako ng paghihimagsik ng loob dahil noong isang araw lang ay nakita kong may dalang dalawang gown si tita Rochel na alam kong susuotin ng kambal.

"Kinapos ang sahod ng tito Roldan mo kaya wala kaming pambayad sa registration mo. At kung mababayaran man 'yon, wala ka ring isusuot dahil dalawang gown lang ang nahiram ko kay mareng Ekang," dagdag pa ni tita Rochel.

"Ayos lang po, tita. Ako na po ang bahala sa pambayad sa registration at sa isusuot ko," sabi ko na diretso ang tingin sa sala. Ayokong tumingin kahit sino sa kanila dahil naiimbyerna lang ako.

"Aba'y may pera ka?" Medyo malakas ang boses ng tita nang itanong iyon. "Irish, magsabi ka nga ng totoo, ikaw ba ay nangungupit sa amin na mag-asawa? Nitong mga nakaraang linggo ay madalas kaming mawalan ng pera nitong si Roldan ko. Ikaw lang naman ang pumapasok sa kwarto namin para maglinis. Magsabi ka ng totoo!" 

Kahit na inis na inis ako dahil halatang nag iimbento lang ng kwento si tita Rochel ay pinilit ko pa ring magpakahinahon kahit na totoo ay gustong-gusto ko nang mag walk-out

"Tita, hindi po. Hindi po ako nangungupit."

"Kung ganoon ay saan ka kukuha ng pera na pambayad mo sa JS niyo, Irish?"

 Mabilis na nag-isip ako ng pwede kong gawing alibi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may ipon ako sa bangko. Besides, wala akong balak na bawasan 'yon dahil nangako ako sa sarili ko na ilalaan ko lang 'yon para sa pagpunta ko sa Maynila.

"Papahiramin po ako ni May ng gown, tita. At 'yong sa registration fee naman po, matagal ko na pong napag-ipunan 'yon. Iyong binibigay niyo pong baon araw-araw, lagi po akong nagtatabi."

Si May ay ang maituturing kong pinakamatalik kong kaibigan. Pero nag transfer na siya sa ibang school dahil na kick-out nang makipag-away sa isa naming teacher noong kakasimula pa lang ng school year.

"Bueno, kung talagang nagsasabi ka ng totoo, bahala ka kung gusto mong umattend ng JS JS na 'yan. Basta gusto ko ay gawin mo pa rin ang mga gawain mo dito sa bahay, naiintindihan mo?"

Bago pa man ako makasagot ay tumayo na si Eden sa hapag-kainan.

"Pero mommy! Hindi siya pwedeng umattend ng prom namin! I know, she will just ruin our night, hindi ba, Maurin?"

"I agree, mommy," sang-ayon ni Maurin sa kakambal. "Besides, sa fairytale lang naman nakaka-attend ng parties ang mga katulong na kagaya niya. Kapag pinayagan mo siyang umattend, kami ni Eden ang hindi pupunta."

At sabay na nag walk-out sa kusina sina Maurin at Eden . Napakagat labi na lang ako dahil sa sobrang sama ng loob.

Tumayo na rin si tita at humarap sa akin. "I'm sorry, but you can't attend with that prom, Irish. Narinig mo naman ang sinabi ng mga anak ko."

one night standWhere stories live. Discover now