Jesse Lei

"Pano ba gawin?" Tanong ko kay Limbosa, ang leader namin sa grupo.

Kasalukuyan kasi kaming gumagawa ng isang instrument kuno para sa gagawin naming presentation bukas.

Naitranslate ko na yung song na That's the way it is in tagalog version. Handa na ang ipeperform namin bukas, tong improvised instruments lang talaga ang medyo matagal gawin.

Saktong ako pa talaga tong naatasan dito sa mga maliliit na beads na ipapalibot sa lata, which is talagang nakakasakit sa mata!

"Oy balik na kayo sa chairs nyo, baka may pumasok na guro ngayon at mahuli tayong sobrang busy eh pagalitan tayo. Dun nyo nayan trabahuin sa mesa nyo"
Pagtataboy ni Limbosa samin. Lang ya naman!

Hinakot ko gamit lang ang kamay ko ang mga beads at binitbit sa isang kamay ang lata at ang mga beads na nagawa ko na.

Pagkarating ko sa upuan ko dun ko lang narealize na wala akong mapaglagyan ng beads at talagang hulog to lahat! Hindi ko naman maistorbo si Romouldez dahil may ginagawa rin kaya no choice.

Inilagay ko muna ang lata at ang nagawa ng beads sa lamesa bago dahan dahang nilapag ang maliliit na beads and to my relief. Hindi naman sila nahulog kung hindi lang talaga lumikot ang hudas.

"Hala!" Nasambit ko nalang at hinayaang mahulog ang beads. Taranta kong pinulot yung nagkalat sa sahig at pinasok sa loob ng bulsa ng saya ko. Bobo! Ngayon ko pa naisipan!

Nang makita kong wala ng nasa sahig ay si Romouldez naman hinarap ko. Pinulot ko lahat ng beads na nasa pantalon nya.

At talagang dinukot ko pa yung ibang napunta sa suok.

But then I realized. May mali eh.

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang set up namin.

Sa may zipper ko kinukuha ang mga beads at sa may umbok din na parti ng pantalon nya. At kung titignan.

I AM CARESSING HIS HIDDEN MANHOOD!!!

PUTAKTE!!!

( A;N
sa maniwala kayo o hindi, totoo hong nangyari to! At talagang wala ho talagang ginawa ang talapandas kong kaklasi kundi ang tignan lang ako. Busit nya! Di manlang nya sinabi na ' hoy gaga! Malapit mo nang madukot alaga ko! Layo layo naman!)

Napalunok ako ng ilang beses at dali daling tinanggal ang kamay ko. Walanjo! Nakakahiya!!!

Naupo ako ulit at hinayaan nalang syang pulutin ang naiwang beads at ibigay yun sakin. Minsan talaga di nako nag iisip bago kumilos buti nalang bato tong si Romouldez.

Hindi agad nag iisip ng masama kung sa iba pa yun la na. Pinahiya na ako!

"Salamat" mahinang sabi ko sakanya bago namin ipinagpatuloy ang ginagawa namin. Nasa kalagitnaan nako sa ginagawa ko nang may maramdaman akong hangin sa tainga ko.

"Wag naman masyadong malandi Lumbar, uunahan mo pako eh, don't be such a bitch" bulong ni Darko, isa sa mga kaklasi kong babae na may gusto kay Romouldez. Matapos nyang ibulong yun sakin ay tinawag nya muna si Romouldez at nginitian ito bago ako balingan ng masamang tingin.

Namuo ang luha sa mata ko bago napayuko at nanginginig ang mga kamay na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

          ...........

Matapos ang pangyayaring yun ay di ko na uli pinapansin si Romouldez dahil sa matang nakabantay lagi samin. Maging sa break time, lunch at uwian ay di ako sumabay sakanya. Masakit parin loob ko.

Hanggang ngayong umaga nga kahit na tinitignan nya ako habang nasa garden kami di ko parin sya pinapansin.

Kasalukuyan kasi kaming naghahakot na Lumos para sa garden at kanina na pinahanap kami ng guro ng partner para sa paghahakot ay agad akong kumapit sa ibang kaklase ko nang mahalata kong patungo na sya sakin.

Napatigil sya sa paglalakad nang makita nya ang ginawa ko kaya naman agad syang nakapitan ni Darko na may malaking ngiti pa.

Nag iwas nalang ako ng tingin at naghanap na ng balde.

Matapos ang paghahakot namin sa garden, tumambay muna kami sa canteen at nagpahangin.

Ako namay bumalik sa garden at naupo dun sa ilalim ng mangga. Medyo malakas ang hangin dito dahil nga malapit na kami sa sakahan.

"Bakit moko iniiwasan?" Napaigtad ako nang may magsalita sa tabi ko at syempre si Romouldez yun. Tinignan ko lang sya sandali at binalik ko agad ang tingin ko sa tanawin.

"Tsk! Pangit mo kasi nakakasawa kaya naman minsan dapat ring tigilan" sabi ko at inirapan pa talaga sya.

"What did she said?" Tanong nya sa kakaibang tono. Ano problema nito.

"Nino ba?" Irita kong tanong kahit na alam ko na ang ibig sabihin nya.

"That girl, anong binulong nya sayo kaya ka na umiiwas sakin?" Sabi nya na nagpagulat sakin.
Di naman kasi sya nakatingin samin so pano nya nalaman na binulungan ako ni Darko?

"Ah, sabi nya lang na pano ba daw maging ako, ganda ko kasi" sagot ko. Ilang minuto syang hindi umimik. Hanggang sa umupo na sya katabi ko.

"Sabay tayong kakain mamaya" sabi nalang nya.

       ;::;::;::;::;::;::;;::;::;::;::;::;::;

Taking AdvantageWhere stories live. Discover now