6

0 0 0
                                    

Jesse Lei

Simula nun ay dumistansya na ako sakanya at marami nang nambuli sakin ng palihim. Matagal na palang may galit ang mga kaklase ko sakin dahil sa pagkamalandi ko.

Ngayon ko lang narinig to lahat at talagang ipinamukha nila sakin kung gano ako ka silent bitch. Masakit to para sakin lalo nat nagkamali ako ng kinaibigan. Nagkamali ako ng galaw.

Akala ko wala lang yung malisya kasi jusko naman! Disi sais pa lamang ako. Wala sa bukabularyo ko ang pinagsasabi nila kasi ganito naman ako sa mga barkada ko eh.

Napaiyak nalang ako at naging mag isa nalang. At about sa walang hiyang yun. Kinausap naman nya ako. Rinig ko lahat ng paliwanag nya pero di ko na sya binalingan ng tingin.

Hindi ko na sya pinapansin kahit na magkasabay kami. Oo sumasabay sya sakin pero parang ginawa ko nalang syang hangin. Yung hindi ko nakikita, hindi ko naririnig at hindi ko nararamdaman.

Ayoko ng magawan ulit ng isyu at baka ano ano na namang pangmamaliit ang sabihin nya sakin. Dapat sana natoto nako noon. Kaya lang siguro sobra talagang matigas ang ulo ko.

Umabot ang ganong set up hanggang graduation. Pictorial time na nun nang may biglang humila sakin. At di nako nasurpresa nang makita ko si Gago!

Napunta na kami sa likod ng gym bago nya ako hinarap. Tinitigan nya ako ng matagal kaya naman nakipaglaban rin ako. Dito kasi ako magaling yung tumingin ng blanko.

Pero nabigla ako nung lumuhod sya. Kumunot noo ko kaya lang nakayuko sya kaya di nya yun makita. Tsk! Galawang Romouldez yan at sanay nako dyan.

"I'm sorry" sabi nya kaya lang parang walang epekto na sakin. Sobrang madrama ang lalaking to at may paluhod luhod pa sya. Hay nalang.

Hindi ako umimik at nanatiling nakatayo lang. Guilty ba sya? Ay aba dapat lang! Gago sya eh tinuringan ko pa naman syang kaibigan despite sa mapanuring tingin ng mga kaklase namin samin.

"Baby what are you doing?" Tanong nung babae at nang tignan ko ay yung nagngangalang Gretchen ang naroon kaya bago paman ulit ako pagsalitaan ng masasakit eh umalis na ako.

Baka masapian na naman yun ng masamang espirito at ipamukha na naman sakin kung gano ako kabasura baka mahambalos ko na sya.

Pinatawad ko naman na sya pero sana di na magtagpo landas namin uli.

                        ....
(A;N)

Ito na muna update para char!

Taking Advantageحيث تعيش القصص. اكتشف الآن