Chapter 4

367 17 0
                                    

Chapter 4

Third person's POV

“Calyx!! Punta mo naman ako sa park! Nakakabagot dito sa bahay e!!” reklamo ni Mila habang nilalantakan ang strawberries niya.

“Okay, okay! Finish your meal first and get ready.” sabi ni Calyx kaya mas mabilis pa ang naging subo ni Mila sa kanyang mga pagkain.

“Ikaw Cole? Wanna come?” pagtatanong ni Calyx sa kapatid niya na ngayon ay kaharap ang laptop niya. Sandali lang siya tiningnan ni Cole at binalik agad ang tingin sa laptop.

“Im not free today.” malamig niyang sabi kaya hindi na muli siyang pinake alaman ni Calyx. “Im done hubby! Let's go!” pag-aaya ni Mila.

Dalawang buwan na siyang buntis kaya medyo halata na sa tiyan niya na buntis talaga siya.

Inalalayan ni Calyx ang asawa papalabas ng bahay at pasakay sa kotse. Sa pagpunta nila doon ay panay lang ang dakdak ni Mila ng kung ano ang makita niya sa labas ng bintana.

“We're here.” malumanay na na sabi ni Calyx at pinagbuksan ng pinto ang asawa. Lumapit sila sa park at kahit medyo maaga pa ay madami ng tao ang mga nagkalat.

Umikot-ikot ang tingin ni Calyx upang makahanap ng lugar na hindi crowded para kay Mila.

Nang makakita siya agad ay agad silang nagtungo roon. Kaso hindi pala nila nakita na may taong nakaupo roon. Aalis na sana sila nang magsalita si Mila.

“F-fatima?” lumingon ang babaeng nakatalikod sa kanila at sinabing. “Excuse me? Do I know you?” napatakip ng bibig si Mila at tahimik na umiyak sa harap ng babae.

Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Buong akala nila ay wala na ang babaeng ito pero heto siya ngayon sa harap nila.

Confusion is all over the girl's face. Pero bago pa siya muling makapag-salita ay napahawak siya sa kanyang ulo at napapikit sa sakit.

“A-aaackkk!!!” she scream in pain at napaluhod na rin. Agad naman siyang dinaluhan ni Mila at Calyx.

“H-hubby! Dalhin natin siya sa hospital!” utas ni Mila. Agad namang binuhat ni Calyx si Fatima na ngayon ay wala ng malay. Pero kahit ganon panay parin ang tingin ni Calyx sa asawa, nag aalala sa ina at sa dinadala.

Nilagay niya sa backseat si Fatima at agad silang sumugod sa hospital. Nilingon ni Calyx si Mila na ngayon ay nakapikit at nakatakip parin ang bibig.

Kinuha ni Calyx ang kamay ni Mila. “Shh...don't cry. It's not good for you.” nag aalalang sabi ni Calyx. “I-i can't help it. I-im just too happy...” nakatingin siya kay Fatima habang sinasabi iyon.

“Cole should know about this ASAP.” sabi niya habang pinapawi ang mga luha.

Meanwhile...

Naitapon ni Jonas ang mga pagkain na binili niya dahil sa sobrang inis at pagsisisi kung bakit hindi niya nilapitan si Fatima.

Mabilis ang naging pagkilos niya at pumasok sa kaniyang kotse. Hindi niya alam kung saan pupunta ngayong alam niyang tuluyan nang mawawala si Fatima sa kanya.

Kitang kita ng dalawa niyang mata ang paglapit ng dalawa kay Fatima. Kaya hindi niya magawang makalapit dito dahil natatakot siya sa magiging reaksiyon ng dalawa.

Natatakot siyang malaman lahat ng kasinungalingan niya. Hindi niya alam pero dinala siya ng sarili niya sa hospital. At saktong pagdating niya doon ay inaalalayan na si Fatima papasok ng mga nurse sa hospital.

He stayed there for a minute. Nag iisip kung ano ang susunod niyang gagawin, hahayaan nalang ba niya si Fatima doon at makita na siya ni Cole? O kukuhanin niya si Fatima ng hindi nila nalalaman??

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Where stories live. Discover now