Jesse Lei

"Ano ba! Tumigil ka nga!" Naiinis kong bulyaw kay Romouldez. Kanina ko pa kasi nilalagyan ng foundation ang mukha ko at ang walang hiya binubura nya yun!

"Ano ba?!" Tinapik ko na talaga kamay nya.

Career Guidance kasi ngayon at may pageant. Ipepresent lang namin ang section namin at rarampa pa talaga kami sa stage. Kaya nga todo paganda ako para naman maayos ang mukha ko sa litrato. Pero ang hudas di talaga ako pinapatapos.

"Wag ka na nga maglagay nyan, gaya gaya karin eh" sabi nya at hinablot ang foundation na hawak ko at ibinalik nayun sa bag nya. Sakanya naman talaga yun, hiniram ko lang.

Masama ko syang tinignan nang pahiran nya ang mukha ko ng panyo nya. Sinisigurong walang naiwang make up sakin. Ano bang pinaglalaban ng lalaking to?!

"Much better" sabi pa nya at talagang tumango tango pa. Deputik! Tinignan ko ang sarili ko at napasimangot ako ng wala na talagang bakas ng make up mukha ko. Ang haggard ko tignan..

"Ano bayan! Ang pangit pangit ko na nga! Make up nalang pag asa ko para gumanda naman ako binura pa talaga ng isang pakialamero dyan!" Naiinis kong sambit.

"I heard you" sabi nya kaya binalingan ko sya ng masamang tingin.

"Buwisit!" Sigaw ko talaga sa mukha nya at ang mokong tinawanan lang talaga ako?! Nako talaga pigilan nyo ko!

Inayos ko na ang damit ko ng ipatawag na kami ni teacher sa labas dahil magsisimula na daw. Pinagpag ko pa ang sout kong leather yung parang pang business woman na suot kaya lang hindi ako naka skirt.

Yung panglalaking outfit suot ko. Ayaw ko kasing nakikita hita ko eh. Nasa labas na kami nang tumigil muna ang president namin at gusto kaming kunan ng litrato sa volleyball court! Putakte ang init!

Hinintay ko munang maayos ang ang arrangements ng mga kaklasi ko. Nang makita kong tumayo na si Romouldez dun sa tapat koy agad akong tumakbo patungo sa kabilang dulo.

Ayaw kong makatabi sya sa litrato kasi para na talaga akong grade 5 pag sya katabi ko. Tangkad kasi! Ngumiti nako at nakunan na kami ng litrato. Dalawang beses pa bago kami nag proceed patungo sa gym.

Pangiti ngiti pa ako pero laking gulat ko nang katabi ko na si Romouldez. Gago pano to napunta dito.

Nasama nya akong tinignan bago ako bulungan.

"Diba sabi ko dapat tumabi ka sakin?" Sabi nya sa kakaibang tono pero pinaglakihan ko lang sya ng butas sa ilong. Itulak pako ng mga kaklasi kong may gusto sakanya eh talagang sira ang mukha ko sa litrato!

Pagkaupo namin sa mga bleachers dun nako naupo sa ikaapat na baitang ng upuan. Dito kitang kita ko lahat ng mangyayari.  Nginitian ko lahat ng makikita kong kakilala pero napitigil lang ako ng may bumulong sakin.

"Quite smiling you look like a fool" bulong ng hudas sakin.
Kinurot ko naman sya sa tagiliran at talagang nakurot ko ang fats nya. Napadaing naman sya.

Buti nga sakanya!

             .........

Walang guro ngayon kaya naman naisipan ng kinakalawang kong utak na lumabas muna at mag drawing ng kahit ano ano. Tsaka pinapraktis ko talagang magdrawing kasi gusto kong maging pintor.

Kaya lang hanggang stickman lang kaya ko eh. Hay! Nabigla ako nang may naglapag na bondpaper sakin na may drawing na isang puno. At may iisang bunga na nasa gitna parang mangga.

Nilingon ko si Romouldez na may malaking ngiti. Anong trip ng hudas nato?

Ipinapamukha nya ba saking mas magaling syang magdrawing ng puno kesa sakin?

"Oo na! Ikaw ng marunong magdrawing! Ako na hindi" sabi ko.

"Tsk slow!" Rinig kong bulong nya aba ang gago! Sinabihan pako ng slow?!

Napatigil kami sa ginagawa nang may biglang yumakap sakanya. Isang maganda at maputing babae. Nakapang uniform pa ng pang college. Sino to?

"How's my baby's doing hmm?" Malambing na bulong ng babae bago kantalan ng halik si Romouldez. Could it be?

"Hi, your Romeo's friend right? I'm Gretchen his girlfriend" pakilala nung babae at medyo may diin yung pagkakasabi nya ng girlfriend bago ako tingnan ng kakaiba.

"Stop it Gret don't scare her, she's nothing conpare to you" sabi ni hudas na talagang kinabigla ko. Parang iba sya ngayon ah.

Parang wala lang sya kung makatingin sakin parang ang baba baba ko..

"I don't like her baby. I'm jelous!" Nagtatampong sambit ng babae. Kaya naman inalo sya ni Romouldez. Ang arte arte naman!

"It's okey babe, she's nothing to be jealous of. Look at her she's just a trash" dun na parang nangilid luha ko sa sinabi nya.

Anong kasalanan ko bat nya ako ginaganito. Sobra sobra ng panliliit nya sakin ah.

Tumayo nako at walang imik na iniwan silang dalawa. Sobra sobra akong nasasaktan kasi naulit lang yung noon. Parehong pareho sila. Talaga ngang mga Romouldez ang mga hinayupak! Magkakatulad lang sila ng ugali! Akala mo mabait yun pala pakitang tao lang!.       
   

   

        ;::;::;::;::;::;::;;::;::;::;::;::;::;

Taking AdvantageWhere stories live. Discover now