Chapter 15 ( The Untold Secret)

Start from the beginning
                                    

"Yuri let's go, our class is starting in a minute." Aeron said seriously habang nakatingin kina Sky. Seriously, ako ba talaga kinakausap niya? -_- =====>> O.O maguumpisa na daw ang klase?? Shoot... ilang oras ba akong walang malay? Tapos na agad ang practice time ng mga player?!

Dali dali akong tumayo at nagpaalam sa kanilang lima. "Uhmm aalis na ako.. may klase pa kasi ako ngayon eh. Salamat sa tulong tsaka sorry sa abala ^^" Hinigit ko na si Aeron paalis, pakiramdam ko kasi pag nagtagal pa si Aeron doon ay may hindi magandang mangyayari. Ano ba kasing nakain nito at ganito itong makatingin kina Sky >_< Magkakilala ba sila.. I mean yong may pinaagsamahan hindi yong magkakilala lang sa pangalan.

Huminto ako sa paghila kay Aeron sa tapat ng butterfly garden at hinarap ito.

"Bakit ganon ka makatingin kina Sky tska anong ginagawa mo don?" Nagtataka kong tanong dito.

"Hinahanap kasi kita kanina matapos kong magpractice ng laro ko, iniisip ko kasi na baka naiiinip ka dahil wala kang kasama. Nakita kita sa room 6 kaso busy ka sa pakikipag-usap kina Sky, aalis na sana ako kaso napansin naman ako ni Sky." Mahabang paliwanag nito.

Hay buti naman.. akala ko narinig din niya ang usapan nina Sky. Naalala ko kanina ang reaksyon nito kaninang kaharap sina Sky, noon ko lang siya nakitang ganon. Ibang iba ang aura nito na parang may kinikimkim na galit.

"Uhmm Aeron yong kanina.. bakit ganon ka na lang makatingin kina Sky?" Pagkasabi ko noon ay bigla na namang naging seryuso ang mukha nito. May mali ba sa sinabi ko???

Huminga ito ng malalim at sumandal sa isang poste na katabi lang nito. Ipinamulsa nito ang dalawa nitong kamay at tumingin sa maulap na kalangitan. Pakiramdam ko tuloy may mali sa sinabi ko. Dapat siguro hindi na lang ako nagtanong. Aeron seems to be a different person when he's serious.

"Kaya mo bang kalimutan ang masasakit mong nakaraan. When I meet you I understand why I'm still keep on leaving." Aeron said. Nagsasalita ito na parang kausap ang kawalan.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko dito.

Tumingin ito sa akin. "Someday you will understand why I'm acting like this." Tumayo na ito ng tuwid at ngumiti sa akin na parang walang nangyari. "Let's go."

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang dito papunta sa aming class room. Nagugulohan parin ako sa sinabi nito, hindi ko alam kong ano ang tintukoy nito. >_< pansin ko kanina pa ako parang engot dito na walang alam sa sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin. Tulad na lang ng bloodline na yon at... at yong s-sa first love ni Tyller. Haisstt para akong taga ibang planeta eh.

*Tyller's House

Nasa may sala ako ngayon habang kakulitan si Samantha. Actually iniintay lang namin I mean ni Samantha si Tyller, sinamahan ko lang si Sam. Sus baka gusto mo lang siya makita, sabi ng kabilang bahagi ng isip ko. Hindi no , tanggi ng isip ko. -_- para akong baliw dito. >_< Kanina ko pa hindi nakikita si Tyller sa school simula nang iligtas niya ako.

"Ate Yuri bakit nanahimik kana dyan?" pukaw ni Sam sakin. Ikaw kai Yuri eh kung ano-ano iniisip mo >_<

"^_^ Wala may naiisip lang ako." Nakangiti kong tiningnan ito habang hinimas ang ulo nito.

"Haisstt ang tagal naman ni Kuya Tyy " she pouted habang nakacross arms. Ang cuuutte ^^ .. pag ako nagkaanak gusto ko ganito din kacute ang magiging anak ko. Pero sinong ama?? s-si ....... waaahh abkit ko ba iniisip si Tyller. Nababaliw na yata ako, epekto ba to ng paginom ni Tyller ng dugo ko >_<

"Baka may pinuntahan lang, maaga pa naman eh." Pag-aalo ko dito. Nasan na kasi ang Tyller nayon. Mag 8 na ng gabi wala pa >_< Libangin ko na lang muna ito. "Sam ano ba yong bloodline? "

O_O ===> ^_^ "Sabi ko na nga ba bloodline kayo ni kuya eh." Ngiting ngiti ito sa akin. "Bloodline is an infinite connection between vampires and human."

Ano daw? An infinite connection between vampire and human? P-pero bakit? I mean bakit ako?

"I guess you can't understand me. I'll explain it to you ate Yuri." Samantha said. Nag umpisa na itong magsalita....

Matapos nitong magpaliwanag ay nanatili pa rin akong tahimik. Wala akong masabi.. bakit ginawa ako ni Tyller na bloodline niya? Oo pumayag ako sa kondisyon niya dati pero hindi niya naman sinabi ang tungkol dito sa bloodline.

"Ate Yuri gusto mo bang maging vampire?" Samantha said out of the blue. Nagulat ako sa sinabi nito. Kahit kelan hindi ko naisip ang tungkol sa bagay nayon. Bakit naman natanong ni Sam ang tungkol don?

"Ah ehhh bakit mo natanong Sam ^^?"

"Cause I can make you a vampire rawwrrr." Nagbibiro nito akong sinunggaban. She giggle cutely. "But serious ate Yuri, you can be one of us. You can live forever with kuya Tyller."

Huh.. forever? With Tyller? Bakit naman niya nasabi ito. Naalala ko bigla ang usapan nina Sky. Bakit niya ako gagawing bloodline niya kong may mahal naman pala siyang iba.. si Stella.. I let out a deep sigh.. ano bang tingin sa akin ni Tyller.. oh I remember.. I'm his Prey. Magiging bloodline lang ba ako ni Tyller forever.

But what if I become a vampire???

* * * * * * * * * *

End of Chapter 15

* * * * * * * * * **

Waaahhh si Yuri? Pano nga kaya kong maging vampire din si Yuri. 1

My Vampire BossWhere stories live. Discover now