Three

19 4 0
                                    

Puso ko'y labis nang nasaktan,

Makakaya pa kaya kitang balikan?

O tuluyan ka nalang talikuran,

Hanggang sa maghilom ang pusong labis na nasugatan.

"Sugatan"

Nagsimula sa asaran,

Hanggang sa tuluyan nang natamaan,

Nagsimulang mag-aminan,

Puso'y labis ang kasiyahan,

Ni hindi ko namalayan,

Puso'y binigay ko pala ng buo,

At labis ang pagsisi ko,

Noong binalik mo itong basag at pira-piraso.

Anong karapatan mong saktan ako?

Malinaw naman siguro ang mga mata mo,

Na hindi ako isang bagay lang,

Na pwedeng itapon at basagin,

Pagkatapos mong pakinabangan at gamitin.

Hindi kita sinagot, para ako'y labis na masaktan at magdusa,

Sinagot kita para ako'y maging masaya.

Martir na kung martir,

Tanga na kung tanga.

Ganoon naman talaga diba? Mas pipiliin mong magpapakatanga,

Para sa taong akala mo mahal ka,

Pero pinaglalaruan ka lang pala.

Akala ko, tayo hanggang dulo?

Diba 'yun ang pangako mo?

Natatakot ka pa nga na, baka mawala ako,

Ngunit ngayon, parang ang saya-saya mo na naman,

Para bang mukha mo'y mapupunit na sa labis na kasiyahan,

Habang kasama siya at sabay kayong nagtatawanan.

Dapat sana, akin ang puwestong iyan.

Akin dapat ang kamay na iyong hinahawakan.

Bahay ko sana ang iyong pinupuntahan.

Ako sana ang iyong hinahatid at sinusundo,

Ako sana ang iyong inaalagaan at pinapahalagahan,

Hindi siya.

Ngunit ano nga bang magagawa ko?

Mahal nga kita,

Ngunit, mahal mo ba ako?

Hindi na diba?

Tandang-tanda ko pa nga ang araw na iyon.

Na sinabi mong ayaw mo na,

Tama na,

Dahil may mahal ka ng iba.

Pinakawalan na kita diba?

Pinalaya...

Dahil sabi mo, iyon ang magpapasaya sa'yo.

Ginawa ko nga kahit sobra akong nasaktan,

Puso ko'y nabasag,

Na para bang isang salamin na tuluyang nahulog sa lapag,

At nang pinulot ko,

Labis akong nagsisi dahil ako na nga nabasag,

Ako pa ang nasaktan.

Kaya ngayon, huwag mong sabihing nagsisisi ka na.

Ikaw na nga ang nang-iwan,

Ikaw pa ang naglakas-loob na ako'y balikan,

Na sa simula pa lang, ikaw ang natatanging dahilan,

Kung bakit ako ngayon, lumuluha at labis na nasaktan,

Dahil puso'y wasak at sugatan.

Hindi na ako tanga, tulad ng inaakala mo.

Kaya huwag mo akong daanin sa iyong mabulaklak na mga salita,

Iba ang noon sa ngayon,

Mahal nga kita noon,

Pero sigurado ka bang, mahal pa rin kita hanggang ngayon?

Labis na akong nasaktan,

Hindi ko na kaya pang, ika'y balikan.

Hayaan mong ika'y tuluyan ng talikuran,

Nang sa gayon ay tuluyan nang maghilom ang pusong labis na nasugatan.

Wakas.





Unspoken PoetryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin