Love is never been easy to find

You cannot even defined if it's true or lie

Walang pinipili

But why does it have to be so hard to find it?

Yung tipong akala mo sya na,

Yung feeling mong kayo na talaga then one day maitatanong mo nalang sa sarili mo.

Sya ba talaga ang minahal ko..

Bakit ko ba minahal ang katulad nya? Pagmamahal ba talaga yun.

Frankly, this is true.

This is reality

And sa highschool, dito talaga tayo susubukin ng panahon.

Marami ang naloko, maraming di nakapagtapos.

Kasi dito puro fairytale ang akala natin sa mundo.

Puro imaginations, puro sparkly sparkly ang basihan.

Dito kasi tayo nakakaramdam ng sobra sobrang excitement.

Sobra sobrang umasa.

But!

This story is not real, well

Mayroong oo, mayroong lie.

Pero kasi..

......

.....

           ~first day of school~

Papasok palang ako nang madinig ko na ang naglalakasang boses ng mga kaklase ko.

Well, di na bago sakin yun. Same classmates parin kasi kami lang ang nag iisang section sa major na ito.

Major ko ang Horticulture, mas gusto ko dito, kakaunti lang ang gastusin sa project pero dapat sobrang sipag mo.

May garden kami na araw araw nililinisan actually lahat ng garden sa malaking school nato samin pinapalinis o pinatatamnan.

Minsan kami pa kumukuha ng pampataba, at di nyo nanaising malaman kung san kami kumukuha.

Pagkapasok sa room naabutan ko ang mga kaklase kong nag chichismisan, close silang lahat liban sakin. Mas gugustuhin kong mapag isa at magsulat ng kung ano ano.

Natahimik lang kami nang pumasok na ang guro namin.

Adviser to be exact,

"Goodmorning mga estudyante, ang kalat ng classroom natin first day palang. Para talagang pinanindigan nyo ang tawag sainyo noon ano?" Sabi nito.

Napailing ako.

      'The worst section of all'

Tandang tanda ko pa kung gano kagalit yung teacher na nagsabi nun samin. Kami na ang pinakamaingay, pinakamadumi at pinakamatitigas ang ulo.

Tsk.

"Sino president nyo dati at vice?"

Tanong ng guro kaya agad na nag angat ng kamay ang dalawa.

Si Benido at si Calos, matatalino naman tong dalawa kaya lang ginagawa lang na katawa tawa ng mga kaklasi ko. Number one rin sila eh. Mga sira ulo!

"Kayo nalang mamahala uli dito sa classroom kasi balita ko mablis naman kayo sa mga activities sa school" dagdag nya at tinigna kami isa isa.

"Bago ako magpakilala may nais muna akong unahin dahil nakarating naman na agad sila. Pasok kaya mga iho at iha"
Sabi ni ma'am at may tinatawag sa labas.

Unang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Sobrang tangkad talaga at chubby, andaming pigsa. Ano bayan! Bat ang mga kaklasi ko may mga pigsa ako wala?

Sumunod naman ang babaeng morena at matangkad din.
Model to ah! Nakita ko na sya dati nung minsang sinamahan ko si Ro- basta!

Napaayos ako sa suot kong salamin at napayuko. Makapagsulat na nga lang!

"Introduced your selves, para makilala kayo ng mga kaklasi nyo, same section lang tong mga to last year kaya kayo nalang" sabi ni maam.

"Hi classmates! Ako si Moira Calibuhan" dinig kong pakilala nung babae.

Sya talaga yun!

"Ako naman si Arvil Calontes" pakilala din nung lalaki bago sila pinaupo ni maam..

Yung babae umupo sa harapan ng gitnang row. Buti nalang hindi ako umupo dun. Nandito lang ako nakaupo sa harapan ng row na katabi ng bintana.

Kung nagkataon makakasama kung makaupo ang mga transferees napaka awkward naman kung ganon.

At dahil daldal lang ng daldal si maam di na ako nakinig at hinihila na ng antok. Sobrang napagod  ako kagabi.

Lumipat kasi kami at hinakot namin lahat ng gamit dun sa lumang boarding house at lumipat ng apartment.

Sobrang tagal namin natapos kaya ayun antok na antok pa ako!

Napahikab ako bago sumubsob sa lamesa ko at pumikit.

       ;::;::;::;::;::;::;;::;::;::;::;::;::;
               { Hello Violet }

Taking AdvantageWhere stories live. Discover now