Kabanata 21

44.5K 2K 109
                                    

TRUST

Matapos ang kainan ay nagkasiyahan ang mga tao. Nagrenta pa ang mga magulang ni Pempem ng isang karaoke. Meron ding nag-iinuman at naririnig ko ang kanilang masayang halakhakan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao. Pati ang mga bata ay masayang kumakain at ang iba ay umiinom ng softdrinks. Ang sarap nilang kunan ng litrato.

“Hindi ko na maubos,” sambit ko kay Brent at kinalabit pa siya.

Nandito kami ngayon sa sala. Hawak-hawak ko ang pinggan ko na may kaunting lechon pa at kanin. Binalingan ako ni Brent at agad kinuha ang kaunting kanin at natirang lechon sa pinggan ko at inilagay niya sa plato niya. Nginitian ko siya at ininom na ang coke.

Maya-maya ay dumating si Pempem na may dalang mango float na malamig na.

“Kain ka nito, Louise!” aniya at inilapag sa lamesa ang mango float.

Inayos ko ang damit ko bago kumuha ng kaunti gamit ang kutsara at saka tinikman. Napapikit pa ako dahil sa lamig.

“Ano, masarap ba?” tanong ni Pempem.

Nilunok ko muna bago siya sinagot. Nilapag ko ang kutsara sa pinggan at saka siya tiningnan. “Masarap siya, matamis!”

 Masayang umupo sa tabi ko si Pempem at hinawakan ang kamay ko. “Sama ka sa amin, ah! Disco!”

Dahil sa malakas na pagkasabi niya ay narinig ito ng katabi ko. Kaya imbes na ako ang magsalita ay naunahan niya ako.

“Disco?” nagtatakang tanong ni Brent sabay tingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Pempem.  

Ngumiti naman si Pempem at binalingan ang nagtatakang si Brent.

“Brent, alam ko namang girlfriend mo itong si Louise! Pero masaya ang disco. Marami kang makakasayaw! Sasama ka naman, hindi ba?”

Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kanina na halos hindi na umalis sa isip ko. Gigiling daw ako kay Brent? Eh, wala nga akong talent sa pagsayaw eh, sa pagiling pa kaya?

“If she wants to go…” Huminto siya saglit sa pagsasalita at tiningnan ako. Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Then alright, she can as long as I’m with her.”

Lumaki ang ngiti ni Pempem at niyakap pa ako. “Mag-boy hunting tayo, ah! Sus, maraming gwapo talaga kapag pyesta! Mga bitamina sa mata ni Pomela!”

Napangiti na lang ako. Gusto ko rin sumama sa kanya dahil curious ako. Gusto ko rin malaman kung ano ang feeling ng gano’n. Nakikita ko lang kasi ang disco sa mga TV. Gusto ko iyon maranasan.

Kaya nang nakauwi kami ni Brent ay hinawakan ko ang laylayan ng damit niya upang patigilin siya sa pagpasok. Kunot-noo niya akong nilingon.

“Why?”

Tumingala ako sa kanya. “Are you really coming with me?” tanong ko.

Nakita ko na may kaunting handa rin pala si Manang Eula at masaya silang kumakain kasama ang ibang pang kasambahay. Binitiwan ko ang damit niya at hinintay ang kanyang sagot.

“Yup.” Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. “Go and change! I need to take a bath again.”

Tumango ako at agad umakyat patungo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko sa disco at kung magsusuot naman ako ng maiiksi ay hindi ako kumportable. Pero wala naman kasi akong masyadong jeans dito. Sapat lang na damit ang binili sa akin ni Brent. May binigay naman siya sa akin ngunit hindi ko naman sinusuot. Sa huli ay sinuot ko ang gray tube skirt and white off-shoulder spaghetti strap. Gusto kong sanayin ang sarili ko sa ganitong klaseng suot dahil gusto ko magbago. I want to be confident and be comfortable sa mga gusto kong suotin.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now