TORPE ?

5.4K 149 9
                                    

Makalipas ng isang linggo naka recover na rin ang mga magkakaibigan sa trauma na kanilang naranasan. Si kapitan Omay naman ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital, medyo malubha ang sugat na natamo ng butihing public servant. Sa kadahilang bakasyon pa, nagkaroon ng isang paligsahan ng pag awit sa kanilang lugar na binigyan nila ng tema katulad ng The Voice, nag-imbita sila ng mga kilalang artista sa kanilang bayan at hinilingan na mag judge. Si shairalyn isa sa mga kabarkada nila Mirah ay sumali sa timpalak dahil sa napakagandang boses nito. Inawit nito ang Ikaw ni Regine Velasquez. At hindi naman sila nabigo dahil nakuha nito ang Grand Prize. Hindi magkamayaw ang mga magkakaibigan sa sobrang kasiyahan kaya't naisipan nila ang pag punta sa beach upang mag outing. Napagkasunduan nila na pumunta sa pinakamalapit na beach resort ito ay sa Tarnate

Hindi papahuli na hindi makasama ang binatang konsehal. Alas sinko ng umaga sila bumiyahe makalipas ng dalawang oras ay nakarating na sila sa beach, dahil sa summer nakaparami tao ang naliligo at nagpapalipas ng init ng panahon

Walang inaksaya oras ang magkakaibigan para maglangoy at magsaya sa dagat. si Mirah naman ay hindi marunong lumangoy kaya nagkasya na sya sa buhanginan at manuod sa kaniyang mga kaibigan na nagkakasiyahan sa paglangoy. Naglalaro ang mga ito ng volleyball. Naisipan na lang ni Mirah mangolekta ng shell dahil sa matagal na sya nagkokolekta nito mula ng sya ay nasa elementarya pa. Naglakad lakad sa dalampasigan ang dalaga at nakayukong naghahanap ng nga bato at shells hindi nya namalayan na sinundan pala sya ni Rafael.

" Matagal ka na ba nangongolekta nyan ? tanong ng binata.

" ( Nagulat) Ay! andyan ka pala... Oo matagal na maliit pa aq ilang box na nga ang nakolekta ko" nauutal na sambit ni Mirah.

Napalayo na pala sya sa lugar ng kaniyang mga kaibigan at hindi nya malaman ang kaniyang nararamdaman kaba kapag malapit sa kaniya ang binatang konsehal na noon naman ay nakatitig sa kaniya at nakangiti na nakalabas ang dalawang biloy sa kaniyang pisngi. Nag blush tuloy ang dalaga sa pagkahiya sa binata.

" Ahm.. Mirah.. " bulong ng binata

" Hmm.. ?? Anu yun ? " tanong nya .

Napansin ni Mirah ang tila hindi mapakali binata, nandoon ang.pagkamot sa ulo nito at tila atubiling magsalita.

" Gusto ko sana.... " umpisa nito

" Anu nga ? " Naisip ni Mirah na tila nahihiya ang binata sa pagsasalita kaya muli nya tinitigan ito at nginitian nga pagkatamis tamis para hindi matakot sa kaniya.

Nasa ganoon silang sitwasyon na biglang may isang lalaking lasing ang humawak sa dalaga na ikanagulat ng dalawa. Sa bilis ng pangyayari. Nahawakan ng lasing si Mirah sa dalawang kamay at pilit na niyayakap, langong lango sa kalasingan ito. Si Rafael naman ay tila nabigla rin kaya hinatak nya si Mirah at niyakap ito na itinulak ang lasing na lalaki palayo sa dalaga. Ngunit ay lalaki ay nagpumilit na lapitan si Mirah.

" B-Baket ka ba nakikielam girlfriend q yan " anas ng lasing

" Pre hindi mo GIrlfriend to. umalis ka na .. "

" Mirah dito ka lang sa likod ko " buong boses sabi ni Rafael sa dalaga. Natakot si Mirah ng makita dinaluhong ng lasing si Rafael ngunit hindi naman nagpabaya ang binata nakaiwas ito at natumba ang lalaki at tila tuluyan na nakatulog sa buhangin sa sobrang kalasingan.

" Tsk.. iinum hindi naman pala kaya.. " usal ng konsehal.

" Okey ka lang ba ? "alalang nagtanong binata sa dalaga.

Nag tango lang si Mirah. Inaamin nya natakot sya sa lasing ngunit mas higit sya natakot kung may masamang nangyari sa binata. Tila alam nya na ang tunay nyang nararamdaman sa binatang konseh na ito. In-Love na sya sa binatang konsehal. Napaurong si Mirah habang nag sink in sa kanya ang rebelasyong ito sa kaniyang isip. Sa pag urong nya hindi nya napansin ang nagkalat na basag na bote na hawak ng lasing na lalaki kanina. natapakan nito ng dalaga.

" Aray.. " napaiyak ang dalaga at nakita nya ang dugo sa kaniyang paa. Mukhang malalim ang sugat dahil sa dami ng dugo.

" D-dugo ?? namutla ang dalaga at tila nauupos itong bumagsak. Ang nagulat na binata naman ay mabilis na sumalo sa dalaga.Ngunit bago mawalan ng ulirat ay narinig nya ang sigaw nito.

" Mirah.. m-mahal kita.. "


SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon