Chapter 3

424 18 0
                                    

Chapter 3

Third person's POV

12:30 in the afternoon, Cole is already waiting in his car infront of the fancy restaurant. Halos kakarating lang niya at kaninang pag pasok niya ay wala pang anino ni Jonas ang nandoon kaya napagpasyahan niya nalang muna na maghintay sa loob ng kanyang sasakyan.

The waitress there said na every Monday hanggang Friday dinner sila nagpupunta ng kaniyang asawa dito at kapag naman weekend mga ganitong oras.

Sakto at sabado ngayon kaya wala din siyang ta-trabahuhin sa kaniyang opisina. Ilang minuto pa ang lumipas at napaayos na ng upo si Cole nang makita niya ang kotse na kahapon ay sinusundan niya.

Maigi niyang pinanood ang kotse hanggang sa lumabas sa driver's seat Jonas. Buong akala niya ay pupunta sa front seat si Jonas upang pagbukasan ang asawa pero imbes na ganon ang ginawa nito ay nagtuloy-tuloy ito sa loob ng restaurant.

‘Nasaan ang asawa niya?’ the only question left in his mind. Pero kahit na ganon ay hindi na siya nagdalawang isip na sundan ito sa restaurant.

Nakita niyang umo-order na ngayon si Jonas habang nakaupo mag isa sa isang lamesa. Nang mawala ang waiter ay agad niya itong nilapitan.

Nang matanaw ni Jonas kung sino ang papalapit sa kanya ay bahagya siyang nanigas at napaawang ang bibig. “Can I sit here? I wanted to talk to you.” maagap na wika ni Cole.

Jonas cleared his throat ang just nodded. ‘Damn it! Anong pag-uusapan namin ng lalaking ito!?’ tanong ni Jonas sa kanyang sarili.

“H-hey, anong pag uusapan natin?” natural pero nautal na bati ni Jonas kay Cole. Tipid na ngumiti si Cole. “I heard that you and Mila already meet a few days ago? So it means you know what happened to...Fatima.” bahagya pang napalunok si Cole bago niya banggitin ang ngalan ng babae.

Yumuko si Jonas at binalik muli ang tingin kay Cole. “Yeah, she said that she is missing. Why? What happened to her??” napasinghap si Cole dahil walang ka-alam alam ang taong ito sa nangyari. ‘Kung gayon para saan pa ang pagpapadala ng pinsan niya upang bantayan si Fatima!?’

Gusto niyang sigawan si Jonas pero gayon paman napigilan niya ang kanyang sarili at imbes na sigawan ito ay sinabi niya ang tunay na nangyari.

“Almost 2 years ago, kasal namin. That day hindi ko alam na may nagtanim ng bomba sa bawat sulok ng barko. Fvck it! Did you know that I bought that ship for her??” halata ang inis sa boses ni Cole kaya lalo lang na guilty si Jonas.

“Then after the wedding. Nagpatuloy lang sa paglalayag ang barko at sa kalagitnaan non bigla nalang itong sumabog. Lahat kami nag sitalsikan. Nawala si Fatima sa tabi ko. Pagbangon ko hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Nag panic ako dahil may mga kaibigan pa ako sa loob, I checked for her everywhere but I fvcking can't see her. Inisip ko nalang na baka nakaligtas na siya kaya tumalon na ako sa barko. Not knowing if I leave her there or what... we're not sure kung buhay pa siya PERO alam kong oo! She is alive! I know that she won't leave me like that!” lahat ng salita na lumalabas sa bibig ni Cole ay tumatatak sa puso at isip ni Jonas, para bang mga kutsilyo na unti-unti siyang tinutusok at pinapatay sa konsensiya.

“Merong pang problema, kung sakaling buhay pa siya at bumalik siya sa akin...hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala na ang mama niya. Wala na ang kaibigan niya...” papahina ang boses ni Cole.

Halatang nasasaktan siya sa kanyang mga kinuwento pero ipinagpatuloy parin niya ito. What a brave man right??

“T-tita Felicia is dead??” kunwaring gulat na tanong niya. Tinakpan pa niya ang mukha niya. “Yeah.” tipid na sagot ni Cole. Nakatingin siya kay Jonas na hanggang ngayon ay nakasubsob sa kanyang palad.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon