Kabanata 26

43.3K 1.8K 98
                                    

KISSES

Akala ko ay isang linggo lang ang bakasyon namin pero lumagpas ng isang linggo. Sobrang saya ko habang sinusulit namin ang oras namin sa mga magagandang lugar dito sa Boracay. Nagawa ko ang hindi nagawa noon at mas double ang saya dahil kasama ko si Brent.

"Did you enjoy our vacation?" malambing na taong ni Brent habang yakap-yakap niya ako.

Papunta na kami sa private plane niya at nasa loob kami ng van ngayon. Nakasandal ako sa kanyang dibdib habang nag-uusap kami.

Tumango ako. "Oo, sobrang saya ko."

Hindi ko maipagkaila na sobrang nag-enjoy ako. Sobrang dami kong pictures sa phone niya. Halos ma-full storage na ang phone niya dahil sa dami ng pictures. He even deleted his mobile legend so I could take more pictures.

Pumikit ako sa kilig nang naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. "Then, I'm also happy. You're so cute when you're blushing. I want to make you even more happy."

Tumingala ako sa kanya at hinaplos ang kanyang makinis na balat sa kanyang bandang pisngi. Bumaba ang tingin niya sa akin. Ngumuso siya dahil sa ginawa ko.

"Ang kinis mo talaga tapos ang tangos ng ilong!" manghang sabi ko at hinaplos ang kanyang ilong gamit ang daliri ko. Bumaba ang tingin niya sa akin at walang sabi-sabing ninakawan ako ng halik sa labi. Napalayo ako sa kanya at naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa kanyang ginawa.

"Hey..."

Humalakhak siya nang nilagay ko sa mukha ko ang mga palad ko at umusog palayo sa kanya. Nakakahiya kapag hinahalikan niya ako. Palagi na lang niyang ginagawa tapos namumula pa ako.

"Hey..."

Binalak niyang hilain ang kamay ko palayo sa mukha ko pero nagpupumiglas ako dahil sobrang nahiya ko.

"Hey! You're my girlfriend. Hindi ka na dapat nahihiya sa akin. Come on, baby. I won't kiss you without your permission again." He chuckled.

"Nakakahiya kasi may ibang tao," sabi ko habang nasa mukha pa rin ang mga palad ko.

Humalakhak muli siya at marahan na hinila ako palapit sa kanya.

"Tsk! Bakit ka ba nahihiya? You can kiss me. I can kiss you, too. What's wrong with that? Hmm?"matamis niyang tanong sa akin.

Binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang ang kanyang kamay ay nasa likuran ko.

"You don't need to be shy. Tatanggapin ko kung ano ang ibibigay mo sa akin, Louise."

Mahina kong pinalo ang dibdib niya kaya mas lalo siyang humalakhak.

"Even if you don't know how to kiss back. I'm gonna be your tutor in that part!"

Kinurot ko ang braso niya dahilan ng kanyang paglayo sa akin.

"Ouch!" Hinaplos niya ang braso niya.

Umirap ako. "Nakakainis ka kasi! Manahimik ka na! Matutulog ako!"

At pumikit ako. Narinig ko ang kanyang halakhak bago ko naramdaman ang paglapit niya sa akin at niyakap ako.

Paggising ko ay nasa private plane na niya ako. Hindi ko namalayan. Binuhat niya ba ako? Nilingon ko siya na nagbabasa ng newspaper. Nang nakita niya akong gising na ay inayos niya ang kanyang pag-upo at tumikhim.

"Safe na ang pag-uwi natin. Gregory's dogs are already gone," he informed me.

Nakahinga ako nang maluwag. Siguro sa pagbabalik namin ay magiging masaya na ang araw ko. Gigising ako na boyfriend na si Brent. Matutulog din na boyfriend si Brent. Sobrang saya, hindi ba?

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon