Chapter 1: The Black Death Assassins

Magsimula sa umpisa
                                    

But wait, 'di pa doon natatapos ang lahat.

Nalagyan niya rin ng bomba ang lugar kung sa'n planado niyang babagsak ang elevator. Kaya naman sa pagkabagsak na pagkabagsak nito sa baba ay siyang hudyat naman upang pumutok ang bombing kanyang itinanim.

Mission Accomplished...

Inaayos na ng dalaga ang kanyang mga gamit upang makaalis na sa lugar nang makarinig siya ng kaluskos. Ngunit sa halimuyak pa lang ng pabangong gamit ng taong iyon ay natiyak na niya kung sino ang lapastangan.

"Mission accomplished?" tanong nito sa kanya at bakas sa boses nito ang pagkakangisi ng ungas na lalaking ito.

"If I were you, shut your mouth, Initiator. I don't need your presence here." Tugon niya sabay sara ng zipper ng kanyang bag.

"Tss. You're still stubborn aren't you?" utas pa nito.

She just gave him a cold stare pagkatayo niya mula sa pagkakaupo at kinasa ang baril.

"Whoah! Chill lang. Masyadong mainit ang ulo. I'm just kidding."

"Gusto mong ipalamon ko sa'yo 'to?"

"Oo na. Sinamahan ka lang 'to naman." May halong pagtatampong utas nito.

Nilagpasan niya ito at tumigil saglit upang ito'y lingunin. "Tara na, baka hinihintay na tayo ng mga iyon."

Nakangiti itong sumunod sa kanya. Ewan ba niya sa taong ito. Napaka-childish kung minsan ngunit mas madalas na...

"'Yung kamay mo, kung sa'n sa'n nahawak." Utas niya nang maramdaman ang braso nitong pumupulupot sa kanyang baywang.

"Hehehe, sorry, 'kala ko lulusot."

"Itong baril ko ang lulusot sa'yo kaya umayos ka."

"Napaka-mean mo talaga kung minsan. Kaibigan ba talaga kita?"

Tiningnan niya ito nang 'di makapaniwala habang kasasakay lang nito sa driver seat dito sa kotse niyang malapit sa ginawa niyang karumaldumal.

"At ikaw pa talaga ang nagtanong niyan sa'kin ah."

LOCATION: Scheduler's Quarters

"Oh! Andito na pala kayo." Bati sa kanila ni Black Swan buhat nang pagpasok nila ng pintuan.

"Punta na ako sa kwarto ko." Untag niya kapagkuwa'y umakyat sa kanyang kwarto. Ngunit hindi pa man din siya nakakakalahati sa pag-akyat nang may tumawag na sa kanyang ngalan.

"Wait, Scheduler." Inaasahan na niyang ito ang tatawag sa kanya. Nilingon niya ito at nginisian.

"Oh bakit, Raven?"

"Tara kain muna tayo." Yaya nito sa kanya.

"Anong pakulo 'yan?" tanong niya.

"HIndi mo na naalala?" sa lahat ng Assassins na kilala niya, itong taong 'to lamang ang nagtatampo na nga ang tono ng boses pero ang mukha... blangko pa rin.

Alam niyang kaarawan ng kanyang kaibigan ngayon. Most likely ay kagrupo sa kanilang trabaho.

Inakbayan siya bigla ni Initiator. "Kasi po birthday ng bestfriend mo." Mabilis niya itong siniko sa mukha at nagwika.

"Gunggong alam ko 'yon!"

Napangiwi ito sa lakas ng ginawa niya. Halos sapo pa nito ang ilong nitong mas nasaktan sa ginawa niyang pagsiko.

"Ikaw kababae mong tao, ang lakas mo! Daig mo pa elepante, tao ka ba talaga?" sinamaan niya ito ng tingin. Tama bang ihambing siya sa hayop?

"May sinasabi ka?" tanong niya na may halong masamang titig.

"W-Wala..." Sagot naman nito na halatang nasindak sa tono ng boses na ginamit niya.

"Ikaw nga kalalaki mong tao takot ka sa babaeng tulad ko." Hirit niya bago niyakap si Raven.

"Happy Birthday," she whispered on his ear. He whispered back and said thank you.

"Oh, halika na kayo. Mga walang'ya kayo ginawa n'yo na akong yaya dito. Help me naman." Tawag sa kanila nila ni Black Swan.

Sabay sabay na silang umupo sa hapagkainan. Hindi na rin niya nagawang magpalit man lang ng damit. Marahil mamaya na lamang. Isa't isa niyang tiningnan ang tatlong taong kasama niya sa bahay na ito.

Sumilay ang kanyang ngisi nang maaalang hindi lang pala sila basta basta magkakakaibigan lamang. Isa silang grupo ng mamamatay tao and...

Black Death Assassins, is their name. One of the most powerful Assassins not because they have her— The Legendary Assassin. May sari-sarili silang mga kakayanang pwedeng pumantay sa kanya. Apat sila sa grupo at lahat sila confidential ang identities, like their leader— Scheduler. No one knows them. May batas silang apat na kapag sa oras na makilala sila ng kahit na sino ay kinakailangan nila itong i-terminate. Kailangang patayin.

Every member of their group were assigned in different fields according to their capabilities to kill.

"Maghugas nga kayo ng kamay!" bulanghit ni Swan sa kanila.

Black Swan, female assassin na isang computer genius. A professional hacker and their researcher.

"Nakapaghugas na ako." Utas ni Raven habang kumukuha na ito ng makakain.

Raven, a merciless assassin na laging tahimik ngunit matinik kung humirit. Ito ang madalas gumagawa ng mga strategic plan na lagi nilang ginagawa if their client wants them to kill the target as a group.

"Hugas? Sus, 'di na kailangan iyon. H'wag kang pauso." Sudlong ni Initiator na kinainis naman ni Swan.

Initiator, a happy go lucky Assassin na laging handang lumaban. Just like his codename... siya ang madalas na nauunang sumabak sa misyon nila.

"Stop acting like a kid, Idiots." Naiiritang niyang utas sa mga ito. "Nasa harap ng pagkain, h'wag mag-away." They all looked at her.

"What?" nakataas ang kanyang kilay na tanong.

And you know who she is— the leader of their group. A bipolar type of girl but she has a highly-incredible IQ. The genius of her generation. Kung minsan tinatawag rin siyang isang buhay na Kamatayan. Because in every mission that they have, lahat ng iyon ay siya ang nagtatakda. Like her codename— Scheduler.

Madaling araw na nang matapos ang kanilang inuman. It's a mini-celebration for them sa kadahilanang kaarawan nga ng kanilang kasamang si Raven.

"Mga lalaki ba talaga ang dalawang 'to? Gosh! Mas malawak pa pala ang imbakan natin ng alak sa t'yan 'e." May pagmamayabang na utas ni Swan sa dalawang kasamang lalaking bagsak na sa sofa.

"Take them to their rooms, Swan." Utos niya sa dalaga.

"What?! Hell no, Scheduler. Ang bibigat kaya nila!" maarteng tugon nito sa kanya na 'agad naman niyang sinagot ng isang matalim na tingin. "Naman oh! Kainis ka!"

Hinila na nito sa paa ang dalawang binata habang may inuutas sa sarili na may halong inis. "Lalasing lasing kayo ah, sige, babalibagin ko kayo sa kama mga loko loko."

Habang dinadala ng dalaga ang mga lasing na kasama ay naglakad siya papunta sa terrace. Pagkarating ay saka siya tumingin sa malinaw na langit na punung-puno ng mga bituin.

"I miss you badly..." mahina niyang usal bago siya hatakin ng antok habang nakasandig sa isang rocking chair.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon