Kabanata 31

39.8K 1.7K 110
                                    

SISTER

“Gusto mo bang sumama?” tanong ni Brent sa akin habang yakap-yakap ako.

Nanonood kami ng palabas sa living room at ang kanyang mga paa ay nakapatong sa paa ko kaya medyo nangangalay ako.

“Saan?” tanong ko rin sabay kuha ng popcorn sa gilid ko at saka kinain ito.

“Sa bahay ng mayor,” aniya at pinaglaruan ang buhok ko.

Tumango ako. Gusto ko rin makita ang bahay ng mayor at titiisin ko na lang ang ugali ni Nathalia kung sakali.

“Kailan ba?” Binalingan ko siya. Wala na ang tingin niya sa TV. Nasa akin na. Agad akong nag-iwas ng tingin at saka napalunok.

“Ngayong hapon,” bulong niya sa tainga ko na ikinasinghap ko.

Tumango ako at saka kinagat ang ibabang labi. Kumuha na lang ako ng popcorn para iwala ang awkwardness na naramdaman ko.

Noomg birthday niya, masayang-masaya kami. Marami kaming pictures na hindi kailanman na-post sa social media. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil kita ko ang totoong ngiti sa mga labi ni Brent. Nakita ko na masayang-masaya siya sa ginawa namin.

Sinilip niya ako a ngumuso. “Bake a cake again. Ang sarap ng cake na ginawa mo. Hindi ko akalain na marunong ka pala mag-bake.”

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at saka tumikhim.

“Pagkatapos natin magpunta sa bahay ng mayor,” sabi ko at saka tiningnan siya. “Pag-uwi natin o hindi kaya ay bukas.”

“You promise?”

“Oo. Pangako.” Umayos ako sa aking pag-upo kaya inalis niya ang kanyang paa sa akin. “Ano ba ang gusto mong flavor?”

“Chocolate cake, baby.” Pinakita niya sa akin ang kanyang magandang ngiti at pinisil ang pisngi ko. Agad kong tinampal ang kanyang kamay at saka napahawak sa pisngi ko.

“Ang sakit!”

“Hahalikan ko para mawala ang sakit,” nakangising sambit niya.

Lumayo ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Baliw!”

Nang maghapon ay nag-ayos na ako. Inilugay ko ang aking buhok at saka inayos ko ang bangs ko. Pink ang lipstick ko at kaunting blush on lang ang inilagay ko sa mukha. Wedge ang gamit ko na sandals at white spaghetti strap dress ang suot ko.

“Ready?” tanong ni Brent sa akin nang nakababa ako. Pinasadahan niya ako ng tingin bago niya ako hinila palapit sa kanya.

Pormal ang suot ni Brent ngayon. Naka-black tuxedo siya at naamoy ko pa ang kanyang mamahaling pabango. Ayos na ayos ang kanyang buhok. Mukhang nilagyan niya ng gel.

Saka ko lang nalaman na birthday pala ni Nathalia kaya naimbitahan siya at gusto ko sanang umatras dahil ayaw kong masira ang birthday ni Nathalia lalo na’t ayaw no’n sa akin kaso nahihiya akong sabihin iyon kay Brent.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya at sinabayan siya sa paglakad patungo sa labas. Pinatunog niya ang kanyang kotse at binitiwan ako saglit para pagbuksan ako ng pinto.

Napangiti na lamang ako at saka pumasok na sa loob.

Ilang minuto ang naging byahe namin bago kami nakarating sa isang gate. Mukhang ito ang bahay ni Nathalia. Huminto kami at saka binuksan ni Brent ang bintana at tiningnan ang isang security guard. Nang makita kami, sinenyasan ng security guard ang isang kasamahan niya na buksan ang gate. Sinara ni Brent ang bintana at saka nagpatuloy sa pag-drive.

***

“Good evening, Mr. Young,” maligayang bati ng isang lalaki at itinuro sa amin ang daan.

Dumiretso kami roon at nakita ko ang mga bisita na nagsiupuan sa kani-kanilang upuan. Hindi gaano karami ang bisita pero halata na kadalasan sa mga nakaupo ay mga mayayaman dahil na rin sa kanilang mga damit. Kita ko sa malaking screen ang picture ni Nathalia na nakangiti.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now