5

16.1K 410 13
                                    


SA LOOB ng nakalipas pa uling mga linggo ay hindi nagbalik sa Paso de Blas si Bernard. Ginugol niya ang lahat ng panahon sa pamamahala nang personal sa kompanya.

Si Andre ay tumatawag sa kanya sa telepono at nagre-report. Parati itong magkasama at si Nathaniel. Ipinaalam din nito sa kanyang naroon na ang pamilya ni Zandro.

At tulad ng mga nakaraang araw ay negative ang resulta ng lihim nitong imbestigasyon. Walang motibo ang kahit na sino na patayin si Jewel. Si Zandro, ayon sa sariling imbestigasyon ni Andre ay nagtuloy sa silid nito sa hotel noong gabing iyon at pinatotohanan ng front desk personnel na hindi ito lumabas ng hotel matapos ang tawag.


May backdoor ang hotel. hawak niya ang matibay na katibayan. At gusto ni Andre na maghanap pa ng higit na matibay na mga ebidensiya.

Si Zandro sa kabila ng pagnanais na bumalik sa Maynila ay minabuting manatili sa Paso de Blas. Alam nitong pinagsususpetsahan siya sa pagkamatay ni Jewel. At gusto nitong manatili roon upang harapin ang anumang maaaring akusasyon. Bagaman hindi nito sinabi sa ina at kapatid ang bagay na iyon.

"Hindi ka pa ba uuwi, Bernard?" Si Mrs. de lara na sumilip sa silid ng batang boss. "Mag-aalas-siyete na ng gabi..."

"Mauna ka na, Andrea. Tatapusin ko lang ito at uuwi na rin ako." Tinanguan ito ng binata. Muling isinara ni Andrea ang pinto. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. Ano ang gagawin niya sa mansiyon na nag-iisa? Oh, well, naroroon si Marco at Emerald. Pero sa laki ng mansiyon ay hindi rin sila halos nagkakakitaan malibang may kailangan silang pag-usapan ni Marco. Kumuha siya ng bachelor's pad lately upang wala siyang makita kahit na anong alaala ni Jewel doon. Subalit sa pag-iisa niya'y okupado ng kasintahan ang isip niya.

Anim na buwan nang mahigit mula nang mamatay si Jewel. Pero wala pa ring nabago sa damdamin niya. Nasasaktan pa rin siya. At dapat sa mga panahong ito


ay pinag-uusapan na nila ang kasal. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya at sumandal. Ipinikit niya sandali ang mga mata upang ikalma ang sarili sa sakit ng damdaming hanggang ngayon ay sariwa pa rin. Ni hindi niya narinig ang marahang pagbukas ng pinto ng silid niya.

"Wrong timing ba ako?" bungad ng tinig. Nagmulat ng mga mata si Bernard.

"Sandra?"

"Hello, friend," nakangiting bati nito. lumakad

patungo sa mesa niya at naupo sa gilid. "huwag kang

magmukmok dito. how about taking me to a ball room

dancing?"

Ngumiti si Bernard. he and Sandra had became

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Where stories live. Discover now