SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGIT

11.6K 216 12
                                    

" Ano ka ba Shaira!!! Nagpapatawa ka ba?"

" Aminin na kasi cute si konsi Rafael " tudyo ni Carla

" Oo na, cute na...conceited naman "

" Ha!ha!ha! inamin din uyyy!!!" sabay tawa ng magkakaibigan.

Naiiling at natatawa si Mirah, actually higit pa sa cute ag tinutukoy nilang si Rafael Toledo, ang 25 years old na bagong halal na konsehal sa kanilang barangay, my kataasan itong 5"8' inches, moreno ang kulay. Matagal nya nang crush ito nung una pala nyang nakilala ito ngunit dahil sa isang insidente na sya ay mag volunteer worker sa isang activity sa kanilang barangay. Nagtalo sila sa pagsisimula ng event. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasiraan ng sasakyan ang pangunahing speaker kaya ito ay mahuhuli sa takdang oras. Gusto ni Konsehal Rafael ay magsimula na sa ibang activity habang hinihintay ang panauhing pangdangal, naiinip na kase ang mga taong dumalo dahil sa matagal na pagsisimula. Nagkasagutan sila nito ngunit sa huli ay nag sorry naman sa kaniya ang binata.

Ngayon ay may paliga sa kanilang barangay kung saan naglalaro sa Team Sixers sila Rafael.

" Go! Sixers!Go! konsi !!!" sigaw nila shaira at ni Carla, itong dalawang ito ang pinakamatalik nyang kaibigan sa kanilang barkadahan na binubuo ng ilang kababaihan na sila Keren, Keylee at si Armi

Lamang ng dalawang puntos ang kalaban, nag time out ang kanilang coach, nagsisigawaan ang mga tao sa tensyon, nagsimula na ulit ang laban isang minuto na lang ang natitira, mahigpit ang bantay ng kanilang kalaban ngunit hindi nila inaasahan na nag three points shot is Rafael.

Hiyawan at nagtalunan ang mga tao sa sobrang tuwa, napakaganda kase ang naging labanan. sa huli ang SIXERS pa rin ang nanalo. Marami ang lumapit kay Rafael upang bumati, gusto nya sanang lapitan ang binata ngunit may nakita syang isang babaeng nakasuot na napakaikling shorts na bumati kay Konsehal Rafael at halata nya dito ang pagiging flirt.

" Hmp !flirt!!" usal ni Mirah sa sarili.

" Inggit ka lang dyan, di ka makalapit" tukso ng kaniyang mga kaibigan.

" Halika na nga, tayo ng umuwi" yaya nya sa dalawa.

Nagmamadali si Mirah lumakad palabas ng court ngunit hindi nya inaasahan na hinabol pala sya ng binata, hinawakan nito ang kaniyang kamay.

" Ano ba?" asik ni Mirah. Binitawan ng binata ang pagkakahawak sa dalaga.

" Ahm, gusto lang sana namin kayong imbitahin sa victory party sa bahay mamaya."

" Ay oo konsi sama kami dyan! di ba Mirah sige konsi punta kami mamaya"

Tatanggi sana si Mirah ngunit naunahan sya ng dalawa. at nagpaalam na ang binata sa kanila.

" Kayo talaga basta FF mabilis!!!"

" Anung FF??"

" Ano pa eh di Free Food"

Nagkatawan ang mga magkakaibigan.

SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon