Ba't masarap ang bawal tulad ng McDo cheeseburger na may 300 calories

Start from the beginning
                                    

Pero hep hep, hindi ibig sabihin na porket bogus ang ilang bahagi ng documentary e pwede na tayong kumain ng fast food every day at every meal. Syempre, may mga additives ang fast food na nakakasama sa katawan ng tao kapag naparami ang intake.

Moderation lang ang katapat niyan. At exercise. At gulay, at prutas. At discipline. Happy eating.

===

Anak ng baka, ang hirap maligo kapag malamig ang tubig. Ano ba ang pwede kong gawin?

Magpakulo ng tubig? Wala kaming oras para d'yan. (na-mention ko na sa isang chapter dito na nakakatulog ako habang naliligo)

Bumili ng heater? Wala kaming pera para d'yan.

Bakit hindi na lang sila gumawa ng isang malaking payong para takpan 'yung punyemas na tangke na tubig na pag lumamig e malamig na rin 'yung tubig (duh)? Ehh, cold water damages my hair.

Baka napag-trip-an lang nung mga umaasikaso sa water supply ng subdivision namin na magbato ng singkwentang timbang puno ng ice cubes sa loob ng tangke ng tubig.

Basta, malamig dito. Ewan ko na lang kung malamig din d'yan sa inyo.

===

10/29/12

Kanina, nagpamigay 'yung adviser namin ng candy habang nag-e-exam kami. (thank you sir!) Hindi ko alam kung bakit nya naisipang gawin iyon, pero wagas ang pagkatuwa ng mga kaklase ko, parang mga bata sa birthday party na nag-aagawan sa mga candy pagkatapos mabasag 'yung palayok. 'Yung iba kong classmates, dala-dalawa pa ang pagkuha.

Hanga rin ako kay sir kasi hindi sya nauubusan ng candy. Mayroon siyang parang malaking plastic envelope na puno ng candy, at dalawang beses pa niya ni-refill 'yun. Ansabe.

'Yun nga lang, ang ingay ng mga kaklase ko kanina, kaya sabi sa kanila ni sir habang medyo natatawa, "pag kayo 'di tumahimik, bukas scotch tape na dadalhin ko para matakpan 'yang mga bibig nyo"... isa lang ibig sabihin nun. We can now... ehem... "test in peace"... tumawa kayo please.

===

Alam naman siguro ng "mga readers" ko (kung meron man) na mahilig ako sa radio commercials.  Pero minsan naiirita rin ako sa mga paulit-ulit na commercial sa radyo dahil nagbukas ako ng radyo para makinig ng music o balita at malamang hindi para makinig sa mga punyemas na commercial.

Dahil wala akong magawa kanina at medyo late dumating 'yung service namin, naabutan ko pa 'yung second round ng commercials. Bleh. Edi nag-research ako. Ganito kasi 'yun...

6:12 AM - END OF MUSIC (ROUND 1), START OF ADS (ROUND 1)

6:40 AM - END OF ADS (ROUND 1), START OF MUSIC (ROUND 2)

Total: 28 mins. of COMMERCIALS a.k.a. ADS

6:40 AM - END OF ADS (ROUND 1), START OF MUSIC (ROUND 2)

6:56 AM - END OF MUSIC (ROUND 2), START NANAMAN NG ISANG MAIKLING INTERMISSION NUMBER AT COMMERCIAL NANAMAN 'YATA ITO (ROUND 3)

Total: 16 mins. of MUSIC

Kung tutuusin, lugi tayo... pero mali-mali na 'yang oras dyan kasi kinalimutan ko na 'yung analysis ko kanina... may exam pa kasi kami e. Kaya ayun, sorry.

Pero according to my research (eto lang ata 'yung part na naalala ko)... kung mayroong 28 minutes of commercials for every 16 minutes of music, ang mangyayari dyan e may 7:4 ratio. So, bale, for every 7 minutes worth of commercials, mayroong 4 minutes of a song.

Oo, ganun yata 'yun. Pero baka bulok na 'yung orasan dun sa service namin. Baka lang. Pero, you get my point? Baka hindi, kasi hindi ko alam kung anong oras nag-umpisa 'yung ROUND 1 ng MUSIC. Baka 6:00. Kung 6:00 nagsimula 'yung tugtog, edi madadagdagan ng approximately 12 minutes of music 'yung data, so mayroon na tayo ngayong 28 MINUTES of MUSIC na pantay lang dun sa 28 MINUTES of COMMERCIALS. Pero 'di pa tapos 'yan. Hindi pa natin alam kung anong oras matatapos ang ROUND 3 ng MUSIC. Sabihin na nating mga 7:00 matatapos 'yung ROUND 3 ng MUSIC. Edi mayroon nang 32 MINUTES of MUSIC at 28 MINUTES of COMMERCIALS. Kaya 'yung ratio natin, magiging... 8:7?!

CONCLUSION: Mali ako. Punyemas. Ayun, kids. Dahil sa math, napatunayan ko na mali nga pala ako. Edi, awts. Mas matagal 'yung oras para sa kanta kesa dun sa oras para sa commercials. Wrong timing lang talaga ang service namin.

Math is dangerous to your health (and your self-confidence). Speaking of math...

===

Bwisit na bwisit ako dun sa test namin sa math, kasi wala akong maintindihan. Pag andun ako sa klase, gets na gets ko. Quiz, recitation, seatwork, whatever... nakakapasa naman ako. Pasang-awa nga lang minsan. Pero pagdating ng exam, parang nawala sa isip ko lahat nung punyemas na formula, masyado kasi akong busy sa pag-a-analyze dun sa mga commercial sa radyo.

Tapos eto masaklap.

TLE, may math. COMPUTER, may math. Sa AP, napag-aralan namin 'yung system of counting ng mga caveman noon, kaya, sumakatuwid, may MATH rin. Blah blah blah. At ang pinakamasaklap... CHEMISTRY, may math na rin.

Problema ko talaga 'yung chemistry namin kasi walang given na formula at constants at boiling point at freezing point of liquids at whatever na nakasulat sa board. Pati atomic masses ng elements sa periodic table, i-me-memorize. Kaya, awts ulit, ayoko na talaga.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now