Chapter 1

10 0 0
                                    

...

zZzzZ

Onti onti kong minulat ang aking mata... nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto, nakalimutan ko pala itabing yung kurtina, tsk...

Papungay pungay pa mata ko ng kinuha ko ang cellphone ko, tsk wala man lang nagtext... bigla kong naalalang may pasok pala, tsk!!!!! 7:00 na, 7:30 pasok ko. Nakng, tuesday lang pala ngayon, hirap sa tamad eh. Napasimangot ako sa naisip ko at dali daling pumasok ng banyo at naligo, mabilis kong inayos ang sarili ko. Ni hindi ko na nasuklay ang buhok ko, tsk. Lagi na lang late, lagot ako sa prof ko neto.

Pagbaba ko ay nadatnan ko ang mama at daddy ko na kumakain. Nakaalis na siguro si ate... "Ma, una na ko, late na ko eh, bye" sabay halik sa pisngi nya, nakatalikod na ko ng bigla nyang sinabing, "lagi ka naman late" sabay tawa, lumingon ako sa kanya at binelatan sya, mama ko talaga, tsk. Bago ako lumabas ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko at dali daling pumunta sa school. 10 mins lang naman ang layo mula sa bahay namin, sana ay walang traffic. Pero dahil 7:30 ako nakaalis ng bahay ay paniguradong late ako. Major pa naman ang subject namin ngayon.

"SANTILLAN, YOU'RE LATE", napayuko ako ng marinig ko agad ang sigaw ng chef namin. Nakakahiya, tsk. "Chef sorry, na'late lang ng gising..." nakita kong sumimangot sya dahil sino ba naman maniniwala sa dahilan ko kahit totoo, tanga tanga kase santillan!! "Bilisan mo na dyan". It's laboratory day today, gourmet cuisine kami ngayon at nae'excite ako. I have this passion in cooking which i can say, na namana ko kay mama. Sya ang pinakafavorite kong chef, sa kanya ako unang natuto magluto. We have a restaurant in Cavite, because of course, we live here, eto ang pinaka'main branch. Meron din kami sa Manila, North and they are now planning to go big, international. Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang chef namin na nagsalita ulit, "let's start, today we are going to familiarize the different cheeses in the world... blahblahblah" ang daming sinasabi ng chef namin, titikman namin isa isa yung mga cheese kase nga familiarization. Nakikinig ako ng bigla ako batukan ng isang pangit, tsk, sabi na, di ako nagkakamali eh, napasimangot ako ng makita ko mukha netong pangit na to, "bayan, istorbo, naga-aral yung tao eh!!" lalong nanlaki mata nya sa sinabi ko, 'lalo' kase malaki na talaga mata nya, "ikaw?! Nagaaral?! Mukha mo!!" Sya naman binatukan ko, "manahimik ka dyan, matatampal kita!!" Ngumuso sya sabay sinabing, "sungit", pinanlakihan ko sya ng mata, nakakatawa itsura nya.

Ang pangit na to ay si Brent, bestfriend, oo, BESTfriend. He was my bestfriend since I was a child. Actually, he's not ugly, gwapo sya, matangkad, maputi, singkit, matangos ilong, basta everything na maiimagine mo sa gugustuhin mo maging boyfriend, pero para sakin pangit sya, kase lalo lalaki ulo nyan pagsinabihan mong gwapo, tsk. He's a bestfriend material, trustworthy, good listener, he's always there when you need him, lahat lahat. And fortunately for us, bestfriend lang talaga kami para sa isa't isa, but there are still people who thinks that we have something special, na tinatago lang DAW namin. Yes, daw. Tsk, tao nga naman. Tinatawanan na lang namin yung mga ganun everytime na may magtatanong or makakarinig kame na kami raw.

Nawala ako sa pagiisip ng magsalita si pangit, "huy titikman na raw", agad agad ko tinikman ang mga cheeses, and it was good, except for one, the mighty blue cheese, it has a distinct flavor na nags'stay talaga sa bibig, grabe... feeling ko masusuka ako sa lasa, tsk. Actually, mabait chef namin, sobra, he's my most favorite, since 1st yr sya na yung naghandle samin, and fortunately, di pa ko nagiging irregular student, so lagi sya yung chef na naka'assign sa class namin, he's Chef Gram. Tsk, epal nanaman tong pangit na to, nambatok nanaman, "ano?!" sigaw ko sa kanya, "tangeks, tawag ka ni chef, tulala ka nanaman, iniisip mo nanaman si--" "ULOL", putol ko sa kanya, sabay baling kay chef, tsk epal talaga tong pangit na to, "chef bakit?", "get something to cover your eyes, you will have a taste test", tumango ako, at agad na tinawag si brent pangit, "cover mo to sa mata ko dali, ako na magtetest", agad nya naman nilagay at inalalayan ako papunta sa chef namin, I heard Chef Gram said, "okay, you can go now Mr. Santos".

"Here", inabot ni chef sa mismong kamay ko yung unang cheese na papatikim nya sakin, inamoy ko muna bago isubo, 'mmm, slightly bitter but its texture is soft', "Monterey Jack", I said as I finished tasting it. "Next", I put it in my mouth, 'who doesn't know this, tsk, di ko gusto ang isang to', napasimangot pa ko, "Emmental, chef". "Another", inamoy ko muna ulit bago isubo, mmm, walang lasa, "mmm...", napaisip ako bago sumagot, "Mozarella?". Narinig kong natawa si chef dahil patanong sagot ko. He ask me, "are you sure Ms. Santillan?", "I am not sure with my answer chef, but I am hoping for the best", I trust my palate anyway. "Next", 'mmm, it has a light taste and texture, i know this', "Mascarpone". "Last", what?! Sa dinami ng cheese lima lang? Tsk, kala ko pa naman... Anyway, inamoy ko yung last cheese na inabot nya, 'tsk even the smell of it is not good", I didnt even taste it, "Blue cheese, chef" tumawa pa ko ng bahagya, "tikman mo", "ehhh chef, alam ko na to, basta blue cheese, ayaw ko nyan", pagmamaktol ko sa kanya. "If you say so Ms. Santillan, you can now remove your blindfold", "chef ano score ko?" i smiled, "mamaya, i'll announce it", sabi ni chef. Tumango lang ako at lumabas.

Agad ako pumunta kay Brent pangit, sya lang naman ang kaibigan ko dito, girls here are bitches and I can't stand their attitudes, pare parehas, tsk. "Was it hard?", bungad nya agad sakin. Ngumisi lang ako, "tawag ka na ni chef, ikaw sunod sakin, remember?", inabot ko sa kanya yung ginamit kong pang'blindfold, "mind to help me?", binato nya agad sakin yung scarf at tumalikod, nang nalapat ko na sa mata nya, hinigpitan ko ang pagkakatali, "aray naman pangit!!!! Lagot ka sakin mamaya, tch", tawa lang ako ng tawa habang inalalayan sya papunta kay chef. Bumalik agad ako ng station at ipibagpatuloy ang pagluluto, dalawa lang kase kami sa group, at mas okay na samin yun!

Maya maya ay lumabas na nakasimangot si Pangit, "problema mo?", sabi ko sa kanya, mukhang mainit ulo, lagot... "eh pano ang hirap!! Wala man lang choices!!" nanlaki mata ko sa sinabi nya, "stupid!! Ano pa at nag'culinary ka, cheese lang di mo pag madistinguish yung lasa", lalo sya napasimangot, natatawa ako sa kanya, "okay lang yan pangit, malay mo may natama ka kahit isa", bigla nya ko binatukan, aba namumuro na sakin to ah, pero di naman masakit, pero kahit na!! Babae kaya ako!! "Ano nanaman?!" asik ko sa kanya. "Nangaasar ka pa", nilapitan ko sya at sinabing, "labyu pangit", natural na saming dalawa magsabihan nun lalo na at bata palang, kami na magkaibigan. "yung niluluto mo sunog na", nanlaki agad mata ko sa sinabi nya at binaling ang tingin sa niluluto ko, "joke lang hehehe", papansin talaga tong pangit na to (-___-)

Lumabas na si Chef galing sa loob na pinag'taste test namin, "I will announce your scores... It will be multiply by 5, so it's over 25. This will be your quiz # 1." 1 pa lang dahil kakasimula lang ng klase, 2nd week pa lang, kaya rin siguro ako na'late ng gising ay dahil wala pa sa isip ko ang may pasok, tsk. "Abad, 15. Del Rosario, 20. Blahblahblah.", "Santillan..." when I heard my name, I automatically look at Chef Gram, "25", napangisi ako, 'nice', "thank you chef", ginulo ni Pangit yung buhok ko, "iba na talaga!!", tinignan ko lang sya at sinabig, "well..." At sabay kami natawa. "Santos..." tumingin ako kay Brent at halatang kinakabahan sya, "15", "WOOOH!! Thank you chef, labyumats!!", natawa ako sa kanya at sinabing, "chamba lord", tawa lang kami ng tawa hanggang matapos yung lab namin.

Ayos din naging output ng niluto namin, at sigurado kami na mataas makukuha namin sa unang luto namin ngayon. Sarap sa feeling!!

Tapos na ang klase. "Brent, san punta mo?", tanong ko sa kanya habang nagaayos ng bag. "Aba himala, tinawag mo ko sa pangalan, wala naman, uuwi na, pinapauwi kase agad ako ni mommy", mama's boy talaga. "Sige, sabay na tayo pumuntang parking lot."

Habang naglalakad kami, nagkukulitan lang kaming dalawa, tawa kami ng tawa at nung malapit na kami sa sasakyan namin, I was dumbfounded when I saw someone, leaning on his car, like he was waiting for me... though he was not, of course...

Love SomebodyWhere stories live. Discover now