DH:11

150 6 0
                                    

KABANATA 11

ROSELLA

KINABUKASAN

Gaya ng dati at nakasanayan ko na din ang pagsabay naming dalawa papasok ng school ay nadatnan ko ito sa labas na nakasandal sa kanyang sasakyan at malalim ata ang iniisip niya.

"good morning.. ang lalim ata ng iniisip mo ah" bati ko dito napatingin lang ito sakin sabay buntong hininga

"good morning din, Hi tita good morning din po sa inyo" napalingon naman ako sa likod nakasunod na pala si mama sakin

"good morning din iho.. paano ikaw na ang bahala kay Rosella ha.. anak sige na pumasok na kayong dalawa mag aral mabuti ha iloveyou nak" sabay halik nito sa pisngi ko

"opo tita ako na pong bahala kay ella" ngayon ko lang narinig na tinawag niya akong ella.sabagay maganda naman ang name na ella.

"bye ma i love you too alis na po kami" paalam ko saka sumakay ng sasakyan.Pinaandar na din ni Edward ang sasakyan niya.Ilang minuto pa ay nakarating na din kaming school kaya pagka park niya ay bumaba na kami at naglakad.

"uy girl narinig mo na ba ang balita?"

"oo kanina ko lang din nalaman nakabalik na sila Magnus pero girl may kasama silang girl ngayon sino kaya siya?"

"narinig ko Bella daw ang pangalan nung babae yun ata ang nawawalang kapatid ni Magnus"

"hala totoo?"

"Uy pre pumasok na ulit yung Captain ng Basketball team niyo ah totoo ba?"

"Oo pre nagulat nga din ako ng dumating si Pineda kanina saka kasama siya kanina nila Magnus"

"kalat nga din na bumalik na sila"

Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ang usapan nila bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ni Jackson ibig sabihin pumasok na siya? Andito siya?Halong tuwa at excitement ang naramdaman ko ngayon sa wakas makikita ko ulit siya babatukan ko talaga yun mamaya pag nakita ko hindi man lang nagparamdam sakin.At saka ano daw, si Bella? Ibig sabihin nahanap na ni Magnus yung kapatid niya? Ano kayang hitsura niya siguro maganda yun ang ganda kasi ni Mrs.Deogracia eh.

"tara na ella bakit kaba tumigil sa paglalakad?" nawala sa isip ko na kasama ko pala si edward kaya humarap naman ako dito.

"alam mo ba na nakabalik na sila Magnus ngayon? At nahanap na si Bella kaya ba ang lalim ng iniisip mo kanina?" tanong ko sa kanya.Hindi naman siya nakasagot sa tanong ko.

"So totoo nga?"

Bago pa siya makasagot ay may tumawag na sa kanya kaya napalingon kami at ganun na lang ang gulat ko ng makita si kapre kasama niya sila Magnus bakit sila magkasama? Napatingin naman ako sa babae para siyang manika dahil sa sobrang ganda niya maliit at bilugan ang mukha niya maputi din ang mga balat niya na mala porselana at ang kanyang mahabang buhok na kulay brown straight na straight ito.Nakangiti ito samin pero napansin ko ang mga kamay nito na nakakapit sa mga braso ni kapre.Parang tumigil naman ang mundo ko ng mapatitig ako kay Jackson at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Naputol lang ang titig ko sa kanya ng lumapit sila samin.

"Long time no see par namiss mo ba kami? haha!" sabay akbay ni George dito

"Nakabalik na pala kayo?" pabalik naman na sabi nito

"gago bakit parang ayaw mo atang makita na nakabalik na kami?" sabi naman sa kanya ni Brandon

"oh nandito pala si tanga tanga este ano ngang pangalan nito?" sabay turo sakin ni Brandon.Hindi ko na lang siya pinatulan at ayoko ng gulo.

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Where stories live. Discover now