friends a long time ago. At alam niyang kaya nandito

ngayon ang dalaga ay dahil na rin sa udyok ni Marco

at Emerald. Ito ang ikalawang pagkakataong dumating

dito sa opisina ang dalaga.

"Wala bang boyfriend na magagalit?" biro ni Bernard.

"Kung sinasagot mo na ba ako, eh," tukso ng dalaga.

Natawa ang binata. Tumayo. "C'mon. I'll buy

you dinner. Pero hindi ballroom dancing. Wala ako sa

dancing mood..." dinampot ang susi ng kotse.

Umirap si Sandra. "More than six months ka nang

wala sa mood, my friend. And I'm worried..."

"Me, too," seryosong sagot ng binata. "But let's not


talk about it. Where to?" Binuksan ang pinto ng opisina at pinaunang lumabas ang dalaga.

"May palagay akong gusto ko ng Italian dinner today."

"Sa isang Italian restaurant kung ganoon."

Sa isang de-klaseng Italian restaurant dinala ni

Bernard ang dalaga. Si Sandra ay sinikap na ituon ang

usapan sa mga bagay na hindi magpapaalala rito sa

kasintahan.

"C'mon, Sandra, hindi mo kailangang pahirapan

ang sarili mo para lang ipako sa kung saan-saan ang

usapan. I'm okay, friend. I just cannot help from hurting.

Probably time will heal me."

Tumango ang dalaga. "Kung may magagawa lang

ako para maibsan ang sakit, Bernard," tapos umiling.

"But no. Magkaibigan tayo sa totoong kahulugan ng

salita. Gusto kong manatiling ganoon ang relasyon

natin."

"Me, too, Sandra..." sang-ayon ng binata. "May

boyfriend ka na ba?"

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. "Kung papasok

man ako uli sa isang relasyon, Bernard, titiyakin kong

for keeps iyon."

Tumango si Bernard. dinampot ang mug ng beer at

dinala sa bibig. Bahagyang nahinto siya sa pag-inom sa

pagpasok ng isang babae sa restaurant na iyon. Sandali


niyang sinundan ng tingin ito na ang piniling mesa ay ang pinakasulok. Mailap ang mga mata na parang may hinahanap. Inalis niya ang mga mata mula rito at muling ibinaling kay Sandra ang pansin.

"Kumusta nga pala si Jake at Alexa?"

"Oh, they're okay. Nasa Mexico ngayon ang dalawa.

At saka two months nang nagdadalang-tao ang twin

sister ko..." Nagpunas ito ng napkin sa bibig.

"I'm glad. All's well that ends well sa inyong tatlo..."

"And I have to thank you for that. For making me

realize sa mga pagkakamali ko," nangingiting sagot ng

dalaga.

"Well, as the line goes, just what friends are for?"

Makalipas pa ang ilang sandali ay tinawag na ni

Bernard ang waiter at binayaran ang nakain nila. Palabas

na sila ng restaurant nang tapunan niya ng huling sulyap

ang nasa dulong mesang customer.

"Saan kita ihahatid?"

"Sa office mo dahil naroon ang kotse ko," ani

Sandra na pumasok sa kotse. Umikot sa kabila si

Bernard. Ilang sandali pa ay palabas na sila ng parking

ng restaurant.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant