DH:10

154 5 0
                                    

KABANATA 10

MAGNUS

Kakatapos lang tumawag ni Mommy ngayon nandito kasi kami ng mga kaibigan ko sa London apat lang kami ayaw kasing sumama ni edward kaya hindi ko na pinilit.

"oh brad anong sabi ni tita bakit napatawag? Pinapauwi ka na ba?" tanong ni Brandon sakin habang nakaupo ito sa couch at nanonood ng tv

"hindi naman gusto niya lang tayong makausap pag kauwi natin, hindi ko sinabi na matatagalan pa tayo bago umuwi" sagot ko

"fuck shit pre bakit moko binangga magkakampi tayo dito sa laro eh" narinig ko naman ang boses ni Samuel

"tangna mo par bakit kasi di ka umilag kasalanan ko ba eh binabaril na ako ng kalaban eh" sigaw naman ni George dito

"fuck ayan na sila! hoy george icover moko gago mamatay rayo dito"

"teka wala na akong bala shit!" salita ni George

"Fuck!"

"aray sino nambato?!" reklamo naman ng dalawa at sapo sapo ang ulo nila naglalaro kasi silang dalawa ng Online Games sa cellphone nila

"Tangina niyong dalawa ang iingay niyo! hindi ko marinig yung pinapanood ko eh!" sigaw ni brandon sa dalawa nilakasan nito ng todo ang volume ng tv.Napailing na lang ako sa kanila.Dito kami tumutuloy sa isang condo sa London kumpleto ang mga gamit at may kusina din dito.Bakit nga ba kami nandito?

Flashback

Pagkatapos makidnap ni Bella at ng malaman nina Dad at Mom ang nangyari ay galit na galit ito lalo na si mommy ako ang sinisisi niya at kasalanan ko naman talaga ang nangyari after noon nagbigay kami ng malaking pabuya kung sino ang makakapag turo kung nasan si bella at pagkatapos nun marami ang tumatawag samin pero fake news lang ang binibigay nila para magkapera sila.Hindi tumigil sina mom at dad sa paghahanap kay bella hanggang sa may matanggap kami na balitang nagpaguho sa amin. May isang bata ang natagpuan na sunog ang katawan kasing laki siya ni bella kaya halos magwala na si mommy nun pero hindi ako naniniwala na siya si Bella hindi pa patay ang kapatid ko.

After 10 years

Nasa kwarto ako at gumagawa ng research first year college na kasi ako ngayon sa PIU kaya ayokong ma disapoint sina mom at dad hanggang sa tumunog ang cellphone ko kinuha ko ito at tiningnan ang notification may email akong natanggap sa isang unknown kaya binuksan ko yun halos mabitawan ko ang cellphone sa nakita ko at nanginginig din ang mga kamay ko.Picture ni Bella duguan ito at walang malay maya maya ay may natanggap pa akong mensahe

Buhay ang batang hinahanap niyo wag kayong mag alala nasa mabuti siyang kalagayan may mga umampon sa kanya at nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang kapatid mo.Kung gusto mo siyang makita at mahanap ito ang address ng bahay nila.
Weighland,London St.Marry Block1-unit8

At nakita ko ang picture ng isang dalagita na babae naka side view ito at mahaba ang brown niyang buhok.Ganun ang kulay ng buhok ni Bella kulay brown ito.

Kaya simula nun nag aral ako ng mabuti at bumuo kami ng banda para makapag ipon ako ng pera para mahanap si bella,hindi ko sinabi kay mom at dad ang tungkol dito.

Nagpunta ako ng kusina para magluto ng kakainin namin marunong kasi akong magluto at hindi ko naman maaasahan ang mga kasama ko.Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila para makakain dahil sisimulan na namin ang paghahanap sa kapatid ko.

"wow ang sarap ng mga niluto mo par ah pwede ka na mag asawa haha" sabi ni George sakin saka umupo ito sa upuan umupo na din ako

"porket marunong mag luto mag aasawa na agad sige nga ikaw George maruno kang lumangoy pwede ka na mag asawa, ang sagwa" sagot ni Samuel dito

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Where stories live. Discover now