Thirty Nine

15.1K 327 38
                                    

I filed an emergency leave the week after that Friday night and cited that I will be continuing this with my filed and approved leave for the Christmas season. Isang linggo na rin lang naman ang ipapasok ko. I know I have a slick chance of getting it approved, but I don't care.

After that party, I felt empty. I don't have the energy to do anything except when it comes to Clyde.

I've received a lot of messages from Aldrin and the bunch, but I chose to ignore it. Si Mitch lang ang madalas na kausap ko. Oh boy, did we cry the morning after that night. Mukha kaming tangang nag-iiyakan sa video chat. Sorry siya nang sorry, na sana raw kasama ko siya at madadamayan niya ako, but I reminded her that what she's doing is enough.

I lost track of everything after that. Nakalimutan ko na kung anong araw basta alam ko bumabangon na lang ako para sa anak ko, hindi na para sa aming dalawa. Lagi ngang sinasabi ni Mitch na buti na lang may Clyde kami, kundi baka kung anu-ano nang ginagawa ko.

"Naynay, matagal po ba tayo dun sa house ng Lola ni Taytay Sam?" tanong ni Clyde kaya nagulantang ako sa malalim kong pag-iisip.

Tiningala ko siya pagkatapos ko ibutones ang polo niya. "Hindi ko alam, anak eh."

Dapat, next week pa kami pupunta roon, sa 24 mismo. Pero kahapon ng umaga, sinabi ni Sam na pinapatawag daw kami roon sa ancestral house nila.

"Naynay, matagal pa po ba tayo rito? Kailan po ba tayo uuwi kila Taytay Gio?"

I gulped and tried to steady my sudden irregular breathing. "D-diba sabi niya sa letter niya sa'yo kapag kaya mo nang intindihin lahat baka pwede na kayong magkita?" I croaked.

Clyde looked confused but didn't follow up, which helped me relax a bit. His silence though, was quite defeaning. Hindi na kasi siya muling umimik pa hanggang sa nakaalis kami.

Sam kept barking orders when we were on our way to their ancestral house. Hindi ko alam pero mukhang kinakabahan siya na ewan. We've met his parents and his only surviving grandparent many times before, but this time his apprehension is over the roof.

Paulit-ulit niyang sinasabihan si Clyde na maglambing sa Lola niya. Kinunutan ko siya ng noo, at bakit naman kailangang gawin 'yon ng anak ko? Alam kong pansin niya ang sama ng titig ko pero mas pinili niyang manahimik.

Dumating kami at agad na inabisuhan ng yayang nag-aabang sa main door na dumiretso na kami sa kusina dahil naghihintay na raw doon ang lahat.

Suddenly, things felt serious.

Everyone turned their heads when we arrived. Akala ko kasama namin buong pamilya niya, pero ang nadatnan lang namin ay ang dalawa niyang kapatid, daddy niya, mommy niya, at ang Lola niya.

"Maupo na kayo." Agad na utos sa amin ng matanda.

Nagmano muna si Clyde sa lahat bago kami naupo.

The tension in the air was thick. It was eerie quiet, and I think everyone is waiting for the old woman to again speak.

"Samuel, ano nanaman itong katarantaduhan na ginagawa mo?" sambit ng matanda. Her eyes fixed at his eldest grandson; it was so deadly that even I have to look away.

"Ma –" pero hindi niya pinatapos ang sasabihin ng daddy ni Sam. She raised her hand signaling him to stop.

"Ganito ka ba pinalaki ng magulang mo? Na pipiliin mong manira ng masayang pamilya dahil sa kasakiman mo?" pagpapatuloy ng Lola niya na hindi pinuputol ang titig kay Sam.

"La, h-hindi ko po –"

"Wag kang mag-maang-maangan! Alam ko na ang lahat." Saka niya iginawi sa amin ni Clyde ang tingin niya. Kung ano man ang susunod na sasabihin niya, gusto kong protektahan doon ang anak ko. Because I know it's going to get ugly.

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now