Tattoo?!

Umalis sa pagkaka-upo sa lamesa si Ate, hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin. "Sis, what are you doing here?" Lumapit siya sa 'kin ay niyakap ako. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

Lumagpas ang tingin ko sa balikat ni Ate. Nakatayo na ngayon ito sa pagkaka-upo.

"Who is he? What are you doing in our house?" masungit kong tanong sa lalaki, naka-cross arm lang ako.

"He's Jackson Cruz, a tattoo artist," sagot ni Ate.

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. "Kaylangan talaga gano'n ang ayos niyo?"

Inosente niya kong tiningnan. "Yeah, para makita ni Jack ng maayos ang paa ko kung saan niya ilalagay ang tattoo," she said.

"Saan ka nakatira? Ilang taon ka na? May mga kapatid ka ba? Sino ang mga magulang mo?!" sunod-sunod kong tanong. Bubukas sana ang bibig ni Jack nang maunang sumagot si Ate.

"He lives at Pasay, twenty-nine years old and his parents' are dead."

Humarap ako kay Ate. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw na pala si Jackson Cruz ngayon," ani ko.

Nginiwian niya ako. Ilang minuto siyang nakatahimik bago ako hinawakan sa braso.

"Why so masungit?! And why are you here? Nasaan ang asawa mo?" pag-iiba niya ng topic.

Umirap ako. "Nasa sala si Jake. Sina Mommy?"

"Nasa taas at nagpapahinga sila but don't worry nagpa-ready na si Mom ng lunch dahil baka nga raw dumating kayo. Kapag pinatawag natin sila ay bababa na sila," aniya.

Humiwalay ako sa kaniya at tumango-tango. Hindi pa rin umaalis si Jack kaya tiningnan ko siya ng masama. Like heck?! Si Ate . . . magpapalagay ng tattoo?! Seryoso ba siya?! Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Naramdaman ko ang pagpalupot ng isang matigas na braso mula sa likuran ko. Sumandal ako sa dibdib ni Jake. Kabisadong-kabisado ko na ang electrifying feeling sa tuwing nagdidikit ang balat namin.

"Why did you shout?" malambing niyang bulong sa tenga ko. I can feel his hot breathe na nagbibigay ng kakaibang feeling sa 'kin.

Humawak ako sa braso niya, "nothing." Tumingin ako kay Jack na naka-upo na sa tabi ni Ate, nililigpit ang mga gamit pang-tattoo. Something weird is happening to them.

Hihilahin ko na sana palabas ng kusina si Jake ng pumasok si Mommy. Matamis ko siyang nginitian.

"Alex, hija." Humiwalay ng yakap sa 'kin ng asawa ko at lumapit ako kay Mom. Niyakap ko siya ng mahigpit. From here, I can hear my Dad voice behind.

"Is that Alex, honey?" Dad asked.

Humiwalay si Mom ng yakap sa 'kin, "yes, honey. She visited us with Jake," anito ay niyakap din ang asawa ko.

Pumasok sa kusina si Dad, nakangiting nagtama ang mga mata namin.

"Hi, anak," aniya. Hinila niya rin ako sa isang mahigpit na yakap. Bumulong ako sa kanya.

"Ate bring home a guy," parang batang sumbong ko. Natawa ng mahina si Dad at humiwalay ng yakap sa 'kin. Nilingon nito sina Ate sa likod.

"Allyson, bakit ngayon mo lang pinakilala sa kapatid mo ang kaybian mo," ani Mom bago lumapit sa may intercom. "Pakilabas na ang pananghalian."

"Jackson, gusto mo bang magtrabaho sa kompanya ko? I'm planning to open and try a business about tattooing," ani Dad.

Gulat akong tumingin kay Daddy. "Seryoso ka, Dad?! Gano'n lang?! bakit dati lahat ng manliligaw ni Ate or yung mga classmate niya hinaharass mo?! Bakit siya hindi?"

Inakbayan ako ni Dad, "kasi anak, mabait si Jackson. Saka nagka-usap na kami niyan. Na-harass ko na siya bago mo pa sabihin," pabirong anito.

Huminga ako ng malalim, mukhang wala naman na akong magagawa dahil okay na it okay Daddy. "Okay. Akala ko naman hindi mo siya kinilala."

Humiwalay ako kay Dad at lumapit sa asawa ko. Nagpunta muna kami sa may sala dahil sinaayos pa ang lamesa. Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami. Si Dad at Jake ay puro trabaho ang pinag-uusapan, samantalang kaming tatlo nina Mommy ay kausap si Jackson.

"Gaano mo na katagal kakilala ang ate ko?"

"Hindi pa katagalan," malamig nitong sagot. Hindi man lang ngumiti.

Pinag-krus ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko. "Okay. Saan kayo nagkakilala?"

"Sa labas ng shop ko."

"Saan baa ng shop mo?"

"Sa may Pasay."

"Sa Pasay ka rin nakatira? Bakit gano'n kayo ka-close ng Ate ko—" natigil ako sa pagtatanong ng matitigan ko ang mga mata nito. My eyes widened. "Wow . . . nice eyes," puri ko.

Doon ko lang siya nakitang ngumiti, maliit nga lang, "pareho kayo ng Ate mo. Daldal niyong pareho," aniya. Tumayo na't umalis. Naks. Nilayasan ba naman ako.

Late lunch na ang nangyari sa 'min. Ang saya lang makipagkulitan sa parents mo. Minsan tuloy para na lang kaming magbabarkada. Noong nilayasan kasi ako ni Jack ay tinawag na rin ako para makakain na ng tanghalian. Sa lamesa ay puro kami tawanan at kwentuhan.

Kulay kahel na ang langit. Naririto ako sa silid ko, sa may veranda. Malamig ang simoy ng hangin. Kitang-kita ang nagkikislapang bitwin sa kalangitan. Mataas ang bahay namin dito, makikita mo ang mga bitwin at buwan ng maayos, kung swerte pati ang city lights ay kita rin.

"Alex," tawag sa 'kin mula sa likod.

"Bakit?" Hindi ako lumingon. Narinig ko ang yapak niya papunta sa tabi ko.

"I want to tell you something," aniya habang nakatingin din sa kalangitan.

"What is it?"

Nilingon ko si Jake, he is looking at me, too. Our eyes locked.

"Daisy and I . . . were over," he said na parang wala lang. 

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon