Chapter 6: Bonding

6.4K 177 3
                                    

Gwyn's POV

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Dali dali akong bumangon at tsaka dumiretso sa banyo. Ilang sandali lang ay tapos na ako maligo. Mag bibihis na sana ako ng uniform ng may biglang nagsalita sa speaker dito sa kwarto ko

"Announcement to all Armenian Students. We have no class for one week starting today. You have to practice for the upcoming leveling"

"I repeat announcement to all Armenian Students. We have no class for one week starting today. You have to practice for the upcoming leveling. Thank you"

Pagkatapos may magsalita sa speaker ay agad akong nag bihis na black short and white shirt. Pagkatapos kung magbihis ay ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na ako. Pag baba ko naabutan ko na ang dalawa na nagluluto. Aba! Himala ata ah. Ang aga atang nagising ng dalawang to. Ano kayang meron?

"Good morning girls" naka ngiting bati ko sa kanila

"Good morning din gwyn" sabay sabi nila

"Ang aga nating nagising ah. Anong meron?" tanong ko

"Wala naman gwyn. Naisipan lang naming gumising ng maaga para kami naman ang magluto para sayo. Nakakahiya naman kasi na ikaw na lang lagi ang nag luluto para samin eh" sagot naman ni nat. Na touch ako dun ah

"Ano ba kayo girls ok lang naman sakin eh. Friends naman tayo diba" naka ngiting sabi ko

"What if gumawa tayo ng endearment natin?" naka ngiti ding sabi ni kate. Nag katinginan muna kami sandali ni nat bago nag sabi ng..

"Sige ba!!" sabay sabi naming dalawa

"Ano kayang maganda?" sabi ni kate at humawak pa talaga sa baba niya na para bang nag-iisip

"Sister" kate

"Pangit" nat

"Sis" kate

"Iba na lang" nat

"Bff" kate

"Next" nat

"Friend " Kate

"Next" nat

"Ano bah? Kanina pa ako nag sa-suggest dito ah" naiinis na sabi ni kate

"HAHAHAHAHAHAHA. Ang epic ng mukha mo kate" natatawang sabi ko kasi halos hindi na maipinta ang mukha ni kate pati tuloy si nat nakitawa narin

"Ok para tumahimik na kayong dalawa. Ako na lang ang pipili ng endearment natin" sabi ko at nag-iisip muna kong anong magandang endearment. Bigla ko namang naisip ang baliw kong kaibigan. Kamusta na kaya ang isang yun. Miss na miss ko na siya

"BEST na lang kaya. Ok lang ba? " tanong ko sa kanila

"Ok na ok" natawa naman ako dahil sabay pa talaga sila nag sabi ah

Nag simula na kaming kumain ngayon. Habang kumakain kami nag babangayan lang ang dalawa. Bigla namang sumagi sa isip ko yung sinabi sa speaker kanina na 'leaving'. Ano naman kaya yon at bakit kailangan pa naming mag practice?

"Best ano pala yung leveling?" tanong ko sa kanilang dalawa

"Ang leveling ay dun mo malalaman kung lumelevel up ba talaga ang power mo o hindi. Kung aabot ng 90 up ang makukuha mong score ay ililipat ka na sa Royal Section" paliwanag ni nat sakin kaya medyo naliwanagan naman ako ng kunti. Nag patuloy na kami sa pagkain hanggang sa matapos na kami kaya nandito na kami ngayon sa sala ng dorm namin

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon