Kabanata 35

42.2K 1.8K 174
                                    

LOSER

“Anak…”

Natigil ako sa paglalakad nang hinawakan ni Mommy ang palapulsuhan ko. Nilingon ko siya.

“Bakit?” tanong ko sabay tingin sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.

Pinakawalan niya ang palapulsuhan ko at humugot ng hininga. “Anak, hindi mo na dapat ginawa iyon. Kung ayaw mong pakasalan si Gregory ay—”

“Mom,” pagputol ko. “Sinong may sabi na hindi ko gustong pakasalan si Gregory? Na-realize ko kasi na baka maghirap tayo nang tuluyan. Gano’n naman, ‘di ba? Bakit pa kayo nagulat na pumayag ako?”

“Anak, pinapangako ko na hindi matutuloy ang kasal ninyong dalawa.” Umiling siya at marahang hinawakan ang magkabila kong kamay. “Kahit iyon na lang ang magiging bawi ko sa iyo anak. Gagawin ko ang lahat para sa iyo…para hindi ka na masasaktan…para maging malaya ka na…”

“Mommy, ano ba ang gagawin mo? Luluhod sa harap ni Daddy para sabihin na itigil dahil naghihirap ako?” Tumaas ng kaunti ang boses ko. “Hindi ko hahayaan na maging mahina, Mommy! Pagod na akong umiyak at hindi din po ako masyadong tanga para hindi pag-isipan ang lahat bago pumayag. Kasi kahit hindi naman ako papayag, gagawin niya pa rin. Wala akong choice…so go with the flow na lang ako.”

Umiling si Mommy sa akin at hinaplos ang kamay ko. “Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari iyon. Hindi ka maikakasal sa kanya. Alam ko na marami akong pagkukulang sa iyo at masama akong ina para pabayaan ang sariling anak, pero maniwala ka sa akin, hindi ka matatali sa kanya.”

***

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Mommy. Hindi ko alam kung paano niya patitigilin ang kasal pero meron na rin naman akong solusyon. Ayaw ko na maging katulad no’ng una na gano’n ang nangyari. Kung ito’y laro, hindi ko hahayaan na manalo sila. Pagod na akong umiyak, pagod na akong maging alipin. Hindi ko hahayaan na tapak-tapakan na naman nila ako. Wala akong pinagkakatiwalaan sa bahay na ito, sa paligid ko, sa lahat. Walang dapat pagkakatiwalaan kundi ang sarili lang.

***

“OMG!”

Umawang ang labi ko nang niyakap ako ni Tita Criza, ang Mommy ni Gregory. Dinala ako ni Gregory sa bahay nila para makipag-meet ulit sa family niya. Hindi ko kaya na nandito ako, pero ito ay parte ng pagpapanggap ko.

“I’m glad you’re back!” Lumuluha niya akong tiningnan at kinapa pa ang mukha ko. “Hindi ko akalain na bumalik ka. Ikaw ang gustong-gusto kong maging asawa ng anak ko.”

Kumirot ang puso ko. Mabait si Tita Criza sa akin at itinuring niya ako na parang anak niya. Pero hindi na katulad dati ang magiging tungo ko dahil sa ginawa ng anak niya.

“Hello po, Tita…” sambit ko at nag-iwas agad ng tingin nang sinuri ako.

“Nagpagupit at nagpakulay ka ng buhok.” Ngumiwi siya sabay iling. Hindi bagay sa iyo ang kulay ng buhok mo at sobrang ikli ng buhok mo.”

Kumunot ang noo ko. “What’s wrong with my blonde hair po, Tita?”

“Well…” Umirap siya. “I remembered someone, at ayoko na maging katulad ka niya. You know how much I hate low class.”

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi nagustuhan ang sinabi niya. “Pero gusto ko ito, Tita. Buhok ko naman ito, kung ayaw mo po sa buhok ko, pumikit ka po.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Si Greg ay nagulantang sa sinabi ko. That’s what you get for letting me back into your life. Gusto ko mang-inis nang mang-inis hanggang sa ayaw niyo na sa akin.

“W-What?” Napakurap-kurap siya at makahulugang tiningnan si Greg bago tumingin muli sa akin. “Of course, Hija! I like your hair pero…” Bumuntonghininga siya at ngumiti. “Alright, you win.”

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon