Prologue

202K 2.9K 309
                                    

A/N

Highest ranks

#1 in Romance out of 139k stories
#1 in Possessive
#1 in Obsession
#1 in inlove
#1 in Captain
#1 in r18

Cttro for the picture used in the book's cover

Hi Margarette_saph!

Warning! Grammatical errors

Enjoy reading everyone!

Inangat ko ang tingin at pinagmasdan ang nakabukas na malaking gate ng University namin, Southwest University

"Magandang umaga po Manong!" I greeted the guard

"Magandang umaga rin Serena!" nakangiting bati nito pabalik

"Serena best friend!" said by a familiar voice. Naramdaman ko ang biglang pag akbay nito sa balikat ko

"Yow Manong! Pogi natin ngayon!"

Tumawa lang si Manong guard

"Pumasok na kayo at baka ma-late kayo sa klase"

Sumaludo si Lia at hinila ako papasok. Mabilis nyang ikinawit ang braso sa braso ko

"Alam mo mabuti na lang at mabait si Manong guard. Yung guard natin dati akala mo kung sino makasita!"

Natawa na lang ako sa kanya

"Nasaan nga pala si Tim?"

"Aba malay ko sa ugok na yun! Baka nagpapractice. May game sila---aray!"

Muntik nang matumba si Lia mabuti na lang ay nakakawit sya sa braso ko

"Tangina, ang sakit!"

Napahawak sya sa likod nya

"I'm sorry Lia!" may lumapit na lalake na nakasuot ng jersey. Basa rin ito ng pawis at sa likod nito ay sa tingin ko ay teammates nya. Kumunot ang noo ko

"Hindi ko sinasadya!"

Nagsalubong ang kilay ni Lia at kinuha ang bola. Nilapag nya ito at nagulat ako ng bigla nya itong sipain ng malakas

"Shit!"

"Sorry di ko rin sinasadya" Lia smirked and flipped her hair

"Tara na nga Serena!"

Hinila ako palayo ni Lia. Nilingon ko si Marcky. Mukhang hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari ganun din ang teammates nya. I smiled and mouthed sorry. He nodded in response

"Punyetang Marcky! Nabali yata yung mga buto ko sa likod!"

Napangiwi na lang ako

Nakarating kami sa room namin at agad dumiretso sa upuan namin

"Lia! May assignment ka na?"

Nilingon ni Lia si Elaine na sa likuran namin nakaupo

"Gaga! Sa akin ka pa nagtanong. Syempre wala!"

Napanguso si Elaine at bumaling sa akin

Tumango ako

"You saved my day Serena!" masayang untag nito

Hinila ni Lia ang buhok ni Elaine

"Shunga ka talaga! Essay yung assignment, opinion-based! Meaning, bawal mangopya! Gumawa ka na at bukas pa naman ang pasahan nun! Ang tamad mo"

"Wow akala mo talaga ang sipag nya" ungot ni Elaine

Pinandilatan sya ni Lia

Napailing na lang ako

Maya maya lang ay dumating na ang Prof namin at nagsimulang magdiscuss

Matapos ang dalawang klase ay dumiretso kami sa cafeteria

"Kumain ka pa"

Nilagyan ni Tim ng ulam ang plato ko

"Tataba si Serena sa ginagawa mo!" singhal ni Lia

"Tss lumamon ka na lang dyan!" sagot ni Tim sa pinsan

"Ako gusto ko tumaba! Penge ulam!" nakangiting sabi ni Elaine

Tinaasan sya ng kilay ni Tim bago ulit lumingon sa akin

"Kumuha ka na"

"Aww thank you Timothy!"

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Nilingon ko si Tim nang mapansing nakatitig ito sa akin

"Stop staring at me. Kumain ka na"

Tumaas ang isang kilay nya. Inangat nya ang tinidor at tinusok yun sa may ulam ko at isinubo

"Hey that's mine" nangingiting saad ko

"Yeah?" he smiled and pinched my nose gently

"Saksakin nyo na lang ako!" sabay kaming napalingon kay Lia at tumawa

"Gaga nandyan na yung crush mo!" mahinang hinampas ni Elaine ang braso ni Lia at may nginuso sa bandang likuran namin

Napalingon na rin ako at nakita ang papasok na grupo nila Marcky. Agad na napunta ang tingin ko sa lalake na nasa gitna. Seryoso ang mukha nito at nakapamulsa. I don't know but he looks dangerous to me

Sa tabi nito ay ang mga teammates nya. Yes, they're the basketball team of the Engineering Department

"Tss fuckers"

Ibinalik ko ang tingin kay Tim. Seryoso rin ang mukha nito. Alam ko na ang tingin nya sa Captain ng basketball team ng Engineering Department ay kalaban. He always tells me to stay away from that Captain and to his friends because they're bad news

Muli kong ibinalik ang tingin kung nasaan ang mga ito pero wala na sila dun. Inilibot ko ang tingin ko at kumunot ang noo na halos karamihan sa mga babae ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa iisang direksyon

Sinundan ko iyon at nakita ang grupo nila Captain Carson na inuukupa ang isang lamesa

Nagtama ang tingin namin at nagtaas sya ng kilay. I gulped and turned away my gaze. Yup, he's intimidating

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagtapos namin nila Lia kumain ay tumayo na kami

Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. I scanned the area, huminto ang tingin ko kay Captain Carson. He's intently staring at me and when our eyes met, the corner of his lips rose

Hinawakan ako ni Lia sa braso at hinila ako palabas

#hh

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, business and events are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Note: Please be mindful with your opinions/comments. If you find this toxic, disturbing or simply unworthy, you are free to remove this from your library. My characters aren't perfect nor my stories. If you're looking for a perfect story, then this ain't the right book for you. I'm writing for free and all I'm asking is respect. Thank you 💙

The Possessive CaptainWhere stories live. Discover now