VICTORY PARTY

6K 171 6
                                    

Marami ang umattend ng victory party ng Team Sixer, ang buong team, mga kapitbahay, at mga tagahanga ng grupo. Habang kumakain sila Mirah ay nilapitan sila ng magulang ni Rafael

" Hija, tikman mo itong halaya niluto ko " alok ni Mrs. Toledo

Biglang humirit ang tatay ni Rafael.

" 'Nak napakaganda naman pala talaga nitong si Mirah"

" Pa!! " namumulang saway ni Rafael sa ama.

" Pasensya na ha, maloko talaga itong papa ko. Sige Kain lang kayo ng kain dyn.

Hindi magkamayaw sa tukso ang magkakaibigan kay Mirah na nanahimik lang upang hindi na lalong humaba ang tuksuhan, kilala nya ng mabuti ang mga kaibigan nya, lalong dine deny lalong ipipilit nila ang panunukso.

Habang nagkakasiyahan ang mga magkakabarkada dumating ang kanilang Barangay Captain. Si Kapitan Omay kung tawagin nila. Isang dedikado, mahusay at higit sa lahat ang matapat na kapitan ng kanilang barangay. Simple lang sya, may kapayatan ito ngunit maaliwas ang mukha nito lalong kung nakangiti at nakikita ang magkabilang biloy sa pisngi. Madali rin malapitan lalo't kayang gawin. Kung mahal sya ng karamihan meron ding mga masasamang elemento ang galit sa kaniya lalo na ang mga drug dealers sa kanilang lugar. Marami na syang natangap n death threats kaya ang kaniyang mga mahal sa buhay nagkakaroon ng pangamba lagi para sa kaligtasan ng kaniyang buhay.

Tumagal pa ang party hangang alas diyes ng gabi. Nagpaalam na ang magkakaibigan na sila Shaira. Nang marinig itong ng kapitan sila ay inaya ng sumabay. Si Rafael naman ay nagpaalam sa magulang na ihatid ang mga dalaga at mag t text na lang para sunduin sya ng kaniyang kapatid. Sabay sabay na silang umalis at sumakay sa owner type jeep ng kapitan. Tahimik sila habang bumabagtas sa medyo madilim na bahagi na kanilang dinadaan habang pasulyap sulyap na ngiti ang binibigay ni Rafael kay Mirah. Hindi malaman ni Mirah ang gagawin dahil hindi malaman kung nagagalit sya o nahihiya sa ginagawa ng binata.

Sa hindi inaasahang pangyayari. Bigla may isang itim na sasakyan ang humarang sa kanila at bumaba ang apat na lalaki na may mga hawak na mahahabang armas.

" Baba!!!" sigaw ng mga ito.

Nanginig sa takot si Mirah. habang ang kaniyang mga kaibigan ay napaiyak sa takot. Si Rafael naman ay dahan dahan lumapit sa kaniya at binulungan ang dalaga

" Mirah.. Andito ako hwag na hwag kang bibitaw sa kin kahit anung mangyari.. "

Isa isa silang bumaba nauna na si kapitan kasunod ang barangay tanod na kasama nito nahuli sa pagbaba ang mga kabataan.

SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon