Two

38 5 0
                                    

Lumipas man ang maraming taon,

Hinihiling ko pa rin na bigyan muli tayo ng pagkakataon.

Hindi man ngayon...

Sana, balang araw...

“Balang Araw”

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tatlong taon na pala ang lumipas,

Ni hindi ko namalayan na tuluyan na palang nalanta ang mga rosas,

Akala ko'y hindi ito tuluyang kukupas,

Ngunit, naalala kong hindi lahat ng bagay ay mananatili,

Lahat nawawala, naglalaho, at lahat... kumukupas.

Katulad nalang ng pag-iibigan natin,

Mga batang puso na para bang isang rosas na unti-unting umuusbong sa isang magandang panahon,

Maligaya, kuntento, kahit madalas ni hindi magawang maaninag ang iyong anino.

Nagatagal kahit maraming hadlang.

Umasa na balang araw, tayo pa rin kahit maraming balakid ang nag-aabang.

Ngunit, sapat ba ang pundasyon?

Sapat ba ang pagtitiwala ko sa'yo?

Sapat ba ang pagsasabi mo na mahal mo ako?

Sapat bang rason ang taong hindi sumang-ayon sa ating binubuong relasyon,

Para ako'y bitawan at tuluyang iwanan kahit puso'y labis na nagdurugo?

Sa pagmamahal mong tuluyan akong nilunod,

Sa pagpipilit na makaahon,

Kahit ayaw akong pahintulutan ng panahon.

Hindi ko lubos maintindihan,

Ganoon ba kababaw ang pagmamahal mo?

Upang ako'y tuluyan mong bitawan,

At hindi man lang magawang ipaglaban?

Ni pangangatwiran, sa bibig mo'y hindi man lang namutawi.

Minahal mo ba talaga ako?

O nasabi at nagawa mo lang iyon para may ma-ipag-mayabang,

Para may masabi, para may pagkakakilanlan,

At hindi para may mapatunayan.

Nasasaktan na ako.

Alam mo ba 'yun?

Siguro, hindi.

Masaya ka na sa piling niya 'di ba?

Bakit ako'y pagkakaabalahan pa?

Ni sa buhay mo, ako'y wala nang halaga.

Suko na ako.

Hindi naman kasi ako robot na kahit nasasaktan na,

Nandyan pa rin.

Ipapaubaya ko na lang siguro ang lahat ng ito sa tadhana.

Wala naman na akong magagawa,

Kung wala na talagang pag-asa.

Masakit mang isipin na may iba ka na,

At kayong dal'wa ay masaya na,

Ngunit ganoon naman talaga,

Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa taong sa akin ay wala nang pagpapahalaga?

Sinasaktan ko lang ang sariling damdamin.

Tama na 'to.

Suko na talaga ako.

Tadhana na ang bahala sa kwento nating dal'wa.

Kung pagbibigyan ba o tutuldukan na.

Kung ipagpapatuloy ba o puputulin na.

Ngunit tandaan mong patuloy pa rin akong aasa,

Hangga't ang mga rosas sa hardin ay sariwa pa.

Mahal na mahal pa rin kita.

At kung ito'y hindi na,

Pasensiya na,

Pero ayoko na.

Tama na ang pagpapakatanga.

Wakas.



Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon