Kabanata 36

43.7K 2K 86
                                    

MARRY

Tulala ako habang nakatingin sa salamin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Brent. Ang pagtanggi niya ay nagpadurog sa puso ko. Hindi ko akalain na wala na siyang feelings sa akin o baka naman wala talaga siyang feelings. Pinalis ko ang luha sa aking mata at saka napabuga ng hangin.

Nagmahal ako muli. Nagtiwala ako muli at sumaya ako muli. Ngunit temporaryo lang pala at hindi nagtagal. Para lang akong pinaglaruan. Katulad lang din pala siya ni Greg. Wala siyang pinagkaiba. Naisip ko nab aka hindi ko na gagawin ang plano ko at magpapakasal na lang kay Gregory. Pero naisip ko rin na hindi lang si Brent ang dahilan ng pagtakas ko. Para din ito sa sarili ko.

Noong una, si Brent ang main reason ng plano kong pagtakas muli dahil boyfriend ko siya at nagmamahalan kami pero sa narinig ko mula sa kanya, nagbago ang isip ko. Hindi niya ako mahal at ginamit lang niya ako. Siguro ay nakipagsabwatan siya kay Gregory para maka-invest. Hindi ko alam kung bakit lalo na’t sinabi niya sa akin na hindi sila bati ni Greg pero gusto niya maka-invest, for what? Para mas lalo siyang yayaman? I don’t know. Wala naman akong alam sa mundo nilang mga negosyante.

Sapat na iyong narinig ko. Sapat na ang malamig niyang tingin at pagtalikod niya sa akin. Sapat na sinabi niya sa akin na wala na siyang feelings sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa ko sa salamin at napatingin sa pinto ng aking kuwarto nang bumukas ito. Tinago ko agad ang tissue sa drawer at saka umayos ng upo. Hindi kadalasan pumapasok si Daddy sa kuwarto ko at tingin ko ay may sasabihin na naman siya sa akin kaya siya nandito. Hinanda ko na lang ang sarili ko dahil baka magiging tigre na naman siya sa harapan ko.

“Hija,” aniya at saka ngumiti.

“Ano po iyon, Daddy?”

Pinagmasdan ni Daddy ang buong kuwarto ko bago siya muling humarap sa akin.

“I hope you are fine. Kumusta ang pagbisita mo sa mga Sanchez?” tanong niya.

Nanibaguhan ako sa kanyang ikinilos ngayon ngunit kailangan kong sumabay para hindi siya magalit.

“Okay lang naman po,” sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at saka itinuro ang pinto. “Lumabas ka. Alam kong gabi na pero hindi na makapaghintay ang regalo ko sa iyo.”

Umawang ang labi ko at naisip agad ang sinabi ko noong nakaraan. Binili niya ba talaga iyon? I mean…may pera ba siya pambili?

Kumunot saglit ang noo ko at maya-maya ay napagpasyahan na tumayo at sumunod sa kanya palabas.

Nang lumabas kami ay nakita ko si Hailey na nagmamaktol habang papatungo kay Daddy. Hindi ko maiwasan ang mapangisi dahil sa inis at inggit na nakarehistro sa kanyang mukha. Pero pilit kong ipinawi iyon dahil hindi ngayon ang oras para mang-inis.

“Daddy! Are you kidding me? Bakit mas mahal pa ang kotse ng babaeng iyan?” galit na tanong ni Hailey habang tinuturo ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na sinundan si Daddy na papaliko na sa garahe. At nang nakarating, natigilan ako nang nakita na ng buo ang kotse.

Nakaramdam ako ng kaunting saya sa nakita pero agad itong napawi nang naisip ko na pilit lang na ibinili sa akin ito ni Daddy kasi may ginawa akong maganda para sa kanya. Pilit ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang magandang kotse na nasa harapan ko.

“Stop it, Hailey! Deserve ni Khadijah ang magkaroon ng kotse!”

“Deserve? Binigyan mo lang naman siya ng ganyan kasi magpapakasal na siya kay Gregory. Baka naman ay talagang kotse ang gusto niya para props na naman sa kanyang pagtakas!”

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon