Chapter 12: First Mission

5.7K 157 4
                                    

Gwyn's POV

Nandito ako ngayon sa kusina dito sa dorm namin. Ako pa lang ang gising dahil tulog pa ang mga royalties

Ang tagal pala nilang gumising. Eh sino naman kaya ang nag luluto ng agahan nila nung wala pa ako dito?

Ang niluto ko lang ay adobo, menodo, kanin, at chicken curry. Pagkatapos kung mag luto ay inihanda ko na ito sa hapag kainan. Sakto namang tapos na ako sa pag hahanda ng nagsidatingan na ang nga royalties

"Good morning" nakangiting bati ko sa kanila

"Good morning din Gwyn" sabay nilang bati sakin except sa dalawang cold ( ethan and xander)

"Mukhang masarap ang luto mo Gwyn ah" sabi ni misty. Nginitian ko na lang siya pabalik

"Kain na tayo guys baka ma late pa tayo sa klase mamaya" ako

So ayon nga nag simula na kaming kumain lahat. Masayang kaming kumain at kung ano-ano ang pinag ku-kwentuhan nila. Nagyon kulang nalaman na masaya pala kasama ang mga royalties. Akala ko kasi dati boring dahil ang tahimik naman kasi nila pag nakikita ko sila pero akala ko lang pala yon

Pag katapos naming kumain ay nag presinta sina jamaica at brianna na sila na daw ang mag hugas ng pinag kainan namin tumanggi pa nga ako pero nag insist sila na sila na lang daw dahil nakakahiya naman daw sakin dahil ako na nga daw ang nag luto tapos ako pa ang mag hugas ng pinag kainan namin

Pag katapos namin sa mga morning routine namin ay pumasok na kami sa room. Maaga pa lang kaya wala pa ang prof namin at kunti pa lang ang mga Student dito

*After 30 minutes *

Dumating na ang prof namin. Siya si Prof Kyla ang history namin.

"Good morning class"

"Good morning prof"

"Today I will discuss to you about Cyla, the legendary dragon" legendary dragon? Ngayon ko lang narinig yon ah. Ano naman kaya yun?

Malamang dragon iyon, legendary dragon nga diba!... sabi naman ng epal kong isip.

Tsk.

Mabuti pang makinig nalang ako para may alam naman ako tungkol sa mga nilalang na nag i-exist dito sa mundong to or should I say mundo namin

"Mahabang panahon na ang nakalipas nung huling nakita si Cyla. Siya ay isang dragon. Ang kulay niya ay ang lahat ng kapangyarihan dito magic world. Sabi ng karamihan dito ay nag simulang mag laho si Cyla nung nawala ang nag-aalaga sa kanya at yon ang ating long lost legendary princess. Simula nung araw na nawala ang prinsesa ay hindi na din nag pakita o nakita pa ang legendary dragon. Sabi ng iba maaaring patay na ito at sabi naman ng iba ay maaaring nag tatago lang ito sa isang malayong lugar kung saan walang makakatunton sa kanya. Maraming nag sabi na babalik o mag papakita daw ang legendary dragon sa araw din ng pag babalik ng mahal na prinsesa. Karamihan satin dito sa magic world ay hinihiling na sana mag balik na ang ating prinsesa dahil siya lamang at ang kaniyang animal guardian na si Cyla ang makakatalo sa Dark King" so yon pala ang history ng legendary dragon. Grabi pala ang prinsesa noh. Ang lakas pala niya dahil siya lang ang makakatalo sa dark king kung sino man siya

Nag pa tuloy sa pag di-discuss si prof hanggang sa mag bell na

Nandito na kami ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch namin ng biglang............

"Attention to all Royalties and Miss Mendez please proceed to the Headmaster's Office now"

"I repeat all royalties and Miss Mendez please proceed to the headmaster's office now. Thank you" sabi sa speaker

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon