Love is blind daw kuno but for me its not. Alam natin kung ano ang mali at kung ano man ang naroon sa taong minahal natin its just that isinasawalang bahala lang natin yun kasi ang importante eh kasama natin sila. At totoo tayo sa ating nararamdaman.

Jesse Lei

"Goodbye and thank you ma'am Jess" paalam ng mga istudyante ko sakin at nagsilabasan na ang mga ito. Grabeng araw ngayon at parang sinapian ng pagkahyper ang mga estudyante..

Isa nakong licensed teacher ngayon. English teacher ng grade 5, ganitong level ko napiling magturo para naman ako ang pinakamatangkad. Baka kasi pagnasa higher level nako mapagkamalan akong estudyante.

Ilang beses ng nangyari sakin yan lalo na nung hindi ako nakapag uniform.

Napaupo muna ako sa desk at tinapos muna ang gagawin ko. Nasa kalagitnaan ako sa pagchecheck ng papars nang may email na dumating sakin.

Isang Alumni na gaganapin sa susunod na buwan. Ang batch ko. Hala!!! Napangiti ako sa nabasa.

Gaganapin ito sa Royal Hotel, February 20 2011, at exactly 7pm..

Agad akong nag online at ni screenshot ko at pinost. Marami agad nagreact at halos dun eh yung kaklasi ko nung 4th year highschool. Yung iba naman ay yung mga kabatch ko lang.

Natatawa ako sa nababasang comments ng mga kakalasi ko dati hanggang sa naging topic na nila si Romouldez, napailing ako. Talagang may di pa nakaka move on sakanya huh?

Well di na nakakapagtaka yun. Isa kasi syang sikat na model nung nag college how did I know? Paskil lang naman sa mga billboard mukha nya at lagi syang kinukuha sa mga Ads kaya genon.

Ewan ko kung ano na nangyari sakanya. Basta last update ko sakanya eh ikakasal na sya sa long time girlfriend nyang si Gretchen. Well, good for them.

Matapos ko ang trabaho koy dumeretso na ako ng uwi. Pagod na pagod akong nahiga sa kama at inaantok na talaga. I really really want to sleep.

      .....

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko at tamad kong kinuha yun at binasa ang message.

Its from kuya Romar's mother. Pinapapunta daw ako para mabigyan ako ng invitation card para sa kasal nito.

Ikakasal narin ang gwapong yun ako nalang yata ang single sa mga kaibigan ko. Tamad akong naghubad ng damit at pumuntang banyo. Balak kong pumunta ngayon kela kuya Romar kasi sabado naman.

Pagkatapos kong maligo at magbihis agad nakong umalis ng bahay.

Pagkarating ko sa bahay nila kuya Romar sobrang daming tao ang naroon. Gaganapin na kasi bukas ang kasal at sa isang malaking simbahan yun idadaos at ang reception ay sa isang sikat na hotel.

Agad akong lumapit sa mama ni kuya Romar ni si nanay Mars at nakipag beso dito. Pinapasok naman nya ko sa loob kung nasan ang ikakasal. Nadatnan ko ang dalawa na masayang naguusap at nakatingin sa mga bisita..

Nang makita ako ni Kuya Romar eh nginitian nya ako kaya naman lumpit ako sa dalawa. Nakibeso muna ako kay ate Mitch at nakipag shake hands kay kuya.

I muttered congratulations to them and they mouthed thank you. Ang saya saya ng dalawa and they look so inlove to each other.. Marami mang pagsubok but still, they made it this far.

Matapos kong nakuha ang invitation card eh agad nakong nagpaalam. My ged! Kailangan ko pang maghanap ng susuotin bukas sa wedding and ang regalo pa tapos magpapasalon pako!

Ano bayan! Masyado na kasi akong busy kaya ngayon lang ako nagkaroon  ng oras para dito. Kailangang presentable ako bukas kasi siguradong may mga press kasi naman sikat kayang tao si kuya Romar!

Deretso agad akong mall at naghanap ng white dress na pang kasal at mga decoration pa sa buhok. Pagkatapos ko dun eh pumunta nako sa mga utensils.

Pag bagong kasal mas mainam kung ireregalo sakanila ay pang gamit sa kusina pero dahil mahilig si Ate Mitch sa mga bulaklak.

Naisipan kong bumili ng mattress na may cross stitch ng isang magandang bulaklak.  It's a rose namay dalawang couple na magkahawak kamay and it's like their facing the world ahead together.

It's fascinating!

Napangiti ako bago bayaran ang lahat ng binili ko.

Palabas na ko ng mall nang biglang tumunog ang phone ko. Pahirapan ko itong hinanap habang patuloy sa paglalakad. Hindi ako nakatingin sa daan kaya naman me nakabangga ako.

Sabog lahat ng hawak ko pati bag ko. Kaya naman agaran ko yung pinulot at ang kinainisan ko lang eh natatapakan na nung nakabangga ko ang phone ko kaya tiningala ko kung sino yun.

Sumalubong sakin ang isang malamig na tingin ng lalaki. Walang kaemo emosyon nya akong tinignan. May suot syang jacket na may hood. May suot na sumbrero at naka mask.

Binalingan ko uli ng tingin ang paa nyang nakaapak sa phone ko at tinapik iyon. Inatras naman nya paa nya kaya nakuha ko na ang phone ko at umalis na walang lingong likod.
  

       ;::;::;::;::;::;::;;::;::;::;::;::;::;

Taking AdvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon