Don't Jump Into Conclusion

Start from the beginning
                                    

"D-danielle, i-ibaba mo nga yan. Baka m-matusok mo ko eh."

"Hahaha! Ano ka ba laruan lang 'to noh? Hahahaha. Pero srsly, ano naman binabalak mo ha? Mukhang gustong gusto mo pang mabroken hearted ako eh." Ang sakit naman kasi eh. Pati sarili kong best friend ayaw atang kami ni Liam magkatuluyan. Huhu. "Dapat tinutulungan mo akong isabotage 'to eh. Ganun ang bestfriend Cindy!"

"Ha? Ano yon? *munch munch* Magaling palang magbake si Liam. Ang sarap neto eh. Baka 'Can I court you?' palang tinatanong ni Liam eh mapa-'Yes! I'm willing to be your girlfriend!' na yung girl dahil dito sa cookies. Ang swerte nung girl sa totoo lang." Ginagalit talaga ko ne'to eh.

"Nakikinig ka ba ha?!" Tinapat ko ulit sa leeg niya ung fake knife saka ako tumingin ng masama sa kanya. "Baka gusto mong dumanak ang dugo dito. Kahit fake knife lang 'to eh tatagos 'to sa leeg mo Cindy. *death glare*"

"D-d-danielle naman eh. J-jinojoke lang kita. Joke lang talaga yun." Isa akong mabait na nilalang kaya binitawan ko na siya. "Haaay, nakakatakot ka talaga minsan Danielle. You really are scary."

"I know. Kaya wag na wag mo kong gagalitin." Sanay naman na siya sakin.

"Pero srsly, tikman mo 'tong mga cookies. Ang sarap sobra." Kumuha ko ng isang cookie monster saka ko tinikman. Hmm. *munch munch* Masarap nga. Perfect ang lasa. Galing ni Liam 'ko'.

"Dani, help naman oh? Kailangan kasi namin ng glitters. Pabili naman." Hay nako Lee. Utusan ba ang peg ko dito? Huhu. Iniitsapwera niyo na ako. Huhu.

"Sure. Ilan ba? Saka money?"

"Akala ko libre mo na eh. Eto oh. Violet ah."

"Asa ka. Pareho pa kaming favorite color ah?"

"Oo nga. Sige, bilisan niyo."

"Wag kang atat Lee. Sige, alis na kami!" Syempre dapat kasama si Cindy. Eh driver ko 'to eh. Yep, may car kami. Sa aming tatlo. Pero di ako marunong magdrive. Natatakot ako eh. Mabangga ko pa yon. Sayang.

Ano kaya yung pakulo ni Liam? Ba't kailangan ng glitters? At talagang favorite color ko pa ang ginamit ah? Haay, joke lang ung sinabi kong tutulong ako. Tamad ako eh lalo na kung ganito. Kung sana tutulungan namin si Lee o kaya Dy baka ako pa mismo gumawa lahat. Nakakatamad naman kasi kung tutulungan mo yung taong gusto mo na magustuhan siya ng taong gusto niya. Ang gulo. Parang lovelife ko, magulo. Huminto na yung kotse. Andito na pala kami.

"Gaano ba kadaming glitters bibilin natin?"

"Sabotage na lang natin Cindy. Sige na. Help me. Ikaw mag-isip ng plano, mas matalino ka sakin eh."

"A-yo-ko. Bilisan mo nga. Bumili ka na. Hintayin na lang kita dito." Hmp. Ang kj talaga ne'to. Ni minsan di ako sinuportahan sa mga kagagahan ko. Pumunta na lang ako sa bilihan ng mga kaek-ekang glitters na yan. Simula ngayon,

I HATE VIOLET NA! Kahit favorite color ko pa yan.

I HATE GLITTERS NA! Kahit gustong gusto kong naglalagay niyan para sa scrapbook ko.

I HATE COOKIE MONSTER NA! Kahit na mahal na mahal ko yan. Si Elmo na lang like ko.

I HATE THAT GIRL! Kung sino man siya. Ang epal niya sa buhay ko.

Once Upon a TimeWhere stories live. Discover now