Prologue: Silver eyes

347K 5.8K 611
                                    

"But why do you want to be a priest, Javie?"

I just couldn't understand Javier Consunji. He wanted to be a priest. Why? I remember what Papa told me just last night - sabi niya ang pamilyang pinanggalingan ko ay magnate sa business world. Kailangan lahat sa pamilya ay may alam sa kung anong ginagawa namin - and that's why he wanted to train me to be his next little CEO. Wala kasi akong kapatid na lalaki or babae. I'm the only child of my loving parents Julian Dela Monte and Laide Consunji. They wanted another child but Mama got sick - so sick that they had to take her ovaries out.

Papa calls me his little CEO. Sometimes he calls me YAN. That makes me happy, iyon kasi ang pet name ko. I'm a certified Papa's girl pero mama's girl din ako. Ang hirap ng only child kasi palaging ako ang nakikita.

"Javier!" Sinuntok ko siya sa balikat. We were still at my high school that moment. Pumunta si Javier sa akin para sabihin sa akin na gusto niyang maging pari. I made a face. Kung magpapari siya, sino na lang ang magtatanggol sa akin? Wala akong kapatid and Javier is the closest thing I have as a brother.

"It's because I wanna serve God, G. I want to dedicate my life to Him." Tumingin siya sa akin. "You should do the same."

Napahawak ako sa dibdib ko. Ako? I can't believe Javier thinks that I should dedicate my life to God. Wala naming problema doon kaya lang, hindi ko makita ang sarili ko bilang isang madre!

Ang landi ko kaya!

I'm sixteen and I have so many crushes. Nangangarap pa nga ako ng first real kiss ko!

Napasimangot ako nang maalala ko ang almost - first kiss ko. Kung hindi lang dumating si Kuya Hermes sa lugar kung saan sana ako hahalikan ni Austin - our lips were almost brushing tapos bigla na lang niyang sinapak, tinulak at sumadlak sa lupa ang aking almost - first kiss - sana may first kiss na ako!

I sighed. Isa ang mga bagay na iyon sa disadvantage ng pagkakaroon ng maraming pinsang lalaki na mga pakialamero naman! I rolled my eyes. Naalala ko din noong huling beses na may manligaw sa akin sa school, pinuntahan naman iyon ni Ares - Hermes' brother - para takutin. Akala ko dahil graduate na sila at wala na sila sa school ko ay safe na ako but then - I rolled my eyes again.

"Pero, Javier! Sigurado ka na ba? Nasabi mo na ba kay Uncle Adam ito? What did he say?" Umiling si Javier sa akin at saka nagbuntong - hininga.

"I'll be his disaapointment, G." Sabi niya pa sa akin. "Si Gab ang susunod sa yapak niya, si Casiel, mukhang interesado din sa business pero ako, I wanna be with God." Muling wika niya. Naiisip ko na baka naman phase lang itong pinagdadaanan niya. Siguro ay nalilito lang siya - pwede kong igaya ito sa kaibigan kong si Prince na kapag kaming dalawa lang ay Princess na ang pangalan niya. Mayve Javier is just confused.

Hindi rin naman siya nagtagal, maya-maya ay nagpaalam na rin siya at naiwan ako doon sa swing kung saan ako nakaupo. Sabi ni Mama ay susunduin niya ako. We're gonna have dinner - mom and daughter bonding. Madalas sabihin sa akin ni Mama na ako daw ang babaeng version ni Papa. Mula pilik-mata hanggang dulo ng daliri ay namana ko kay Papa. She was always smiling so wide every damn time she's saying that to me.

Habang nakaupo ako sa may swing ay natanaw ko ang mga kaklase ko. They were walking towards me. Nakangiti silang lahat.

"G!"

I prefer people calling me G. Masyado kasing mahaba ang Gianna. I waved at them.

"Nakita naman si Poseidon!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ng aking number one crush. Tumayo ako. Thank God wala na si Javier!

"Oh my god! Nasaan siya?!" Kinikilig agad ako. Poseidon Vejar is my crush - hinsi ko na nga lang yata siya crush kundi love crush!

Hard na hard ang pagiging dead ko sa kanya! I stalk him! I just don't like him! I'm obsessed with him! He's just so fucking hot!

Parang may pakpak na sumama ako sa mga kaibigan ko at nagpunta kami sa basketball court kung nasaan si Poseidon Vejar. He's there but he's not playing, may kausap lang siya. I sighed dreamily, pansinin lang talaga ako ni Poseidon at pwede na akong mamatay kahit na virgin pa ako?!

"Oh my god! He's like so perfect! Did you see that blue eyes?!" Kilig na kilig na wika ko. Matagal ko siyang tinitigan, hindi ko na nga namalayan ang oras. Narinig ko na lang ang phone ko na nag-ring. Sinagot ko iyon - it was my mo and she told me to meet her at the parking lot. Nagmadali naman ako.

Malapad ang ngiti ko habang naglalakad ako papunta kay Mama but as I walk the deserted corridors of my high school, bigla na lang may humatak sa akin at ibinalya ako sa pader. My eyes widened. Napapikit pa ako at nang magmulat ako ng mga mata ay sumalubong sa akin ang mga matang iyon.

In front of me was a pair of silver eyes. Those eyes were intently looking at me.

"You like Popoy?" He hissed.

Kumunot ang noo ko. The eyes belong to Zeus Alejandro Vejar - Poseidon's brother.

"Bitiwan mo ako! Sisigaw ako ng ra----"

Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako. Nanlaki ang mga mata ko. His lips were really brushing on mine. I just stood there, letting him. I felt tears running down my cheeks.

My first real kiss was stolen by a man I barely knew.

With all the strength that I have, I pushed him away.

"You fucking asshole! I hate you!"

I run away.

I was born to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon