19

29.3K 627 186
                                    


SA ISANG pribadong silid sa ospital sa bayan na nagising si Diana kinabukasan. May benda sa paligid ng noo. Nasa tabi niya si Bernard.


Isang ngiti ang ibinigay niya rito. "Hello, lover boy.""Damn you, don't pass out on me like that again!" salubong ni Bernard sa ngiti niya. Bagaman tiniyak ng doktor na mild contusions lang ang tinanggap ni Diana ay hindi pa rin ito mapalagay. He stayed with her the whole night, watching and holding her hand.At hindi nito maintindihan ang sarili because he couldn't control his temper pagdating sa babaeng ito.


"Were you really so worried?" Nakadama ng bahagyang galak si Diana sa nakikitang pag-aalala ni Bernard na tinatakpan ng galit.


"Natural! Pananagutan kita. Hindi kita dinala rito para lang mapahamak," sagot nito na matiim na nakatitig sa kanya. "And you didn't keep your part of the bargain. Mukhang wala sa bokabularyo mo ang salitang obedience..."


Nakadama ng disappointment si Diana sa sagot ng binata. Kung sabagay ay ano ba ang inaasahan niya? Isang mahinang katok ang narinig nila at pumasok ang mag-asawang Nathaniel at Jasmin.


"Hi, how are you." si Jasmin na humalik sa pisngi ng dalaga. Inilapag ang basket ng prutas sa tabing mesa."Thank you. Hello, Nat..."


Ngumiti si Nathaniel. "Gusto naming ihingi ng paumanhin ang mga nangyari, Diana. We promised heaven in Kristine Resort pero mukhang hindi iyon ang inabot mo...""Because she's stubborn..." angil ni Bernard.


Nasaktan si Diana roon pero hindi nagpahalata. Nagkibit ng mga balikat. "Oh, well... iyon din ang sinabi ng matanda sa akin kagabi. I guess he's right...""Matanda?" sabay na sinabi ng dalawang lalaki."Yes. Siya nga ang nagtago sa akin mula kay King. Nasabit ang paa ko sa pagtakbo at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Dinala niya ako sa basement ng villa...""Basement ng villa?" sabay uling sinabi ng dalawang lalaki na parang mga loro. Si Jasmin ay napasinghap.


Nakahalata si Diana. Naningkit ang mga mata. "Hey, guys, if you're making fun of me, I'm warning you...""No... no, Diana..." seryosong tanggi ni Nathaniel na tumitig kay Bernard. The woman is incredible at bahagya itong naaliw."Anong matanda at anong basement ang sinasabi mo, Diana. Walang matandang nakatira sa villa. Dalawang katulong lang ang tao roon at ang isa ay narito sa ospital, fighting for her life." nagtagis ang mga bagang ni Bernard sa puntong iyon. "Wala ring basement ang villa. You only imagined those things dala ng pagkahilo sanhi ng contusions mo..." lohikong sinabi ni Bernard.Tumiim ang mukha ni Diana sa narinig. Sa tingin ng mga ito'y wala siya sa sariling pag-iisip sa sinasabi.


"Well, I'm telling you, guys, na sa basement ako dinala ng matandang lalaki," mariing wika niya to emphasize that she's telling the truth. "He's between sixty and sixty-five. May bigoteng puro puti na ang kulay..."


"Oh...!" Si Jasmin na napahawak sa braso ni Nathaniel."Akala ko pa nga katulong siya sa villa," walang anumang patuloy niya. "Except that he made me feel safe and he spoke english and Spanish."


"Did... did... you ask his name...?" Si Jasmin ang nangahas na magtanong dahil pare-parehong tila naestatwa ang dalawang lalaki.


"Yes. I did. Pero hindi niya sinabi ang pangalan niya maliban sa sinabi niya sa aking lawin ang tawag sa kanya..." kaswal niyang sinabi na bahagyang nagsalubong ang mga kilay sa anyo ng dalawang lalaki.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon