Chapter 6: Overnight

Start from the beginning
                                    

Pinamulahan naman si Angela.

"Ano na, pumapayag kana, Arianne?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Marvie. Hmm, kung sabagay pwede naman, bukas na kasi yung deadline ng project namin kaya wala akong choice. Tumango ako bilang sagot.

"Text mo na si Vix, sabihin mo d'on sa bahay nila kayo gumawa ng milagro," nang-aasar na nakangiti si Marv kay Angela. Lalong pumula ang pisngi ng isa dahil sa pang-aasar ni Marv.

"Psh! 'Wag kang kiligin, asa namang papatulan ka 'non eh isa kang minion," imbes na mag-reklamo si Angela ay hindi nito magawa. Nagmistulang hinog na kamatis na rin ang kanyang mukha.

Angela look at me. Akala ko nga e, babaliwalain niya lang 'yon pero ang bruhilda ay ngumisi lang ng nakakaloko. Oh No! Ano kaya pumapasok sa isip ng kaibigan kong ito? Kumindat lang siya sa'kin kaya medyo napangiti ako.

ILANG minuto pa ang itinagal namin ngayon sa rest room dahil naghihilamos si Marvie ng kanyang mukha. Hinawakan ko kasi si Marv sa magkabilang braso at si Angela naman ay kumuha ng pentilpen saka gumihit ng kung ano-ano sa mukha nito. Halos magwala si Marvie dahil pinagkaisahan raw namin siya. Tawa lang kami ng tawa ni Angela dahil sa naging hitsura niya.

"Iyan ang revenge ko, oh paano una na ako." Natatawang paalam ni Angela bago naunang lumabas. Sumunod kami ni Marvie upang makauwi narin at maipaalam niya ako kay mama.

"Bruhildang 'yon, hindi pa kasi amining crush niya si Vix." Naiiling na saad ni Marvie saka natawa rin.

"Naku, mukhang playboy ang isang 'yon." Pagtutukoy ko kay Vixter.

Ilang minuto rin ang aming naging byahe bago makarating sa bahay.

"Hello po tita!" Masiglang bati ni Marvie.

"Oh nakauwi na pala kayo, anong sadya ng magandang kaibigan ng bruha kong anak?" Pabirong saad ni mama.

"Aray naman ma, ha! Ang sagwa ko ba talaga tignan sa paningin mo? Nakakasakit ka na ma ah!" Madramang saad ko. Mahina akong binatukan ako ni mama. Shems lang! Ang sakit nun eh, huhu.

"Gaga, anong pinagsasabi mo?" Oh my! Ratatatatatatatatatatatat! 'Yung armalight ni mama gumagana na naman. Huhu, dapat 'di na pala ako nagbiro.

"'Hindi bagay sa‘yo magdrama beshy. ‘Di ka mukhang artista, hahaha," isa din 'tong si Marvie. Sige lang pagkaisahan niyo lang ako.

"By the way tita ganda, gusto ko po sanang ipaalam na doon muna matutulog si beshy sa'min. You know, overnight para sa project, deadline kasi namin agad agad tom," pag-eexplain ni Marv. Yes, tita ganda tawag niya kay mama at ganiyan talaga siya kumausap sa mama ko na parang tropa lang. Mas close pa nga niya si mama kaysa sa akin eh.

Pumayag naman si mama kaya ayon umalis na kami agad dahil mahirap na, baka kasi magbago pa isip no'n. May pagka-saltik din kasi si mama kung minsan kasi biglang nagbabago desisyon niya. Joke lang sympre.

PAGPASOK palang namin sa bahay na tinitirhan ni Marvie dito sa maynila ay napanganga ako dahil sa ganda ng mansyon. Iba rin iyong mansyon nila sa probinsya. Okay, sila na ang mayaman.

"Ang ganda naman ng bahay niyo." Komento ko. She chuckled. Okay, ano namang nakakatawa sa sinabi ko?

"Naaahh! Its not mine, bahay ito ng pinsan ko." Sagot niya kaya napa 'AH' at tango nalang a--wait! Cousins house? Sino? Ang dalawang Fuentes ba? Sa kanila ba itong bahay?

"Tama ka ng iniisip beshy," saad niya at napatawa ulit. Okay again, how did she know what I'm thinking of right now?

"Naah! Di ako mind reader, obvious naman sa expression ng mukha mo" Eh? Ganoon ba ka obvious sa mukha ko? As-in ganoon ba talaga KA-OBVIOUS?

Our Messy Hearts ✔Where stories live. Discover now