Si Keisha po yung nasa taas na picture ^^
_________________________________________________
Keisha's POV
Nasa school na ako at kakarating ko lang, nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko...they are sad, halata kasi eeh
"Oh anong nangyari sa mukha nyo?? Bat mga nakabusangot kayo??" Tanong ko, bigla naman silang nagbulungan
Nagtaas kilay lang ako, kasi di ko alam yung pinagbubulungan nila eh...
"Wag ka sanang mabibigla Bess" bat naman ako mabibigla???
"Sure" maikling sagot ko
"Ahm bess ...hmm n-nandito kasi si Russ sa school natin...kanina lang namin nakita...at andun sya pinagkakaguluhan" mahinang sabi ni Rose habang nagtata-nguan naman sila Clarissa at Nicolette
"Huh?! Sure ba kayo?? Baka naman hindi yun si Russ" baka kasi namamalikmata lang sila diba??
"Hindi Bess, sigurado kaming si Russ yon...at saka nandito sya, di dahil sayo kundi para samahan si Cath kasi you know naman na mag isa lang sya at walang kaibigan diba??" Pagpapaliwanag ni Rose
"Tama sya....at saka alam mo ba Bess, parang kilig na kilig pa si Cath nun" dagdag ni Nicolette
Ughhh bat ganon yung pakiramdam ko, parang sumasama dahil sa mga pinagkukwento nila..
"Ahm Tara na pasok na tayo, at saka wala na kong pakielam sa kanila, edi magsama sila" sabi ko, sabay lakad ko papuntang room namin
Pagkapasok ko, nakita ko naman si Cath na sobrang saya dahil sa flowers na nakalagay sa ibabaw ng desk nya..
Napatingin naman sya sakin , kaya umiwas nalang ako ng tingin
Nakakinggit sya, di ko matanggap...
Pumasok naman na ang mga prof namin at nagturo...
Makalipas ang ilang oras, lunchbreak na namin..
As usual kasabay ko pa rin ang mga tropa ko pati narin si Kyle..."Ahm balita ko nililigawan ni Russ si Cath" napatingin naman ng masama yung tatlo kay Kyle dahil sa sinabi nya
"We don't have a fucking care, so shut up" pagtataray ni Rose
"Sorry naman" sabi ni Kyle habang nakataas ang dalawang kamay "easy lang Rose parang kakainin mo na ko eeh" nag roll eyes nalang si Rose
Di naman mawala sa isipan ko yung mga sinabi ni Kyle na nililigawan ni Russ si Cath...
I'm so affected :<<<
"Wag na nating pag usapan yan" sabi ko sabay tayo at walk out, nagtaka naman sila pero di ko na pinansin ang mga tanong nila at tuluyan na kong naglakad paalis
Pumunta nalang ako ng cr. Di ko na kasi kaya yung sakit eeh....at kusang tumulo ang mga luha ko dun ..
Gusto ko ng magmove on but I can't! It's hurting me so much!
Para kong pilit na binubuo ang mga bagay na basag na!
Huhuhuhuhu
Lumabas na ko ng cr. At dumaan muna ko sa locker...nakita ko naman si R-russ
Tatalikod na sana ko kaso hinigit nya ang mga braso ko...
"Ano ba?!"pagtatanong ko sa kanya
Nakatitig lang sya sakin " Kung wala ka namang sasabihin just let me go!" Pagpupumiglas ko
"Love" he said with sincerely in his face, pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko but Hindi toh pwede, nililigawan na nya si Cath diba???
"Stupid!" Di ko alam pero yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko sabay alis
Ang sakit kasi ng nangyayari, di ko alam kung anong kailangan at dapat kong gawin, naguguluhan na kooo
Pag kapasok ko sa room, late na ko ng ilang minutes..pero di naman ako napagalitan ng prof namin...
"Ahm Bess okay ka lang ba??" Tanong sakin ni Rose na nasa likuran ko
Tumango nalang ako at nakinig na sa prof namin pero hindi ako makafocus dahil sa mga nangyayari sa buhay ko
Arrrghhhh I hate of being paranoid!
Natapos ang klase namin ng ilang oras...
"Bess mauna na kami ah" paalam nila Clarissa
Tumango na lang ulit ako at ngumiti ng pilit....napatingin naman ako kay Kyle
"Ihahatid na kita" ngumiti nalang ako sa sinabi ni Kyle "Hindi na Kyle kaya ko namang mag isa" sabi ko sa kanya sabay talikod
"Sige ka pag nirape ka dy-- aray haha" binatukan ko naman sya
"Muntae ka, magaganda lang ang nirerape" sabi ko sa kanya..nagsmirk naman sya
"Maganda ka naman ah" he said with a seriously tone...."Maybe" I said sabay ngiti
"Sige na byeee na" sabi ko sabay sakay na sa jeep, kumaway nalang ako sa kanya
Hayssst medyo pagod ang isip ko ngayon.......masyado na kong nag oover thinking baka madepressed na ko nito tsk.
Ambad naman ng nasa harap ko....ang sarap sigawan ng BAWAL MAG PDA! nakuuu di na nahiya sa nanay na nasa harap nila...landeeeee hmp!
Di ko na mapigilan ang sarili ko taeee! Isumbong ko sila sa mga nanay nila eeh
"Woyyy ipagpatuloy nyo nalang yan sa kwarto o di kaya dun sa walang tao! Hmp!" sigaw ko sa magjowa na yon sabay baba ng jeep
Di manlang Nahiya tsk...wala kong pake kung magalit sila saken duhhh *roll eyes*
"Bitter ka lang eeh!" Rinig kong sabi ng babae kaso di ko na nahabol dahil naka alis na ang jeep
Aaarrghhhh bitter ba ko?? taeng yan, ayaw ko lang naman sa mga nagpi-PDA
Tskkk! Nakauwi ako ng bahay na bad trip kaya nagtataka na naman sila kung bat ako nakasimangot
Dumeretso nalang ako ng kwarto ko at humilata doon ....
Kusa namang tumulo ang mga luha ko
________________________________________________________
Sorry for typo error and wrong grammar, stay read and vote
@Sammy _1108
^_______________^
YOU ARE READING
^^PRANKING MY BOYFRIEND^^
Teen FictionAng sarap sa relasyon yung hindi lang puro seryosohan..para saken mas masarap yung tipong ipaprankkk mo yung taong mahal mooo hihi like surprise jokeee Di naman masama yung trip mo yung mahal mo eeh, ang masama kung totoo yung ginawa mo...yun yung m...
