DH:12

141 6 1
                                    

KABANATA 12

ROSELLA

Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang hitsura ko brown na buhok hanggang balikat, mahabang pilik mata, manipis na labi, mga bilugang mata na itim na itim, matangos na ilong, bilog na mukha at maputing balat.Ngayon ko lang ulit pinagmasdan ng matagal ang hitsura ko napapansin ko hindi kami magkahawig ni mama itim kasi ang buhok ni mama ganun din si papa saka kulay brown yung mata nila pareho samantalang akin kulay itim.Napasimangot na lang ako wala man lang akong nakuha na hawig sa kanila.

Knock

Knock

"anak? tapos ka na bang mag impake ng mga damit mo? naghihintay na ang tita Eunice mo sa baba aalis na tayo" sigaw ni mama sa labas

"opo ma! tapos na po susunod na din ako" sagot ko saka binitbit ang malaking bag pack na may mga ilang damit na pwede kong suotin doon saka lumabas na ako ng kwarto ko.
Nadatnan ko sa baba sina Tita Eunice at Tito Art tinulongan naman ako ni edward na bitbitin ang dala ko.

"hi po tita,tito" sabay beso ko sa kanila

"napaka gentle man talaga ng anak ko mana sakin" sabay tawa ni tito art ng makita si edward na kinuha ang dala ko.

"oo nga sweetheart bagay sila ni rose.. hello Rose ano excited ka na ba?" nailang naman ako sa unang sinabi ni tita Eunice.

"uhmm opo tita excited po ko sobra" sagot ko at ngumiti ng malaki, totoong excited ako ngayon lang ulit ako makakapag swimming at makakapag relax lalo na at sa beach iyon. Nagyaya kasi si Tita ng outing at ang destination namin ay sa Palawan.Mga dalawang araw lang naman kami dun dahil sa lunes may pasok na kami.

"oh siya ano pang hinihintay natin sumakay na tayo sa van at baka mahuli tayo sa flight" sabi ni tita

"anak dito kana maupo sa likod tabi na lang kayo ni edward" rinig ko namang sambit ni mama ng makapasok na ako sa loob.Hindi na ako nagreklamo at tumabi na lang kay edward habang nakikinig ito ng music sa heaaphone niya.Pagkapasok nila ay isinara na ni tito ang pintuan saka nag simula na ding mag drive ang driver nila.Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na din kami ng North Paliparan dito sa Manila kaya bumaba na kaming lahat saka pumasok sa loob bago kami makasakay ng eroplano ay pinadaan muna namin sa Xray machine yung mga gamit namin saka dumiretso kung saan ang daan pasakay ng eroplano binigay naman namin yung ticket sa isang flight may pinunit siya dito saka binalik samin pagkatapos ay pumasok na din kami sa loob naghanap naman ako ng magandang puwesto yung malapit sa bintana kaya dito ako naupo kinuha naman sakin ni edward yung bag ko at inilagay sa taas bago siya umupo sa tabi ko.Napatingin muna ako sandali sa labas.

Attention to the all passenger's please turn your phone into airplane mode for the security and if you need a help or anything else please free to asked us we will give you a good and helpful service thank you

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at saka pinindot yung airplane mode saka binalik ito sa bulsa ko.Maya maya ay lumipad na din ang eroplanong sinasakyan namin dahil mahaba pa naman ang biyahe ipinikit ko muna ang mga mata ko para makaidlip.

Nagising na lang ako ng may tumapik tapik sa pisngi ko kaya kinusot ko ang mga mata ko saka napahikab nakita ko si naman si edward

"Bakit?" tanong ko.

"Nandito na tayo tara na bumaba na tayo tumayo kana jan nauna na din sina mommy at tita" sabi nito kaya tumayo na ako saka pinakuha ko sa kanya ang gamit ko sa taas hindi ko kasi masyadong maabot pagkakuha niya ay ako na ang bumitbit dahil may dala dala sin siyang maleta.
Pagkakababa namin ay nakita ko sila mama na naghihintay sa baba pagkatapos ay sumakay kami ulit ng van saka inihatid kami nito sa isang malawak at nalaking Resort kaya pagkakababa ko ay napamangha na lang ako sa ganda ng lugar.

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon