Chapter 2: Magical Armenia Academy

8.4K 218 9
                                    

Gwyn's POV

Nagising na lang ako pero hindi parin kami na kakadating sa pupuntahan namin ni mommy. Saang lupalup ba kasi ng pilipinas yun? Ba't ang layo naman?

"Mom malayo pa po ba tayo?"

"Malapit na tayo princess" di ko na lang sinagot si mommy at tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse. Puro puno na lang ang nakikita ko. Mukhang na sa dulo na kami ng mundo ah!

Kinuha ko ang paborito kung libro at sinimulan ko itong basahin. Habang nag babasa ako ay bigla na lang huminto ang kotse namin kaya napa tingin ako kay Mommy

"Nandito na tayo princess" sabi ni mommy at bumaba na ng kotse kaya sumunod naman ako sa kanya. Pag baba ko halos ma laglag ang panga ko sa nakita ko. Merong malaking golden gate sa harap ko at may nakalagay na pangalan sa gitna na MAGICAL ARMENIA ACADEMY. So academy pala ito, bakit parang palasyo naman ata!

"Pwede mo nang tanggalin ang contact lenses mo princess" sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Baka naman matakot sakin ang mga tao pag nakita nila ang mata ko!?

"Po?" sabi ko

"Sabi ko pwede mo nang tanggalin ang contact lenses mo total hindi ka naman iba dito sa magic world"

So may katulad din pala ako dito. At tsaka ano yung MAGIC WORLD?. Yon ba yun nababasa ko sa libro na where impossible become possible. Aish iwan ko ba!

"Ano po yung magic world mom?"

"Dito sa magic world naninirahan lahat ng mga tao na may kapangyarihan. At dito tayo nababagay anak, hindi sa mortal world" paliwanag ni mommy kaya naliwanagan ako ng kunti

Kaya tinggal kuna ang contact lenses ko. Na unang naglakad papasok si mommy sa golden gate at sumunod naman ako. Pag kapasok pa lang namin halos ma laglag na naman ang panga ko sa ganda ng loob nito. Ang gaganda ng mga building dito tsaka ang raming mga makukulay na bulaklak at may mga fountain din akong nakikita dito. Grabi! ang ganda talaga para na itong palasyo.

Patuloy lang sa pag lalakad si mommy kaya sinundan ko naman siya hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto na may nakalagay sa gitna na HEADMASTER OFFICE. Kumatok muna si mommy ng tatlong beses

Tok~~Tok~~Tok

Maya maya lang may narinig kaming boses lalaki galing sa loob

"Come in"

Pumasok naman si mommy at sumunod ako. Pag pasok namin bumungad samin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa swivel chair niya. Unti unti niya namang inangat ang ulo niya at ngumiti ito ng malapad kay mommy at tumayo

"Welcome back Vina" sabi nito kay mommy at niyakap niya ito gumanti naman si mommy sa kanya.

"Thanks Jin" mom

Bumitaw na man sila sa pag kakayakap. Hinarap naman ako nung lalaki. Tinaasan ko lang siya ng kilay

"Siya naba si Gwyn? Ang laki na niya ah" sabi nung lalaki kay mom

"Siya na nga Jin" naka ngiting sabi ni mommy. Close ba sila?

"Ano nga palang ginagawa niyo dito sa academy Vina? " tanong nung lalaki

"Pwede ko bang ipasok dito ang anak ko?" tanong ni mommy dun sa lalaki na ikinagulat ko. Bakit naman ako dito mag-aaral?

"Sure. Pwedeng pwede siya dito"

"Sandali lang ah at kakausapin ko muna ang aking anak sa labas saglit" sabi ni mommy. Hinarap niya naman ako at sinensayan na sumunod sa kanya sa labas

Nang makalabas na kami agad ko na mang hinarap si mommy

"Mom ayaw ko pung mag-aral dito at tsaka ayaw ko po kayong iwan" maluha luhang sabi ko

"Ayaw din naman kitang iwan anak pero para din ito sa ikabubuti mo. Sige na anak pumayag kana dahil mas marami ka pang malalaman dito kung paano mo magamit ng mabuti ang kapangyarihan mo. At alam kung ito din ang gusto ng daddy mo kung hindi pa siya namatay. Kaya pumayag kana princess para sa ikabubuti mo o di kaya para na lang samin ng daddy mo" mom

"Pwede na mang ikaw na lang ang mag turo sakin kung paano gamitin ang kapangyarihan ko mom eh" tumulo na talaga ang luha ko

"Pero mas marami kang malalaman kung dito ka mag-aaral anak kaya sige na pumayag kana"

Ayaw ko mang iwan si mommy pero sabi niya para daw to sa ikabubuti ko. At tsaka sabi din ni mommy na ito din daw ang gusto ni daddy kaya papayag na lang ako. Namatay kase si daddy noong bata pa ako. Meron kasing sumugod samin noon na mga lalaki na may kapangyarihan din pero itim. Kaya simula noon pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maipaghiganti si daddy. Kaya na paisip ko na baka ito na ang pag kakataon na hinihintay ko baka nandito sa mundong to ang pumatay kay daddy. Sabi nga ni mommy kanina na dito naninirahan lahat ng tao na may kapangyarihan.....
Niyakap ko na lang si mommy ng maghigpit at niyakap naman din niya ako pabalik

"Sige po mom. Papayag na po ako"

"Mabuti naman at pumayag kana anak. Sana lang hindi ka magalit kay mommy kung may malaman ka dito tungkol sa pagkatao mo ha" sabi ni mommy kaya napa tingin ako sa kanya na may pag tataka. Anong ibig niyang sabihin na sana daw pag may malaman ako dito tungkol sa pagkatao ko ay wag daw ako magalit?

"What do you mean mom?"

"Don't mind what I said princess. Pumasok na tayo sa loob" sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng office kaya sumunod naman ako. Ano ba kasing ibig sabihin ni mommy? Nakakainis na ha! Bakit ayaw niyang sabihin sakin!?

"Ok naba?" naka ngiting sabi nung lalaki pag kapasok namin.

"Oo Jin. So ikaw ng bahala sa anak ko dito hah at mauuna na ako" sabi ni mommy at hinarap ako

"Mauuna na ako princess. Mag-ingat ka palagi ha?" niyakap ko ng mahigpit si mommy at gumanti naman siya sakin

"Promise ko po mom mag-iingat po ako palagi basta promise niyo rin sakin na mag-iingat din kayo ha" sabi ko habang nakayakap parin. Bumitaw na kami sa pag kakayakap ni mommy at hinalikan niya ako sa noo ko tapos ay nag paalam na siya na aalis na

Hinarap ko naman ang lalaki at tudo ngiti pa talaga siya sakin ah!! Tss

"Ako nga pala si Headmaster Jin iha. Pwede mo rin akong tawaging HM" pakilala niya sakin. Nag smile na lang ako sa kanya

"So ito pala yung dorm key at sched  mo. May dalawang ka dormmates ka pala dun" sabi niya at ibinigay na sa akin yung mga sinasabi niya

"Ano nga palang power mo gwyn?"

"Ice po" sagot ko

Tumango naman siya. Mag papaalam na sana ako ng bigla na naman siyang mag salita

"Nasa closet mo na pala ang uniform mo gwyn" sabi niya. Aba astig ah! Nasa closet ko na agad! Ano yun alam na nila size ko? Ay oo nga pala wala na pala ako sa mortal world nandito na pala ako sa magic world

Nag lalakad na ako ngayon sa hallway patungo sa building ng dormitory. Grabi hanggang ngayon manghang mangha parin ako sa ganda ng academya na ito. Tinignan ko naman ang dorm number ko at dorm 445 pala ako. Sana talaga mababait yung mga ka dormmates ko dun.



















ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon