Revelation

4.7K 128 4
                                    

Lumulutang ang pakiramdam ni Mirah ngunit dinig na dinig nya ang mabining boses ni Rafael na nag sabi mahal sya nito. Tuwa ang kaniyang naramdaman at hinayaan nya na lang na tuluyan sya lumutang at naramdaman nya ang pagpangko ng binata sa kaniya pagkatapos noon ay wala na siyang natandaan.

Nagising sya sa isang kwarto na may mga bulaklak sa paligid. Tila isa itong kubo or Nipa Hut. Napakarami nito sa beach resort na kanilang pinasyalan. Nakita nya si Rafael na nakaupo at nakayuko sa tabi ng kniyang hinihigaan. Hinawakan nya ang ulo nito at hinaplos ang buhok. Isa lang ang kniyang na kumpirma mahal na niya ang binata. Tila kahit parang ayaw nyang tangapin sa isip ngunit hindi matuturuan ang puso.

" R-Rafael " anas nya.

" Mirah.. S- Salamat at gising ka na lubos mo akong pinag alala. Takot ka pala sa dugo " my ngiti si Rafael

" Oo pasensya na ." nahihiyang sambit ng dalaga.

Sinubukan ni Mirah umupo mula sa pagkakahiga nito at buong paga alala naman si Rafael na tumulong sa dalaga. Buong ingat nitong tinulungang umupo at nilagyan ng unan ang kanyang likod upang.makaupo ng maayus. Wala na ang kaniyang pagkahilo. Bata pa sya ay.may trauma na sya kapag nakakita ng maraming dugo sa hindi nya malaman dahilan.

" O-Okey ka na ba ? Gusto mo ng tubig ? " sunud sunod na tanong ng binata.

" Salamat. ayus na ako. . salamat sa pag alala "

" Mabuti naman kung ganoon "

" Ahm konsi may itatanung sana ako sayo ?

" May sinabi ka ba kanina ?"

" Ahm sinabi ?? " namumulang umiiwas ng paningin ang binata sa kaniya.

" Ah.. akala ko.lang siguro na sinabi mo mahal mo ako "

" Ha? Ah eh.. " halos magkanda utal utal si Rafael. Opo bagama't napaka gwapo at isang mahusay na konsehal na barangay ay isa rin po syang torpe binata.

Hay, naku, sa isip ng dalaga, ang hirap magpakadalagang pilipina alanganin naman sya pa ang maunang magsalita. Ngunit sigurado ba sya na narinig nya ang pag amin ni Rafael o sadyang guni guni lamang nya ito ?.

Aminin man nya o hindi, Isang katotohanan ang kaniyang nalaman mahal nya si Rafael. ngunit ang katanungan mahal ba sya nito ???

" Mirah.. " yugyog ng binata na kanina pa pala sya kinakausap ngunit hindi nya napansin dahil sa seryoso niyang pagiisip.

Ngunit hindi nya inaasahan ang ginawa ng binata. Bigla nitong hinawakan ang kaniyang isang kamay at ang isa naman nito ay biglang kinabig sa kaniyang baywang at maingat na nilapat ng binata ang kaniyang labi sa lubos na nagulat na dalaga. Tila nauupos sa tuwa si Mirah at sabay may tila kiliting dulot ang pagbulong ng binata sa kaniyang tenga.

" Oo Ms. Masungit Mahal kita"

" huh? masungit??? " Naitulak nya ang binata sa biglang nyang inis.

" Hoy Konsehal Rafael ! Hindi ako.masungit !! naiiling ang binata sabay kindat sa kaniya

" binibiro lang kita Mahal ko.. I really love you "

Labis ang tuwa ng dalaga sa narinig tila lumulutang na naman ang kaniyang.pakiramdam. Niyakap nya ito sa sobrang tuwa na ikinagulat din naman ng binata.

Natapos ang kanilang outing na nagka rebelasyon ng kanilang damdamin sa isat isa.

SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon